Kabanata 25

2734 Words

Maagang nagising si Adriana at nag-asikaso. Pagkatapos magbihis ay bumaba na siya para kumain. Papunta siya sa kusina nang mamataan si Yoa na pababa ng hagdan at tila nagmamadali. Kaagad na napangiti siya. “Yoa,” tawag niya rito. Nilingon naman siya nito at hindi niya maintindihan kung bakit salubong ang kilay nito at wala sa mood. Hindi naman siya nakaimik dahil iba ang aura nito ngayon. “Not now, I have to go,” wika nito at umalis na. Naiwan naman siyang nakatingin sa likuran nito. “Mukhang may problema,” saad ni Bulma sa likuran niya. “Mukha nga,” sagot naman niya. “Panigurado, ilang araw rin ang gugugulin niyan bago umuwi rito.” “Bakit?” “Hindi iyan titigil hangga’t hindi nareresolba ang problema. Kung ang iba inaasa sa mga tauhan siya hindi. Siya mismo ang kumikilos para w

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD