Nakatingin lamang ang dalaga sa napakalaking gate at hindi niya alam kung papsok na ba siya o hindi. Kinakabahan siya lalo pa at hindi niya rin kabisado ang eskuwelahan. Tiningnan niya ang kaniyang schedule at kahit alanganin ay wala naman siyang ibang choice. Naglakad na siya at nagulat na lamang nang may humawak sa bag niya sa likuran. Paglingon niya ay kaagad na sumalubong ang nakangiting mukha ni Kai.
“Kai,” aniya at nginitian ito pabalik.
“Hi, mabuti naman at nakita kita rito. Pupunta ka na rin sa room mo?” tanong nito. Napakamot naman ang dalaga sa ulo niya.
“Oo sana eh, kaso hindi ko alam kung saan ‘to,” sagot niya. Tiningnan naman ito ni Kai.
“Swerte mo naman at same course pala tayo,” anito. Natawa naman si Adriana.
“Talaga? M-Mabuti naman. Kanina pa ako namomroblema kung paano ‘to. Lalo pa’t ang laki ng school,” aniya. Sabay na naglakad naman sila.
“Mahilig ka ba sa arts?” tanong nito sa kaniya.
“Hmm, nu’ng bata ako oo. Mahilig akong mag-pinta. Hindi ko alam kung kaya ko pa ngayon, ikaw ba?” sagot niya rito.
“Yes, art is life. Habang lumalaki ako lalo akong nado-drawn sa kakaibang konsepto ng arts sa lahat. May it be sculpting, painting, music, at kung ano-ano pa. Mahilig ka rin ba sa sports?” usisa nito sa kaniya. Hindi naman siya nangingyeming sumagot dito at magaan ang loob niya sa binata.
“Hindi masiyado pero player ako ng school namin noon sa badminton,” sagot niya. Tumango naman ang binata.
“Hindi ka na mahihirapang maghanap ng sports club na sasalihan. Don’t worry I’ll tour you around kapag may free time tayo para naman hindi ka na mahirapan,” anito. Napangiti naman si Adriana.
“Talaga? Thank you, ha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka. Nahihiya rin akong magtanong. Naghanap na siya ng mauupuan matapos makapagpasalamat kay Kai. Nahahati sa dalawa ang seats nila. Sa kabila na puro boys at sa dampi nila na puro girls. Hindi naman sila masiyadong marami. Maliban sa mahal ang kurso nila ay halatang galing sa mga elite na pamilya itong mga kasama niya.
“Hi!”
Napalingon siya sa katabi at nginitian ito nang tipid.
“I’m Mia, ikaw pala ang sinasabi ni, Mommy nu’ng nakaraan na step-daughter ni, Gov at Tita Emma. We can be friends if you want,” wika nito. Alanganing tinanggap naman ni Adriana ang kamay ng dalaga.
“Hello, I’m Adriana,” sagot niya rito.
“Ang ganda mo, manang-mana ka sa mother mo,” sambit nito. Nahihiyang napangiti naman siya.
“Ikaw rin naman,” balik niya rito.
“Thanks, nakita ko kayong magkasama ni, Kai. Magkakilala kayo? May something ba sa inyong dalawa?” tanong nito. Mabilis na umiling naman ang dalaga.
“H-Hindi, nakilala ko lang siya nu’ng kamakailan sa party,” sagot niya rito.
“Ah,” ani Mia at nginitian siya.
“Anyway, since wala ka namang kasama sumama ka na lang sa ‘kin. Huwag kang mahihiya sa ‘kin para naman hindi ka loner. Huwag kang mag-alala at walang mambu-bully sa ‘yo rito. Kapag nalaman nilang anak-anakan ka ni, Governor Yoa paniguradong tiklop sila,” saad niya. Nag-alangan naman si Adriana. Ayaw niyang makilala ng iba bilang anak-anakan ni Yoaquin Baltazar. Kaya lang siya kakaibaganin o papansinin dahil lang sa koneksiyon niya sa amain. Tahimik na bumuntong hininga siya at nginitian lamang nang tipid si Mia.
Ilang sandali pa ay dumating na ang professor nila.
“You’re Adriana? Welcome to the class. Everyone, huwag maging bully ha. Treat her right,” wika ng professor nila. Pagkatapos ay wala na silang pakialaman lahat. Nakatitig lamang siya sa blangkong canvass at hindi alam kung ano ang ipipinta. Si Mia naman sa tabi niya ay nagsisimula na sa ginagawa.
“Why? Wala ka bang maisip na ipinta?” tanong nito sa kaniya. Nilingon niya ito at nginitian nang tipid.
“I-I’m fine,” sagot niya. Tumango naman ito. Nagsimula na rin siya at vinisualize ang gusto niyang ipinta. Nangingiyeme pa siya lalo pa ta matagal na panahon na bago siya bumalik sa hobby niya. Ilang oras din ang ginugol niya sa kaniyang piece bago tumunog ang bell.
Huminga siya nang malalim at tiningnan ang gawa.
“Wow!”
Gusto niyang takpan ang gawa pero nakita na ni Mia at Kai.
“Ang ganda naman. May lahi ka siguro ni Davinci o kaya ni Picasso ano?” untag ni Mia. Nakaramdam naman siya ng hiya sa sinabi nito.
“Bakit ka nahihiya? Mia’s right. Ang galing-galing mo. You must be a professional in your past life. O kaya professional painter ka talaga tapos nag-reincarnate ka lang,” sabat naman ni Kai.
Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng dalawa.
“S-Salamat,” saad niya.
“Tara, sa cafeteria tayo. Ano ba ang ginagawa mo rito Kai? Doon ka na sa mga friends mo. Ako na ang magiging confidant ni, Adriana from now on. We’re friends na kaya kami ang magkasama,” sambit ni Mia.
“I met her first,” sabat naman ni Kai. Nagsukatan pa ng tingin ang dalawa.
“Tara na, puwede namang tatlo tayo,” nakangiting aniya. Ngumiti naman si Mia at inakbayan siya.
“True,” anito at pumunta na sila ng cafeteria. So far ay naging magaan ang unang araw niya. Hindi siya pressured at lalong hindi siya naging malungkot. Ina-absorb pa niya ang feeling bilang isang estudyante. Kung noon ay pinapangarap niya lang ito, ngayon ay nagkatotoo na.
Bandang hapon ay nakita niya ang kotse ng kaniyang amain sa unahan. Bumukas nang kaunti ang windshield nito at nakita niya kaagad si Yoa.
“Nandiyan na si Dadeh mong pogi. Grabe ang swerte niyong mag-ina ha,” kinikilig na wika ni Mia.
“Mia your mouth,” sabat naman ni Kai.
“Bakit? Totoo naman ah. Ang mother ni, Adriana nasungkit ang puso ni, Governor Baltazar na saksakan ng yaman at suplado. Tapos naging instant daddy pa ni, Adriana. Kahit siguro ako hindi magdadalawang-isip na pakasalan siya kung matitipuhan niya ang isang tulad ko,” ani Mia. Mukhang nagdi-daydream pa ito.
“Mia,” saway ni Kai at tiningnan si Adriana. Ngumiti lamang nang tipid ang huli.
“It’s okay, she’s just being true to herself. Wala namang masama sa sinasabi niya. Paghanga lang ‘yan, ganiyan din naman tayo sa ibang gusto natin ‘di ba?” sabat niya.
Inirapan naman ni Mia si Kai.
“Buti pa si Adriana malawak ang pang-unawa. Sino ba naman kasi ang tangang gagawing kabit ang sarili niya hello? T’saka isa pa wala naman akong laban sa mother dear ni, Adriaan at wala akong planong manira ng pamilya. Hindi ka ba nag-iisip Kai? Sa tingin mo ba papatulan ni, Governor ang isang tulad ko? Kahit guwapo siya and young hindi pa rin young ang edad niya para sa akin. I’m just nineteen, hello?” saad ni Mia. Matanda ng isang taon si Adriana rito.
“Sige na, huwag na kayong magtalo. See you tomorrow na lang. Thank you for today. Una na ako sa inyo,” nakangiting paalam niya sa dalawa.
“See you tom,” wika ni Mia at Kai.
Naglakad na siya palapit sa sasakyan at maingat na binuksan iyon.
“Ang tagal mo,” anito sa malamig na boses.
“Sorry po,” sagot niya. Kita niya ang paggalaw ng panga nito sa rearview mirror.
“Po? Really?” he scoffed.
“Bakit? Mas matanda po kayo sa ’kin. Step-father din kita. May mali po ba roon?” mahinang sagot niya.
“Sometimes mas magandang nakatikom lang ang bibig mo. Nang sa ganoon hindi ako nagkakaroon ng dahilan na magalit sa ‘yo,” saad nito. Tumahimik naman ang dalaga.
“Why are you with that De Guzman again?” tanong ni Yoa sa kaniya.
“He’s my classmate,” tipid niyang sagot. Tumango lamang ito at nagmaneho na.
“Do you need anything? May mga gusto ka bang bilhin?” tanong nito sa aniya.
“W-Wala po,” sagot ng dalaga. Nahihiya siyang tingnan ito lalo pa at sobrang magkadikit ang kilay nito.
“We’ll go to my family’s house today.”
Napakurap naman ang dalaga.
“Huh?”
“Susunod na lang ang mama mo,” dagdag pa nito.
“P-Pero—”
“What? They wanted to meet you. My step-daughter,” nang-iinsultong saad nito. Napakunot-noo naman ang dalaga.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Sabihin sa ano?” sagot nito.
Naikuyom naman ng dalaga ang kamao niya at hindi na lang ito pinansin. Ayaw niyang magalit ito dahil halata naman ang kasupladuhan sa mukha. Hindi niya lang maintindihan kung paano ito napagtitiisan ng ina niya. Bakit nagkaroon siya ng step-father na sobrang taas ng tingin sa sarili.
“Huwag ka na lang makipag-usap kahit isa sa kanila. You wouldn’t like it,” anito. Kinabahan naman siya. Nakatingin lang siya sa labas hanggang sa pumasok sila sa napakalaking gate. Halos malula siya sa nakikitang bahay sa unahan. Napakalaki at sobrang ganda.
“Close your mouth,” wika nito. Nahihiyang tinakpan naman niya ang bibig. Pagbaba nila ay kaagad na sinalubong sila ng maid.
Pagpasok nila sa loob ay natigilan si Adriana nang makita ang mga taong hindi niya inaasahan. Ang isa ay kilala niya dahil isa itong sikat na celebrity.
“Stay here,” ani Yoa. Akmang magsasalita pa si Adriana nang walang lingong likod na umalis na si Yoa. Naiwan naman siyang nakaupo at hindi niya kayang salubungin ang tingin ng mga tao sa kaniya.