Paglabas niya ng kusina ay sakto namang pumasok ang binatang si Izrael sa bahay nila. Nagkatinginan naman sila at parehong hindi alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Napalunok naman ang dalaga. “Izra!” Nakahinga nang maluwag si Adriana nang lumabas din si Bulma. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinila palapit sa binata. “Mabuti naman at nandito ka na. Akon na ang bahala sa mga gamit mo. Ito nga pala si Adriana ang step-daughter ni, Yoa. Upo ka rito. Adriana kausapin mo si Izra para naman kahit papaano ay hindi siya makaramdam ng pagkabagot,” saad ni Bulma. “It’s fine, I can manage,” sagot naman ni Izra. “It’s not fine, ano ka ba?” ani Bulma at pinaupo na sila. Hindi naman makareklamo si Adriana dahil hindi siya binibigyan ng pagkakataon ni Bulma. Napapikit na

