Wala naman kaming kibuan pagdating sa room. Mabilis siyang naupo sa gild ng kama at marahang hinubad ang kanyang sandals. Halata din ang matinding pagod mula sa mga kilos niya. "Thank you pala Mommy dahil pumayag ka na samahan kita dito." Sabi ko pa habang inililibot ang aking paningin sa kabuuan ng VIP Room. Maganda ang kwarto, malamig din at mabango. Ngunit kumpara sa Condo Unit ko ay nagiging ordinary room lang ito at hindi VIP room. Dahil malayong malayo ito sa napaka gandang unit na bigay ni Mommy sa akin. "Dati naman tayong ganito diba?" Walang emosyong sabi niya bago tuluyang umayos sa kama isinaldal ang kalahati ng katawan niya sa headboard ng kama. "Yes Mom, pero madami ng nagbago diba? Iba na sa iniwan kong sitwasyon natin dati." Malungkot na sabi ko. Naupo ako sa gilid ng

