Chapter 55

838 Words

Matapos ang halos 2 hours na byahe ay narating ko ang destinasyon ko. Isang matandang babae ang masayang sumalubong sa akin mula sa gate ng isang apartment compound sa Sampaloc Manila. "Magandang umaga Hijo... Ikaw na marahil yung anak ni Sir Lemuel, tama po ba?" Masiglang tanong pa niya sa akin bago tuluyang ibinukas ang gate para sa akin. "Yes po Nay. Saan po pala yung magiging Apartment ko dito?" Magalang na tanong ko pa matapos kong maalis mula sa ulo ang suot kong full faced helmet. Muli naman siyang napangiti sa akin. "Sa ikaapat na pintuan sana ang ini reserve sa iyo ng Papa mo, subalit... Bweno tingnan mo pa din dahil sa iyo pa din naman iyan naka reserved dahil bayad ang 2 months niya para sa iyo. Ako pala ang katiwala dito sa buong compound. Tara tuloy ka Hijo." sabi pa niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD