“Kakain na, mamaya na kayo maglambingan at maaga pa,” ani Bulama na kalalabas lang ng kusina. Tumayo naman silang dalawa at umupo na sa upuan sa kusina. Nagsimula na rin silang kumaing tatlo. “Nga pala, in-invite ako ni, Mia sa birthday party niya sa susunod na araw. Puwede ba akong pumunta?” tanong niya kay Yoa. Kumunot naman ang noo nito. “What time?” “Erm, overnight ang party niya,” sagot niya. Hindi naman nagsalita ang binata. Tumigil din ito sa pagnguya at tinitigan siya. “No, it’s too dangerous. Baka kung ano pa ang mangyari sa ’yo roon. I’m not there,” wika nito. “Yoa, mga kakilala lang naman namin ang kasama namin eh. Sige na, ayaw kong magtampo si Mia sa kin. Isa pa siya lang ang kaibigan ko,” pamimilit niya pa rito. Tiningnan niya si Bulma at nagmamakaawa na kombinsihi

