CHAPTER 10

1133 Words
Chapter 10 Primrose Pov TAHIMIK lang ako habang nakaupo sa pang isahang upuan na nasa sala. Habang ang uncle ko ay nakatayo sa harapan ko at parang may lalabas na apoy sa ilong niya. Nakayuko lang ako dahil natatakot akong tumingin sa kanya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinihintay kung anong magiging hatol ko dahil sa ginawa kong pagtakas. Hindi ko naman alam na nasa labas pala siya naka abang. Naramdaman kong pinulot niya ang bag na dala-dala ko kaya nag angat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng makitang bubuksan ni uncle Death ang bag ko. "Wag na po yan, uncle." Pigil ko pa sa kanya dahil nakakahiya kung makita niya ang mga pinagkukuha kong pagkain sa ref niya. Ngunit hindi talaga siya nagpa pigil at binuksan talaga niya ang bag. Kinain na talaga ako ng hiya ng makita kong kumunot ang noo niya saka inilabas ang tinapay na dala ko. Ipinatong niya yun sa glass table saka kumuha ulit sa loob ng bag ko. Nakuha na naman niya ang strawberry jam na pang palaman ko sana sa tinapay saka niya inilapag ulit sa table. "May de lata ka pa ha!" Sabi niya saka inilabas ang sardinas kaya mas lalo akong nahiya. "Akin na nga po yan, uncle." Saad ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko at hinila ang bag. Pero mas malakas si uncle sa 'kin kaya wala na akong nagawa hanggang sa nailabas niya lahat ng laman ng bag ko. "Ikaw lang yung magnanakaw na hindi gadgets ang kinuha kundi pagkain." Seryosong sabi ni uncle. Hindi naman ako nakasagot at yumuko nalang dahil sa kahihiyan. Kanina pa talaga ako nahihiya sa nangyari sa gate tapos ito na naman. Mas gusto ko pang lamunin nalang ako ng lupa. "Bakit mo binalak tumakas?" Tanong niya sa 'kin kaya napalunok ako ng ilang beses at nag-iisip ng isasagot. "Ahm.. mag fi-field trip?" Sagot ko na papuntang tanong na. Pinukol naman niya ako ng masamang tingin kaya napayuko na naman ako. "S-Sorry na po, uncle." Nasabi ko na lamang at baka patawarin pa niya ko. "Ayaw kong tanggapin ang sorry mo. Sa tingin mo talaga makakalabas ka sa pamamahay ko?" Tanong niya sa 'kin. Napanguso ko. "Akala ko po makakatas po ako, uncle. Pero bakit kasi nasa labas ka ng gate?" Tanong ko naman sakanya. Hindi naman sana ako mahuhuli kung hindi siya tumambay siya sa labas eh. "Inaabangan kita. Nakalimutan kong sabihin sa'yo na puro cctv ang bahay ko." Sabi niya kaya napa angat ako ng tingin. "Wala naman eh," saad ko dahil wala naman akong makitang mga cctv. Alam ko kaya ang itsura ng mga cctv. Ako pa talaga pinagtripan nito ni uncle eh. "Hindi mo makikita yun kaya wag na wag mong susubukang tumakas ulit, Primrose." Sabi niya saka matalim akong tinignan. "Mas lalo mo lang akong ginagalit. Simula ngayon.. sa bahay ka na mag-aaral." Saad niya kaya nanlaki ang mata ko. "Uncle.. wag naman po ganun. Hindi na po ako tatakas, uncle. Sorry na po talaga. Please po.. wag mo po sanang gawin 'to sa 'kin." Pagmamakaawa ko sakanya. Umiling naman siya. "No! Hindi mo na ako madadaan sa mga please mo. Paano kung tumakas ka habang nasa eskwelahan ka ha?!" Galit niyang sabi. Highblood talaga 'to eh. Pinumin ko 'to ng pineapple juice eh. "Masyado kang advance, uncle. Hindi ko nga po naisip yun eh," hirit ko pa kaya masama niya akong tinignan. "Wag mo talaga akong ginagalit, Primrose kung ayaw mong mabitay kita patiwarik. Masyado ka ng makulit." Sabi niya kaya napangiwi ako. "Ang sama mo! Kapatid ka ba talaga ni mama? Bakit si mama ang bait-bait, bakit ikaw kalahi ni satanas?" Inis kong tanong. "What did you say? Did you say Satan?" Tanong pa niya sa 'kin habang nagpipigil ng inis sa 'kin. Ayan na naman ang panga niya. "Di mo po kilala sarili mo, uncle?" Pang-aasar kong tanong. "Basta! Hindi po ako papayag na sa bahay mo po ako mag-aaral. Gusto ko po sa eskwelahan. Magtatampo po talaga ako sa'yo, uncle." Sabi ko at baka sakaling makonsensya. "Eh 'di magtampo ka! Dito ka sa bahay mag-aaral. Tapos ang usapan." Sabi niya saka nag walk out sa harapan ko. Napasunod ang tingin ko sakanya at inangat ang isa kong kamay at para bang iniisip na isa siyang kuto na tinitiris ko. "Ang sarap mong tirisin, uncle. Matapilok ka sana." Saad ko pa. "Narinig ko yun." Sagot naman niya na halatang nasa kusina siya. Ang talas talaga ng pandinig ng gurang na 'to. "Gurang na nga, matalas parin ang pandinig." Saad ko sa mahinang boses. "Sinong gurang? Ako ba tinatawag mong gurang?" Bigla niyang sulpot sa harapan ko. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa kanya. "Hindi po ahh.. hindi ka nga po halatang 32 years old po eh. Bagets na bagets." Nakangiti kong sabi. Pinukol lang niya ako ng masamang tingin saka nag walk out na naman. Akala ko pa naman mauuto ko siya. Sana sumakit rayuma niya. Letse siya! Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil wala na yata akong magagawa. Malamang gagawin niya talaga ang gusto niya. Kapag sinabi niya sinabi niya talaga. Kaya asahan ko na bukas na dito nalang ako sa bahay mag-aaral. Ang malas ko talaga. Konting-konti nalang sana eh, makakatakas na sana ako. Piste! May cctv pala dito sa loob ng bahay niya. Akala ko kasi nasa harap lang ng main door kaya kaninang umaga ay nilagyan ko yun ng itim na panty ko para matakpan yung cctv. Hindi naman niya mahahalata na may itim na nakaharang dahil akala ko hindi siya tumutingin sa monitor. Pero inilagay ko parin ang panty ko para hindi ako makunan. Effort na effort pa ako maglagay no'n habang nagluluto ng hapunan si uncle za kusina. Yun naman pala mahuhuli lang pala ako. Napatayo ako sa kainauupuan ko ng maalala ko ang panty ko na nilagay ko sa cctv. Dali-dali kong pinuntahan yun at nagulat ako dahil wala na ang panty ko do'n. Pumyemas! Nalaglag pa yata kaya siguro ako naguli kanina. Hindi ko kasi pinansin kanina dahil naka focus ako sa pagtakas ko. Panty din ang ginamit ko dahil mas magaan kaysa sa tshirt na itim. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil hindi ko makita ang panty ko. "Looking for your black panties?" Biglang tanong ni uncle Death. "Paano mo nalaman na panty hinahanap ko?" Tanong ko pa sakanya habang nanlaki ang mata. Ako lang kasi ang nakakaalam no'n ay siniguro kong hindi niya makikita. Bigla siyang ngumisi na parang demonyo at may kinuha sa bulsa ng jogger pants niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko ang panty ko na hawak niya. Walangya! Nakakahiya! Agad uminit ang magkabilang pisngi ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mabawi ang itim kong panty. Punyetang panty!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD