“B, nakauwi na ba si Yoa?” tanong niya sa matanda nang makauwi siya galing sa eskuwelahan. “Hindi pa yata, mukhang matatagalan iyon sa pag-uwi ngayon at paniguradong may nag-organize ng birthday party niya sa capitol,” sagot nito. “Ahh,” aniya at ngumiti lang nang tipid. “Bakit? May hinanda ka ba para sa birthday niya?” usisa nito. “Hmm, oo. Bumili ako ng maliit na cake,” sagot niya. Ngumiti naman si Bulma at tinanguhan siya. “Hintayin mo na lang mamaya. Alam mo naman na sobrang busy niyang tao. Paniguradong matutuwa iyon kapag nalaman niyang nag-effort ang prinsesa niya,” sagot nito. “Sa tingin mo?” tanong niya rito. Tumango naman ito. “Oo, pero kumain ka ng hapunan ha. Baka gabihin na iyon masiyado mapasma ka pa,” saad nito. Tumango naman siya bilang sagot. Umakyat na siya s

