Madilim na ang buong kabahayan ng makarating kami ni Ester. At nakahinga din naman ako ng maluwag dahil still patuloy na tahimik ito ng datnan naming dalawa. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin kapag ganito, na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa din si Marcus. "Maupo ka muna diyan Ester, sandali muna at matitimpla ako ng kape para sa ating dalawa, para naman mabawasan kahit papaano ang lamig diba." sabi ko pa matapos din naman naming makapasok sa bahay. Handa naman ako sa ganito sitwasyon,dahil may pocket flashlight ako palaging dala sa bulsa ng aking sweater. "Nako at nag-abala kapa talaga Ate, diba dapat ay ako ang gumagawa niyang para sa iyo huh." Nahihiyang sabi pa nito. Napangiti naman ako sa kanya. "Ano kaba ako nalang dahil mas kabisado ko ang bahay ko no, at sa dilim ng pa

