“You need to rest,” wika ni Yoa kay Adriana. Tumango naman siya at umakyat na sila sa ikalawang palapag. Pumasok na siya sa kuwarto niya nang makitang nakasunod pa rin si Yoa sa kaniya. “Hmm?” tanong nito. “Bakit ka nandito sa kuwarto ko?” aniya rito. “I’ll sleep with you,” sagot nito. Napakurap-kurap naman siya. “What? You didn’t miss me?” anito. Sa pagkakaalala ni Adriana ay ilang oras lang silang hindi nagkasama dahil umuwi ito kaagad. “Buti pala at nakauwi ka kaagad,” sambit niya rito. “I have my own private jet,” sagot nito. “Ah,” aniya. Wala na siyang ibang masabi. Kumuha na siya ng pares ng pajama niya at tiningnan si Yoa. “Magbihis ka kaya muna. Nakasuot ka pa ng suit,” aniya rito. “Why do I have to change my clothes? Tatanggalin ko rin naman ‘to mamaya,” sagot nit

