Almost 10:00 PM na din ng makarating kami sa bahay nila Lolo. Mapapansin ding napakarami pa ding tao. At lahat halos ay kay Mommy ang attention ng pumasok kami sa Pavilion. Marahil ay sobrang nagandahan sila kay Mommy na tila isang celebrity dahil sa napakaganda nitong ayos at ganon din syempre ang natural na ganda ng kanyang mukha at maging ng kanyang katawan. To think na ngayon ay 3 months preggy na siya, na tila yata lalo pa siyang gumanda. At syempre ay hindi din naman ito nakalagpas sa host ng event na i-mention pa si Mommy sa harap ng mga guest, bilang isa sa pinaka magandang guest ni Lolo. Bagay na nagbigay sa akin ng sobrang proud para sa kanya. Matapos ang batian at tila walang katapusang kumustahan mula sa mga relatives at pinsan ko. At syempre sa Titos at Titas ko at lalo na

