CHAPTER 9

1475 Words
Chapter 9 Primrose Pov TAPOS na kaming mag hapunan ni uncle Death at agad akong nagpaalam na matutulog na. Pumayag naman siya na pumunta ako ng kwarto ko. Narinig ko na din ang pagpasok ni uncle Death sa kwarto niya kaya sigurado ako na hindi na siya lalabas pa ng silid niya. Mabuti nga yun para makatakas talaga ako. Saktong-sakto para sa plano ko na pagtakas mamaya. Humiga na muna ako sa kama para saktong 11PM ay gagawin ko na ang pagtakas ko. Kailangan ko lang makasiguro na tulog na ngayon si uncle Death. Tahimik lang ako nag ce-cellphone at nililibang ang sarili ko. Baka kasi makatulog ako at hindi ako magising ng 11. Hindi pa naman ako inaantok pero mas okay parin na nakahanda ako. Kabado pa talaga ako sa gagawin ko mamaya ngunit pinapalakas ko lang ang loob ko and think positive lang talaga. Kunti lang din kinain ko mamaya para hindi ako mabigat at mabilis na makaakyat. Ang iniisip ko lang ay baka mahuli ako ni uncle Death. Pero hindi talaga ako papayag na mahuli niya ako dahil sigurado ako na magiging mahigpit siya sa 'kin. Katakot pa naman si kuya Death magalit. Nakahiga lang ako at tamang tingin-tingin lang sa orasan na nakasabit sa pader. Saktong 10PM na kaya malapit na ang oras ng pagtakas ko. Bumangon ako at inabot ang suklay na nasa bedside table. Sinuklay ko ang buhok ko para itali. Nakabihis naman na ako kanina pa. Cotton short ang isinuot ko para malaya akong makakilos at hindi mabigat sa pakiramdam. First time ko 'tong gagawin kaya kabado talaga ako. Lagi ko lang iniisip kapag napaghihinaan ako ng loob na kaya ko. Iniisip ko nalang ang masungit na mukha ni uncle Death at ang kasungitan niya para may inspirasyon akong tumakas. Nakaupo lang ako sa kama at nakatitig lang sa orasan hanggang sa pumatak 'yon ng 11PM. Mas lalo akong kinabahan at nagdasal na hindi ako mahuli ni kamatayan. Dumating ang 11PM kaya kinuha ko na ang backpack ko na inayos ko kaninang umaga. Nagdasal pa talaga ako saka ako huminga ng malalim. Kinakabahan talaga ako pero for the go na talaga 'to. Todo na 'to. Mukha tuloy akong tanga na pa flying kiss-fying kiss pa sa langit na parang basketball player sabay turo. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at idinikit ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung nasa labas ba si uncle Death. Nang wala akong marinig na ingay ay agad kong hinawakan ang siradura ng pinto at dahan-dahan na binuksan yun. Sumilip muna ako at napangiti ako dahil nakasara ang pinto ng kwarto ni uncle. Ibig sabihin lang no'n ay tulog na siya. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at halos hindi na huminga habang sinasara ang pinto. Yung lakad ko ay parang sa akyat bahay na walang tunog. Tinungo ko ang hagdan at nakitang nakapatay na lahat ng ilaw. Sa may island counter lang ang bukas na nagsisilbing ilaw para hindi masyadong madilim. Ang galing ko talaga. Makakalabas na talaga ako sa bahay ni uncle Death. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at baka matapilok pa ako. Yung mga paa ko ay ingat na ingat at baka makagawa ako ng ingay. Matalas pa naman pandinig ni uncle. Yung mata nga niya matanglawin eh kaya malamang matalas din pandinig no'n. Matagumpay akong nakababa ng hagdan at tinungo ko ang main door ng bahay. Nang makalapit na ako ay dahan-dahan kong binuksan ang lock ng pinto. Tatlo ang lock at nahirapan ako sa pangatlo dahil alam kong may tutunog na kunti. Pero sobrang dinahan-dahan ko talaga at panay ang tingin ko sa itaas ng hagdan at baka sumulpot si uncle Death. Nabuksan ko naman ang huling lock kaya tuluyan kong nabuksan ang pintuan. Lumingon pa ako ulit sa hagdan na para bang ito na ang huling makikita ko yun. "Goodbye, uncle Death." Saad ko sa mahinang boses. Lumabas agad ako sa pintuan at dahan-dahan na isinara ang pinto. Hindi naman aakyatin ng magnanakaw ang bahay ni uncle dahil hindi naman 'to putcho-putcho na subdivision. 24/7 naka duty ang mga guard dito at nag iikot talaga sila. Naglakad ako papunta sa gate at ito na talaga ang moment of truth na aakyat talaga ako ng gate. Hindi ko kasi pwedeng buksan dahil tutunog kapag isasara ang gate. Baka mahuli lang ako ni uncle. Kaya aakyatin ko na lang. Hinahanda ko na ang sarili ko at napapadasal na lang na sana hindi ako mahulog. "This is it, pancit." Saad ko pa at nagsimulang akyatin ang gate. Pinagdarasal ko pa na sana lang ay walang dumaan na guard dito at baka mabaril ako ng wala sa oras. Inakyat ko agad ang gate at muntik pa akong mahulog dahil dumulas ang kamay ko. Nakaabot ako sa tuktok kaya inilagay ko ang isa kong paa sa kabilang side ng gate. Nakaupo ako habang ang isa kong paa ay nakalaylay sa loob ng gate. Tumingin muna ako sa labas ng gate at sobrang tahimik. Tuwang-tuwa talaga ako dahil ang galing ko. Sabi ko na eh, kapag biglaang plano ay natutupad. Pero kapag pinlano ay na uudlot. Nakangiti akong bumwelo para ilabas na sana ang isa kong paа па naka laylay parin sa loob ng gate. Ngunit napahinto ako ng biglang gumalaw ang gate kaya napahawak ako at baka mahulog ako. "Teka... bakit bumukas ang gate?" Natanong ko pa sa sarili ko habang natataranta. Mas lalo akong nataranta ng bumukas na ng tuluyan ang gate habang nakasakay parin ako sa tuktok. "Mama!!" Sigaw ko habang maiyak-iyak sa takot. "Where do you think you're going?" Agad akong napahinto sa pag sigaw at iyak ng marinig ko ang baritonong boses na yun. Tumingin ako sa labas at nakita si uncle Death na seryosong nakatitig sa 'kin. Nakasuot pa siya ng itim na tshirt at jogger pants na itim din. Patay! Nahuli ako ni kamatayan. Rest in peace nalang sa 'kin. Sumalangit nawa ang kaluluwa ko. Pambihira naman oh. "Mama!!" Napatili pa ako lalo ng isara ni uncle Death ang gate kaya gumalaw na naman. Nang maisara yun ay nakita kong may hawak siyang pinipindot na sa hula ko at remote ng gate. Paulit-ulit niyang binubuksan saka niya sinasara ang gate. Para tuloy akong tanga na nakasakay dito sa tuktok ng gate habang umiiyak sa pinaggagawa ng uncle ko. Ang pangit niya ka bonding. "Tama na po, uncle!! Ayaw ko na! Hindi na po ako uulit." Umiiyak kong sabi kaya biglang tumigil ang gate sa pag galaw. Nakahinga naman ako ng maluwag saka tumingin kay uncle na magkasalubong ang kilay. Wala na, nahuli talaga niya ako. Mukhang naka abang pa talaga siya sa labas ng bahay namin. Hindi ko na talaga alam kung anong propesyon niya. Nong una ay bus driver, ngayon naman tanod. Nasa labas eh kaya tanod ang ginagawa niya sa harap ng bahay. "Uncle.." tawag ko sakanya. "What?" Galit niyang tanong na parang mangangain ng tạo. Ang pangit talaga ng ugali niya. "Sorry na po.." saad ko sa mahinang boses. Narinig ko naman na bumuntong hininga siya kaya napanguso ako. Halatang stress siya sa' kin eh.. ako nga 'tong stress sa ugali at rules niya sa buhay ko. Kaloka siya! "Bumaba ka na diyan!" Sabi niya sa malamig na boses. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi na ako marunong bumaba. Paano ako baba nito. Ako lang yung akyat gate na hindi marunong bumaba. Nakita ko naman na naglakad si uncle Death papunta sa gate at inangat ang dalawa niyang kamay na para bang may sasaluhin. "Tumalon ka. Sasaluhin kita." Seryoso niyang sabi. "Ayaw ko po!" Sagot ko agad. "Bakit naman?" Tanong niya habang magkasalubong ang kilay. "Wala po akong tiwala sa mukha mo eh," nakangiwi kong sagot kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. "Gusto mo bang paandarin ko yung gate?" Tanong niya kaya umiling ako. "Tanggalin mo yang backpack mo at ihulog mo sa loob ng gate saka ka tumalon sa 'kin." Utos niya kaya napabuga ako ng hangin. Ako lang talaga ang akyat gate na ni rescue. Sinunod ko ang utos ni uncle Death at tinanggal ang backpack ko at hinulog yun. Hindi agad ako tumalon dahil huminga muna ako ng ilang beses. "Tatalon na po ako, uncle. Saluhin mo po ako ha!" Sabi ko pa at baka saplan na naman siya ng ka demunyhan at hindi ako saluhin. "Araw at gabi kitang sasaluhin, Primrose. Kaya tumalon ka na." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Tadyakan ko kaya mukha niya. Kahit nagdadalawang isip man ay tumalon ako papunta kay uncle Death. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngunit nawala yun ng masalo niya ako. Nakahinga ako ng maluwag ngunit agad din bumalik ang kaba ko ng magkatitigan kami ni uncle. Titig na titig siya sa 'kin at sobrang lapit ng mukha namin dalawa. Nakikita ko na talaga ang kamatayan ko dahil malamang mas lalong hihigpit si uncle sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD