Chapter 1: Amazona
???????'? ???
"KHEANAAAAA BANGON NAAAAA!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw.
Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago tingnan ng masama ang walang hiya kong kapatid na ngayon ay humahagalpak ng tawa.
"Makasigaw ka wagas ah? Dinaig mo pa speaker ng kapitbahay natin tss."
"Kanina pa kasi kita ginigising. Tulog mantika!"
"Tss!"
"Bilisan mo na. Nauna na sayo si Kuya. Kupad mo kasi."
Nagdadabog akong tinungo ang banyo para mag asikaso na. 6:30 na pala at 7 ang pasok ko. Susko naman.
**
"5 mins late ka na, Khea!"
Sinamaan ko ng tingin si Sir na ngayon ay nagtuturo na. Ou, bida-bida ako sa class kaya ko siya sinamaan ng tingin.
"Lagyan niyo nalang po ako ng late comers sa attendance. Total diyan naman kayo magaling," napataas naman ang kilay niya.
"Late ka na naman kasi gumising. Dapat sayo buhosan nalang ng tubig para isang gisingan lang eh."
Nagsitawanan naman ang ibang classmates ko kaya pabalang akong naupo sa upuan.
"Whatever!" halos pabulong ko ng sabi pero narinig pa rin ni Ely.
"Hoy, grabeh ka makasagot sa Kuya mo." sabi pa niya.
"Ehhh siraulo kasi. D ako sinabay papunta dito tapos magrereklamo na late ako?"
"Tulog-mantika ka naman kasi."
Binalewala ko nalang siya at nakinig na kunwari kay Kuya. Yes, Kuya ko ang adviser namin ngayon. Kuya kong walang modo. Dapat talaga dito bigyan na ng jojowain eh. Pssh!
Hindi na ako nag-abala pang pumunta sa cafeteria dahil nagpasabay nalang ako kay Ely. Tinatamad kasi ako, at syempre may tao rin ako na dapat iwasan. Ayokong makita ang pagmumukha nung akala mo naman ay.......ou pogi siya tss.
"Eto na Khea!" tinanggap ko naman agad ang binili ni Ely na fudge bar at pancham.
Hindi ako tamad lumabas. Sadyang ayoko lang mag cross ang landas namin.
"Ayos ka lang ba?"
"Mukha bang hindi?"
"Ou eh. Parang ang lalim ng iniisip mo. Siya pa rin ba?"
Naibagsak ko ang pancham sa arm chair. Pag ganitong usapan kasi, bigla bigla nalang ako manghihina. Para bang lason sa pagkatao ko.
"You know it's not easy to move on, Ely. But atleast, i know i to handle this, i know how to deal this pain!" may patak na agad ng luha na dumaloy mula sa mata ko.
Agad ko 'yong pinunasan at nag-smile sa kanya. Aaminin ko, masakita pa. Nanghihinayang pa rin ako, pero hanggang kelan ko to titiisin? Hanggang kelan ko kakayanin ang bigat ng dibdib ko dahil sa trauma na pilit kong kinakalimutan?
"Makaka move on ka rin, Khea. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo."
"Yeah whatever!"
Tinapos na namin ang kinakain namin dahil pumasok na ang 3rd period adviser namin.
Wala namang pumapasok sa utak ko. Nagulo na dahil sa inopen na topic ni Ely. Kung ako nga lang, ayoko ng maopen pa yun pero hindi ko naman pwedeng takasan. Parte na ng pagkatao ko ang masakit na nakaraan na 'yun.
Kung pwede pa lang tumakbo, tatakbo na ako ng walang-lingon likod para hindi ko na siya makita pa, sila.
"Ms. Sarmiento lutang ka na naman." napabalik ang huwisyo ko dahil sa tawag ni Ma'am.
Nakita ko naman na nagsitawanan ang iba ko pang classmates maliban kina Ely at Dustine na seryusong nakatingin sakin.
"S-sorry po,"
"Kung matanda 'yan iwan mo na. Marami pang iba." biro ni Ma'am na tinawanan na naman ng mga above normal kong classmates.
Hindi nalang ako nakipag sagutan pa para matigil na ang gulo. Baka kung ano na naman ang mabitawan kong salita, mahirap na.
"You should focus on your study. Hindi puro siya nalang palagi mong iniisip." napatingin ako ng seryuso kay Dustine na ngayon ay nagte take note na ng sinusulat ni Ma'am.
Ewan ko ba sa lalaking 'to. Isa ring malakas ang topak. Dinaig pa ako na February baby pssh.
"Hindi naman. Feeling mo lang siya iniisip ko tss. Wag mo na ulit 'yon babanggitin baka pag nakita ko yun, masapak ko ng wala sa oras!" nilingon niya naman ako na nakataas ang kilay.
"Kaya mo?"
"Ay wala kang tiwala sakin, Dong? Gusto mo try ko sayo?"
"Amazona!"
Bumalik na siya sa pagsusulat dahil siguro naramdaman niyang d ako nagbibiro. Ilang mga bida-bida na rin kasi dito sa classroom maging sa labas ang napatumba ko. Hindi naman ako ma suspended kasi self-defense naman ang ginagawa ko haha.
Kaya nga ang bansag sakin dito sa room 'Amazona'. Para daw kasi akong siga. Dagdagan pa na sinasapak ko mga classmates kong bida-bida. Ewan ko ba, nababadtrip ako pag nakakasalamuha ang mga kagaya nilang kinulang na nga sa pansin, mga wala pang silbi kausapin.
Nagkopya nalang din ako sa notes ko. Wala naman kasi akong magawa maliban sa magtulog-tulogan pag boring ang teacher na nagtuturo. May mga kagaya kasi nila na imbes matuto kang mag-aral, matututonan mo talagang matulog sa klase. Tapos natulogan sila, bigla-bigla nalang mambabato ng eraser o chalk para magising.
Gulo niyo sa bvlbol pramis!
"San na naman ba lumilipad ang utak mo?" tinaasan ko ng kilay si Ely na ngayon ay nakatingin sa notes ko.
Napahagikgik ako ng makitang sumalangit-sumanawa na ang sinusulat ko. Gusto na yata nito umakyat sa langit. Buti dun may peace of mind hays joke lang talaga.
"Kanina ka pa. Sabog na sabog ka talaga ngayon, Khea!" bahagya siyang tumawa.
Nag blink-blink nalang ako at tahimik na tumawa dahil sa kasabogan ko ngayong araw. Kung d ba naman kasi pumasok sa utak ko si kwan, malamang hindi ako nagkakaganito ngayon.
"Magsulat ka na nga lang diyan. Ako na naman nakita mo." reklamo ko.
Nag "ewan ko sayo look" naman siya sakin bago bumalik sa pagsusulat. Buti 'yan!
Pinagpatuloy ko na rin ang pagsusulat pero sa dami ng dapat nami'ng kopyahin, mukhang mapupudpod ang kuko ko neto. Hindi naman kasi ako sanay na maikli ang kuko, parang ang hirap humawak ng mga bagay-bagay lalo na relasyon tapos yung partner mo iba na pala gusto....ayyy ano na naman ba to.
Amaccana Kheanna!
Humangos nalang ako dahil sa pagkadismaya sa sarili ko. Hindi ko maintindihan sabog talaga ako eh haha.