"Basta maganda siya. Para nga siyang artista eh, kaya yung mga iba tenants ditong lalake ay halos mapabalik balik dito makita lamang siya Hijo." Ngunit satisfied na nga ba ako sa mga sinabi niya? Well, gusto ko pa ding makatiyak kung tama ba ang hinala ko. "Mga ilan taon napo siya kung ganon pala Nay?" Usisa ko pa. Gusto ko kasi talagang makatiyak. Sandali naman siya napaisip at, "Siguro ay nasa 25 hanggang 27 lang ang edad niya. Napakabata pa kasi niyang tingnan. Pero teka..." sabi pa niya bago napatitig sa akin. "Tama halos magkahawig kayo ng babae. Kaya naman siguro napaka gwapo mong bata ka dahil siya ang kamukha mo." Patuloy pa niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. At tama, si Mommy nga ang tinutukoy niyang napaka gandang babaeng nakausap niya. "Ate mo siguro siya, tama ba?"

