“Kawawa ka naman, amoy na amoy ko ang sunog mong buhok,” sambit ni Berdugo. Inayos naman ni Bulma ang buhok niya at huminga nang malalim. “Hindi madali ang pinagdaanan natin kanina. Mabuti na lang talaga at walang nangyari kay, Adriana. Kung nagkataon na hindi natin siya natulungan agad paniguradong tayo ang tosta kay, Yoa,” aniya rito. “Sinabi mo pa,” anito. Humalukipkip naman si Bulma habang nakatitig kay Berdugo. “Bakit?” “Ang guwapo mo Berdugo. Kahit dugyot kang tingnan sa japorms mong baduy napakaguwapo mo pa rin sa paningin ko,” sagot nito. Napangiti naman si Berdugo nang malawak dahilan para mahulog ang suot nitong postiso. Natigilan sila pareho at mabilis na pinulot iyon ng matanda. “Mahina ang kapit,” anito at ngumiti ulit kay Bulma. Kinikilig na hinawakan naman ni Bulma

