Kabanata 6

1336 Words
Maagang nagising ang dalaga at naligo t’saka nagbihis. Ngayon ang unang araw niya sa eskuwelahan. Inayos niya ang kaniyang sarili at bumaba na. Pumunta siya ng kusina at kaagad na nakita si Bulma. “Good morning, Bulma,” bati niya rito. “Good morning din, ganda mo ah. Bagay sa ‘yo ang uniform,” wika nito. Nahiya naman ang dalaga. “Asus! Nahiya ka pa ha,” dugtong pa ni Bulma. Umupo na siya at nagsimulang kumain. May 8 am schedule kasi siya ngayon kaya maaga siyang gagayak. “Excited ka na siguro sa klase mo ano? Panigurado marami ang papansin sa ‘yo. Sa ganda mong iyan? Imposibleng hindi ka paglalaanan ng oras ng mga kaklase mo,” anito. Napangiti naman si Adriana. Ilang saglit pa ay natigilan siya sa pagnguya nang makita si Yoa na umupo sa upuan nito at nagsimula na ring kumain. Nagtataka siya ba’t ang aga nito. “I’m the governor of this town, a public servant. Stop staring, alam ko kung ano ang iniisip mo,” saad nito. “Bakit? Ano ba ang iniisip ko?” sagot niya rito. Nagsalin ito ng pagkain sa plato niya at tiningnan si Adriana. “Why I am here eating so early?” sagot nitong patanong. Napasinghap naman ang dalaga. Mind reader yata ‘to si Yoa. Mukhang ito ang nagtatago sa ilang dragon balls na pinaghahanap ni Bulma. Natawa naman siya sa iniisip. “Funny?” tanong nito. Napatanga naman ang dalaga at umiling. “You’re getting into my nerves,” anito. Napatingin naman si Adriana kay Bulma na sumesenyas na tumahimik na siya. Kaagad na nakinig naman siya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang saglit lang naman ay tapos na ito. “Faster, walang maghahatid sa ‘yo ngayon. Baka iwan kita sa kalsada,” saad nito. “Huh?” Tumayo naman si Yoa at umalis na ng kusina. Naiwan naman si Adriana at mabilis na kumain. “Bakit ka kasi natatawa kanina?” usisa ni Bulma. “Mukhang hindi lang sa baba ang kaya mong buhayin kay, Yoa ah. Maski ang inis niya kayang-kaya mong bigyan ng buhay,” dagdag pa nito. “Natawa lang ako kasi naisip ko mukhang mind reader siya. Baka siya ang nagtatago sa isang dragon ball na hinahanap mo,” sagot niya rito. Natahimik naman si Bulma at ilang sandali pa ay humagalpak ito ng tawa. “Lintik!” anito. Maski siya ay natawa na rin. Tumayo na siya at inayos ang pinagkainan. “Ang dami mo rin pa lang kalokohang bata ka. Alam mo pinipigilan ko lang ang sarili ko sa ‘yo kasi alam ko inosenti kang bata. Baka ma-shock ka sa kabalbalan ko pero lensiyak ka! May tinatago ka rin pala riyan ha. Huwag kang mag-alala at ito ay sikreto lang natin. Nasa kaniya na talaga ang dalawang dragon balls. Hindi lang isa at alam mo ba na sobrang safe sila? Hindi sila nababasag at lalong nakakapagbibigay buhay sila? Swerte ng mama mo at mukhang naputukan,” anito. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito. “Po?” “Naku! Hindi mo ba alam? Iyan ang assignment mo. Sige na at baka pagtatadyakan ka na ni, Yoa sa sobrang tagal mo rito,” wika niya. Tumango naman ang dalaga at inayos na ulit ang sarili. Nagpaalam na siya kay Bulma at kinuha ang kaniyang bag. Gusto niya sanang puntahan ang mama niya pero mukhang hindi pa iyon gising dahil umalis ito kagabi. Baka nga kaninang madaling araw na ito umuwi. Paglabas niya ay kita niya ang sobrang kunot na noo ng step-father niya. “What are you looking at? Time is running. How dare you make me wait?” galit nitong sambit. Mabilis na lumapit naman ang dalaga sa sasakyan at sumakay. Kaagad na humarurot naman ang sasakyan ni Yoa at iniiwasaan ni Adrian na tingnan ito dahil ayaw niyang dagdagan ang galit nito sa kaniya. Ang bilis ng takbo ng sasakyan or hindi lang siya sanay. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya sa loob. Mas gugustuhin pa niyang maglakad kahit malayo kaysa makasama ang lalaki sa iisang lugar. Ayaw niyang huminga sa hinihingahan nito at pakiramdam niya ay nasu-suffocate siya. “Sorry,” bulalas niya rito. Hindi naman nagsalita si Yoa at medyo binagalan lang ang takbo nito. “H-Hindi ko na uulitin promise. Bibilisan ko na ang kilos ko. Kung maaari sa susunod ay hindi na ako magpapahintay pa. Ako na mismo ang mauuna rito sa sasakyan o kaya magta-taxi na lang ako,” aniya. Nag-abot naman ang tingin nila sa rearview mirror. “You better do dahil marami pa akong ginagawa. Huwag mo ng dagdagan ang stress ko,” sagot nito. “Stressed ka?” usisa niya. Hindi naman siya sinagot ng amain niya. “Darating bukas ang personal driver mo. Siya na ang maghahatid sundo sa ‘yo. I just hate it na parang ginagawa mo akong driver dito sa sarili kong sasakyan,” sambit nito. Napakamot naman ang dalaga sa ulo niya. “Sorry,” ulit niya. “Stop saying sorry, you’re annoying,” wika pa nito. Huminga naman nang malalim si Adriana at hindi na nagsalita. Baka atakehin ito sa high blood dahil sa galit sa kaniya. “What did Bulma said to you?” tanong ito. “Huh?” “Alam kong natagalan ka kakatsismis sa kaniya. Don’t believe things that she said, okay?” Tumango naman ang dalaga para hindi na humaba ang usapan nila. “Ano ba ang sinabi niya sa ’yo?” “Wala iyon, tungkol lang iyon sa ‘yo na nasa sa ‘yo raw ang dalawang dragon balls. Safe at hindi nababasag pero nakakapagbigay buhay,” sagot niya. Kaagad na napapreno naman si Yoa at kamuntik na tumilapon si Adriana sa harap. “Ano ba?” reklamo niya. “That old hag!” galit na wika ni Yoa. Nagtaka naman si Adriana. “Bakit? Nagsisinungaling ba siya? Okay lang naman wala naman akong pakialam. Alam ko naman na niloloko niya lang ako.” “Good, don’t believe that witch,” saad pa nito. Kanina old hag ngayon naman witch. Napapailing na lamang si Adriana. Dumating na sila sa napakalaking gate. Sa loob ay napakalaking eskuwelahan din. “Ihahatid pa ba kita sa loob?” tanong ni Yoa. “Naku! Hindi na po. Ako na ang bahala,” sagot niya. Gumalaw naman ang panga ni Yoa sa narinig niyang po. “May pera ka ba?” tanong nito. Umiling naman siya. Kinuha nito ang wallet at binigyan siya ng dalawang libo. “Para saan ‘to?” nagtatakang tanong ng dalaga. Bored na tiningnan naman siya ng amain niya. “Use your brain you idiot. Makakauwi ka ba kung wala kang pera? I have a lot of things to do. Hindi kita masusundo,” inis na sagot nito. Natigilan naman ang dalaga. Ang sakit magsalita ni Yoa. Bakit ba ito inasawa ng ina niya? Mahinang tumango naman siya. “You read the handbook, right?” Tumango naman siya bilang sagot. Huminga nang malalim si Yoa at tiningnan siya. “Remember what we talked last time? Don’t trust anyone. Ride with them, but don’t trust them so easily,” paalala nito. Tumango naman siya. “Thank you,” aniya. May kinuha ito sa bandang baba ng paa niya at ibinigay sa kaniya. Napanganga siya nang makitang cellphone iyon na mamahalin. “Para sa akin ‘to?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Bored na tumango naman ito. “Ano ang gagawin ko rito?” tanong niya. Hindi niya naman kasi kailangan ang cellphone. “Tapon mo, ikaw bahala,” sagot nito. Napabusangot naman ang dalaga. Binuksan naman ng dalaga ang paper bag at napangiti. “Thanks,” wika niya ulit. Napatingin siya sa amain niya na tumitingin sa relos nito. Mabilis na umayos naman siya at binuksan ang pinto ng kotse. “Ingat po, salamat.” Lumabas na siya at maayos na isinara ang pinto. Pinaharurot naman iyon kaagad ng step-father niya. Napailing na lamang si Adriana. Wala yatang kasiyahan ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD