Kabanata 24

1545 Words

Umuwi naman na sila at hindi na naman nakakain. Wala si Izra dahil may shoot na naman. Sumaglit lang ito kanina sa party. “Ano ang gusto niyong kainin?” tanong ni Bulma sa kanilang dalawa. Napapahikab pa ito. Gusto na yatang matulog ng matanda at alas-onse na ng gabi. “Sorry Bulma, ako na lang ang magluluto,” sagot ni Adriana. “Nakakahiya naman sa outfit mo,” ani Bulma. Halata ang inis sa mukha nito. Napakamot naman sa noo niya si Adriana. “Sorry na kasi,” giit nito. “Just sleep Bulma,” sabat naman ni Yoa. Kaagad na lumiwanag ang mukha nito at nginisihan silang dalawa. Nagpi-finger heart pa ito at inayos ang kaniyang buhok. “Sayang naman ang outfit ko ngayong gabi tapos paglulutuin niyo ako ng adobo o ano pa man. Ang daming pagkain sa party kung bakit kasi hindi kayo mahagilap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD