MARK Isang napakalawak na bulubundukin ang ang tumambad sa akin matapos ko namang marating ang pinaka highest peak ng Baguio City. At sandali akong nakaramdam ng kakaibang awa para kay Mommy ng masilayan ko ang mga layo layong bahay na may mga aandap andap na mga ilaw. Na nakatirik lang sa mga gilid ng bundok. Napakalamig ng lugar na halos zero visiblity na ang paligid dahil sa napakapal na fog. Na halos ang mga mahihinang ilaw lang ng mga kabahayan ang nasisilbing palatandaan ko mula sa kinatatayuan ko. Malinaw pa din naman sa isip ko ang instructions ni Daddy kung paano ko nga ba siya mahahanap sa napakalawak na lugar na ito. May dala din akong heavy duty na flashlight na kabilin bilinan din ni Daddy na huwag kong kakalimutan. Habang suot ko ang isang medyo makapal na jacket. At aam

