Maagang nagising ang dalaga kinabukasan dahil balik na siya sa pag-aaral. Iniiwasan niya ring magkrus ang landas nila ni Yoa. Hindi pa rin siya mapakali sa mga sinabi nito sa kaniya. Simula na rin ng campaign period kaya nakahinga rin siya nang maluwag. Paniguradong magiging busy na ito. Hindi na mag-aabot ang landas nila. Paglabas niya ng kuwarto niya ay agad din siyang bumaba. Naghihintay na rin ang driver na hinire ni Yoa para sa kaniya. “Kumain ka muna Adriana,” ani Bulma na naglilinis ng living room. Tumango naman siya. Nagulat pa siya nang makita si Izrael na nakaupo sa dining area. “Kain ka na,” wika nito. Alanganing tumango naman siya at napatingin sa paligid. Tahimik na kumakain siya at halata sa kilos na may pagmamadali. “Hinay-hinay lang, maaga pa naman hindi ka mali-lat

