Tahimik lamang si Yoa habang nakaupo sa loob ng kaniyang opisina. Bumukas ang pinto at pumasok naman si Emma. Tiningnan ito ng lalaki.
“What are you doing here? I already deposited a large sum of money into your account,” wika niya rito. Hindi naman umimik si Emma at umupo lamang sa bakanteng upuan sa gilid.
“Hindi pera ang ipinunta ko rito,” sagot niya. Natawa naman nang pagak si Yoaquin.
“What a miracle!” sarkastikong sambit niya.
“Alam ko, alam ko naman na mukhang pera ako. Pero Yoaquin, ano ba ang plano mo sa anak ko kapag nawala na ako?” tanong nito. Natigilan naman si Yoa at tiningnan siya.
“Ako pa ang magpoproblema sa anak mo? Look, I already took care of you and your problems. Isn’t it too much Emma?” sambit nito. Napapikit naman si Emma.
“Yoa, ikaw lang ang makatutulong sa ‘min ng anak ko. Malapit ng matapos ang buhay ko. Kahit ito lang, huwag mo namang ipagkait sa ‘kin. Inalay ko na ang buhay ko sa ‘yo. Nakinabang ka rin naman sa ‘kin ‘di ba?” giit ng babae.
“Pareho tayong nakinabang sa isa’t-isa, Emma. Huwag mo ring kalimutan na dahil sa ‘kin kaya ka naalis sa putikang iyon. I also risked everything to help you,” sagot nito.
“Pero wala ka sa posisyong ‘to kung hindi dahil sa tulong ko. Naging espiya ako para sa ‘yo. Kahit na alam kong puwede nila akong patayin kapag nalaman nila ang tungkol sa trabaho ko sa ‘yo, pero hindi ko inisip iyon. Ano lang ba sa ‘yo na alagaan ang anak ko kapag wala na ako, Yoa?”
“She’s not my responsibility Emma,” malamig nitong saad.
“I only have a month left. Sabi ng doctor hindi na ako mabubuhay pa dahil sa pesteng cervical cancer na ‘to.”
Natahimik naman si Yoa.
“You are her step-father legally. Alam na ng iilan na anak-anakan mo na si Adriana. Please Yoa, huwag mong pabayaan ang anak ko. Ayaw kong darating ang araw na magaya siya sa ‘kin. Ayaw kong mag-isa siya sa mundong ‘to kapag wala na ako. Napakalungkot,” mahinang sambit nito.
“Alam mo ba kung ano ang hinihingi mong pabor sa ‘kin Emma?”
Nahintakutan naman ang huli nang makita ang bangis sa tingin ng mga mata nito. Nginisihan siya ni Yoa na ikinailing ni Emma.
“Alam ko ang ngiting iyan. Huwag mong gagawin please. Anak ko si Adriana kahit iyon lang. Isipin mo naman Yoa. Huwag mong idadamay sa mga plano mo ang anak ko. Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko. Huwag mong sirain ang buhay niya,” pakiusap ni Emma.
“It depends,” sagot nito. Tila nawalan naman ng lakas si Emma sa narinig. Nakayuko lang ito at umiiyak nang tahimik.
“Hindi ko siya dinala sa bahay mo para maging dagdag koleksiyon mo. Huwag ang anak ko Yoa. Inosenti siya, napakainosenti niya at ayaw kong masaktan siya. Huwag mong ipamulat sa kaniya kung gaano kagulo ang mundong ‘to. Huwag mo siyang idadamay sa galit mo.”
“What about my anger, Emma? Ano ba ang meron sa galit ko?” tanong nito. Napalunok naman si Emma dahil nakikita niyang tila napipikon na ito. Hindi siya nagsalita at bumuntong-hininga na lamang.
“Maawa ka Yoa. Nakikiusap ako sa ‘yo hindi bilang asawa mo sa papel, kun ‘di bilang kaibigan mo. Ayaw kong sabihin ito pero sana maisip mo rin ang tiniis ko noon. Naging parausan ako kahit hindi ko gusto para lang matulungan ka. Bumalik ako sa trabahong isinumpa ko para lang matulungan ka. Kahit alam kong marami kang paraan para malagay sa posisyong ‘to pero nang dahil sa ‘kin ay naging mas madali iyon. Ano lang ba ang request kong alagaan ang anak ko?” mahinang saad nito.
“You don’t know what you are asking, Emma. Your daughter is a prey and I am the predator. Yet ipagkakatiwala mo siya sa ‘kin? What kind of mother are you?” asik nito.
“Dahil alam kong higit sa lahat ng mga kakilala ko mas mabuti ka pa rin. Alam kong kaya mong protektahan ang anak ko. Alam kong hindi mo siya pababayaan. Kahit may kapalit na presyo ang pagtulong ko sa ‘yo alam kong natural lang sa ‘yo na may kabaitan ka pa rin diyan sa loob mo,” sagot nito.
Ilang sandali pa ay tumawa si Yoa. Mahina iyon hanggang sa humalakhak na ito. Tila ba isang napakalaking joke ang mga sinasabi ni Emma. Halos maluha-luha pa ito.
“Damn! Talagang pinapatawa mo ako, Emma. I like that joke,” anito. Hindi naman ngumiti si Emma at tiningnan lang siya. Tumayo si Yoa at namulsa habang nakatingin sa kaniya.
“Fine! Just don’t regret whatever happens in the future. Huwag kang magpapakita sa panaginip ko if ever I failed to take care of Adriana,” wika nito.
Tumayo naman si Emma at niyakap ang asawa. Natigilan naman ito.
“Thank you.”
Nagulat naman si Yoa at tinapik lamang ang balikat nito. Ilang sandali ay lumayo ito at nginitian nang tipid si Yoa.
“Tabingi ang wig mo,” komento niya. Napangiti naman si Emma.
“Yoaquin, alam kong posibleng magkagustuhan kayo ng anak ko. Alam na alam ko kung paano ang titigan niyong dalawa. Alam kong aabot sa kung saan iyon. Wala na ako para pigilan ang lahat. Nakikiusap ako sa ‘yo, huwag ang anak ko. Maghanap ka ng iba. Huwag mo siyang bigyan ng problema at lalong huwag mo siyang papasukin sa gulo mo. Hindi niya kakayanin. Walang kasing-sama ang pamilya mo. Huwag mong ilalagay sa alanganin ang buhay ni, Yana. Gusto kong makita siyang masaya sa huling hininga ko. Huwag mong tanggalin ang ngiti sa labi niya at palitan iyon ng sakit. Kahit iyan lang, masaya akong mamamatay.”
“I don’t do promises Emma. But you know me,” sagot nito at nginisihan siya. Napailing na lamang si Emma. Hindi niya kailanman mababasa kung ano ang iniisip ni Yoa. Iba ito sa mga lalaking nakilala niya. Sala sa init sala sa lamig. Pero wala na siyang ibang puwedeng pagkatiwalaan kay Adriana. Ang mga kaibigan niya bagamat okay ay hindi naman niya lubusang kilala. Nakilala niya lang dahil kay Yoaquin.
“Wala na ba talagang pag-asa na gumaling ka pa?” tanong ni Yoa sa kaniya.
“Nagpagamot na ako sa kahit saang bansa na sinabi mong magaling wala talaga. Ano bang laban ko sa kanser na ‘to? Kahit yata humiga ako sa pera at magpapila ng mga batikang doctor wala pa rin. Hanggang dito na lang talaga ako. Bakit? Mami-miss mo ba ako?” tanong niya rito.
“Of course!” sagot nito na ikinagulat niya.
“Talaga?” natatawang tanong niya.
“I’ll deposit money into your account. Alam ko na may pagbibigyan ka nu’n. Is One billion enough for you?”
Nanlaki naman ang mata ni Emma.
“S -Seryoso ka?”
“Why? Kailan ba ako nagbiro? I appreciate your help, Emma. Tumutupad lang din ako sa deal natin. Every help, money will come to you like rain.”
“P-Paano na sa campaign mo?” aniya.
“Am I that poor to you?” sagot nito. Natahimik naman siya. Hindi ito basta-bastang bilyonaryo si Yoaquin. Isa itong Baltazar. Kahit na bata man kung tingnan ng iba pero ang hawak nitong kapangyarihan ay mas malala pa sa ibang miyembro ng kanilang pamilya. Wala itong kinatatakutan at lalong wala itong sinasamba kun ‘di ang sarili niya lang.
“Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo?” tanong nito sa kaniya.
“Na ano? Na may taning na ang mama niya? Na may cancer ako? Huwag na. Malulungkot lang siya. Mas mabuti pa rin na ma-shock siya na nawala na ako at least hindi paunti-unti ang sakit. Mas mahirap ‘yon,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ni Yoa.
“Kinakawawa mo lang ang sarili mo,” komento niya. Ngumiti naman si Emma.
“Okay lang, basta masaya na siya. Panatag na ako na nasa mabuting kamay siya,” anito.
“Don’t be so sure,” malamig na sambit ni Yoa.
“Yoa, tama na siguro ang mga taon na inilagi ko sa mundong ‘to. Napapagod na rin ako. Gustuhin ko mang samahan ang anak ko pero hindi puwede. Alam kong mahihirapan lang siya. T’saka mo na sabihin sa kaniya ang totoo kapag nawala na ako.”
“Bibigyan mo pa ako ng task,” sabat nito. Natawa naman si Emma.
“Singilin mo na lang ako sa afterlife,” sagot nito. Hindi naman umimik ang lalaki.
“May hindi pa ako nasasabi sa ‘yo,” dagdag nito. Tiningnan naman siya ni Yoaquin.
“Ang ama mo, mas lumala na ngayon. Hindi ko alam kung ilan pa ang bibiktimahin niya. Ang pamangkin mo, kailangan mong sagipin kung ayaw mong masira ang buhay niya at magaya sa inyong magkakapatid.”
Naikuyom naman ni Yoa ang kaniyang kamao.
“Kailan ba mamamatay ang matandang ‘yon?” galit niyang wika.