Pagpasok nga ng dalaga sa kusina ay kaagad na sinalubong siya ng tingin ng dalawa. Napalunok naman siya at kaagad na yumuko t’saka umupo sa kabilang upuan. Nakasunod lamang ang tingin ni Izra sa kaniya at si Yoa naman ay nakatingin kay Izrael. pangiti-ngiti lamang sa gilid si Bulma. Nagsimula na rin silang kumain. Ssobrang tahimik at tanging tunog lamang ng kubyertos ang maririnig. “Izrael will be living with us,” wika ni Yoa. Tumango lamang si Adriana. Mukhang malaki ang pagpapahalaga ng lalaki sa mga taong walang mauwian. “I hope we can get along well, Yana,” saad ni Izrael. Kaagad na nag-isang linya naman ang kilay ni Yoa sa narinig. Maging si Adriana ay natigilan. May nickname na kaagad ang binata sa kaniya. Napalingon siya sa amain niya na sana pala ay hindi niya ginawa. Kamunti

