Pagkauwi nila sa bahay nila ay umupo na muna sila sa living room. Kaagad na naghanda naman ng snacks si Bulma. Kailangan nila iyon dahil siya rin ay gutom pa dahil hindi siya maayos na nakakain sa venue dahil sa labis na pagkaasiwa sa mga tao roon.
“Anak, hindi ka ba nakakain nang maayos doon?” tanong ng ina niya. Mabilis niya kasing naubos ang mga pagkain. Nakatingin lang din sa kaniya ang amain niya.
“H-Hindi po eh, naasiwa ako sa mga tao,” sagot niya at nagpatuloy.
“Gusto mo ba ng kanin anak? Ipaghahanda kita sandali lang...”
Hindi na siya nakapigil pa dahil umalis na ito. Heto na naman at naiwan na naman silang dalawa ni Yoa. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.
“Delicious?” tanong nito. Tiningnan naman niya ito at tinanguhan.
“Kung sana kasi ikinain mo na lang kanina ang pakikipag-usap sa anak ni, De Guzman hindi ka sana nagugutom ngayon,” wika nito. Natigil naman sa pagnguya si Adriana at tiningnan ito.
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”
“Mga kabataan ngayon masiyadong marurupok. Bata ka pa kasi, kahit ano pa ang sabihin ko sa ‘yo hindi mo rin naman maiintindihan,” anito. Pakiramdam ng dalaga ay nagsitayuan ang balahibo niya sa batok sa sobrang inis.
“Hindi na po ako bata. Dalaga na ako at alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko,” inis niyang sagot.
“See? Naiinis ka kaagad. You don’t even know how to control your emotions. Masiyado kang nagpapadala sa emosiyon mo,” anito.
“May problema ka ba kay, Kai?” tanong niya rito.
“So, the name is Kai huh?” aniya.
Natigil naman sa pagnguya ang dalaga at umayos sa kaniyang pagkakaupo. Naiilang na siya sa tingin nito. Matamang nakatitig sa kaniya at halos mag-isang linya na ang kilay nito.
“Bakit ka napipilan bigla? Realized something big?” wika nito. Napalunok naman ang dalaga. Saglit ay parang nakalimutan niya bigla kung sino itong kaharap niya dahil sa inis niya.
“Baka nakakalimutan mo na kung sino ako sa buhay niyong mag-ina. I am the reason why your mother enjoyed her life, and you are about to enjoy it too. You must thank me, Adriana,” seryosong sambit nito. Nagsitayuan naman ang balahibo ng dalaga sa narinig. Hindi niya alam pero sobrang kakaiba sa pakiramdam na marinig ang boses ni Yoa na binibigkas ang pangalan niya. Dumekwatro ito habang nakatingin sa kaniya. Kaagad na nag-busy-busy-han siya sa pagkain kahit ang totoo ay halos hindi na nga niya malunok ang pagkain.
“Don’t be a brat. I hate brats,” dagdag pa nito.
“I-I’m sorry,” saad niya. Tumikwas lamang ang kilay ni Yoa sa isinagot niya.
“Does sorry can fix everything?” anito.
Napatingala naman siya at sinalubong ang tingin nito.
“At least it will calm the situation,” sagot niya. He scoffed with her answer and shake his head in disbelief.
“That’s why you need to focus on your own growth, Adriana. Ang dami mo pang dapat na matutunan. And boys will always be boys. They will only ruin your plans, and your future goals. So, I insist that you study hard, study first, and prioritize it before them. You understand?” sambit nito.
Para namang nahipnotismo ang dalaga sa titig nito at kusang napatango ang kaniyang ulo. His alluring eyes makes her feel insane.
“Walang magandang naidudulot ang lalaki sa buhay mo,” saad nito at nagsalin ng wine sa goblet nito.
“Including you?” mahinang sambit niya. Tumawa naman ito pero hindi umabot sa kaniyang mata. Ramdam niya ang kalamigan ng kaluluwa nito.
“I’m a man, not a boy. I can have everything dance on my hands. May it be, a person, a place, everything Adriana. And a boy cannot do that. I am not a Governor of this city for nothing,” sagot nito. Natahimik naman siya. Uminom ito sa goblet niya at tumayo na.
“But I’m a dangerous man. So, know who you’re trying to piss off next time,” malamig nitong saad at umakyat na papunta sa taas. Naiwan naman siyang hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan.
“Adriana!”
T’saka lang siya natauhan at nakita ang ina niya na nakasuot ng apron at may hawak pang sandok.
“Halika na anak, nakapagluto na ako. Nasaan na ang step-father mo?” tanong nito.
“Erm, nasa taas na po,” sagot niya.
“Tawagin mo anak. Sabihin mo kakain tayo ulit. T’saka hindi rin iyon nakakain nang maayos dahil walang tiwala iyon sa pagkain sa labas,” saad nito.
“P-Po?”
“Sige na, may ginagawa pa kasi si Bulma. Nakakahiya na ring gisingin ang ibang maids,” wika ng ina niya. Alanganing tumango naman siya at sumunod na lamang. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kaniyang mga paa habang naglalakad papunta sa kuwarto ni Yoa.
Nakatayo lang siya roon sa may pintuan at nagdadalawang-isip kung kakatok ba siya o hindi. Sa huli ay kumatok na rin siya at baka magtaka pa ang ina niya sa baba. Kumatok siya ng tatlong beses bago iyon buksan ni Yoa. Tumambad sa kaniya ang lalaking walang suot na damit at tanging itim na silk pajama lamang ang suot nito. Nagulantang siya sa nakita at first time niyang masilayan ang hubad na katawan ng isang lalaki. Worst ay sa amain pa niya.
“What?” he asked annoyed. Iniwas naman ng dalaga ang tingin niya para hindi mag-abot ang mata nila.
“K-Kakain na raw,” mahinang sambit niya. Tiningnan naman siya ni Yoa at kunot na kunot ang noo nito.
“Don’t act like you have a f*****g virgin eye. Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking walang suot na damit?” asik nito. Tumalikod naman ang dalaga at naikuyom ang kamao.
“Want to punch me?” anito. Huminga siya nang malalim at nauna pa ito sa kaniya. Nakasuot na ito ng puting damit.
“Ang feeling,” mahinang wika niya.
“Heard you,” sambit nito. Natahimik naman ang dalaga at hindi na nagsalita pa.
Pagbaba nga nila ay tahimik lang siyang umupo sa kaniyang upuan at kumain na sila.
“Anak, malapit na ang pasukan niyo. So, anong plano mo? Napag-isipan mo na ba?” usisa ng ina niya.
“Opo, I will go with what was originally planned. I will pursue fine arts,” sagot niya rito. Kita naman niya ang masayang ngiti ng ina niya. It was a smile of relief.
“See? I told you Yoa. Hindi ako matitiis ng anak ko,” saad nito. Nagdikit naman ang kilay ni Adriana sa ina. Ano ba ang ibig sabihin nito? Hindi na rin siya nag-abala na magtanong dahil paniguradong wala naman itong pakialam sa kung ano ang opinion niya.
“Good choice,” anito.
“Anak, alam kong mag-e-enjoy ka roon sa school mo. Maraming guwapo at magaganda,” excited na wika ng ina niya. Tahimik na kumakain lang naman ang amain niya.
“Ma,” saway niya rito.
“Ano ka ba? That’s normal t’saka dalaga ka na. Ano naman kung magkakaroon ka ng boyfriend? Isa pa nakita ko kayo nu’ng anak ng amiga kong si Luisa ha. Gusto mo ba ang anak niya? Ang guwapo hindi ba? Sa pagkakaalam ko ay iisang school lang kayo,” sambit nito. Pakiramdam niya ay lalo lang siyang pinapahirapan ng ina. Ramdam na ramdam niya kasi ang bigat ng mga tingin ni Yoa sa kanilang dalawa.
“What do you think anak?” sambit ng ina niya. Uminom naman siya ng tubig at sinalubong ang tingin nito.
“I... I don’t know ma,” sagot niya rito.
“Hindi bale na nga, ang importante ay mag-enjoy ka sa school mo. Huwag kang ma-pressure ha,” anito. Tumango naman siya.
“You shouldn’t tell her what to do. Hayaan mo siya sa buhay niya,” sabat ni Yoa. Natigil naman sa pagnguya si Adriana. What a hypocrite! Kung sana alam lang ng ina niya kung paano siya nito buwesitin kanina.
“Sorry, sobrang na-excite lang ako para sa anak ko,” wika ng ina niya.
“I’m done.”
Tumayo naman si Yoa at bago ito umalis ay inayos pa ang plato at kubyertos na gamit nito. Maging ang plato na may ulam ay inayos pa bago umalis.
“Ano ‘yon?” taking tanong niya sa ina.
“Masiyadong OC kasi iyang step-father mo. Tawagin mo kaya siyang daddy anak,” saad ng ina niya. Kaagad na nasira naman ang mukha niya.
“Mama,” aniya.
“Haha sabagay mukha nga siyang kuya mo lang. Ayaw mo ba nu’n? may kuya ka na may daddy ka pa,” natatawang sambit nito. Umiling naman ang dalaga at nagpatuloy na lamang sa pagkain.