Pumasok na sila sa loob ng bahay at natahimik nang makita si Yoa na nakaupo sa living room at kasama nito si Amanda. Mukhang nag-uusap ang mga ito nang masinsinan. “Y-Yoa,” ani Adriana. Napatingin ito sa gawi nila at mabilis na tumayo t’saka patakbong nilapitan siya at mahigpit na niyakap. “Akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo,” anito at lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. “Bakit nandito ka na? Hindi ba sa susunod na araw pa ang uwi mo?” ani Adriana sa kaniya. “Hindi ako mapakali. I know something was wrong and I am right,” sagot nito. Napatingin naman si Adriana sa wall clock at alas-tres na ng madaling araw. “Ano’ng ginagawa ng babaeng ‘yan dito?” tanong ni Bulma. Kumunot naman ang noo ni Yoa at hinarap si Amanda na ngayon ay nanginginig na umiinom sa kape niya. K

