Kabanata 9

1511 Words
“Are you really his step-daughter?” Napalingon naman ang dalaga at alanganing tumango sa babaeng prenteng nakaupo sa sofa. Tiningnan pa siya nito mulo ulo hanggang paa. Kaagad na nakaramdam naman siya ng pagkailang. “O-Opo,” sagot niya. Kaagad na nagtawanan naman ang ibang kasama nila sa loob sa sagot niya. “Damn! Opo? You make Trina feel very old,” sabat nu’ng isa. Inirapan naman ito nu’ng Trina. “Shut up Trix,” saad nito. “b***h I’m just twenty-eight, don’t use that po and opo, get it?” wika nito. Kaagad na nakaramdam naman ng takot si Adriana. Hindi niya alam kung paano ba. Siguro nga tama ang amain niya kanina na huwag makipag-usap sa mga ito. “What’s your name?” Napatingin naman siya nang makita ang lalaking sikat sa entertainment industry. “Izrael, seems like you’re interested,” sabat pa nu’ng isa. “My son will never interest someone as low as her.” Sabay na napatingala sila nang bumaba sa mahabang hagdan ang ginang na sobrang sopistikada tingnan. Sa tindig pa lang nito ay halatang kayang-kaya nitong burahin ang katinuan niya sa isang iglap lang. “Tita Amanda,” wika ni Trina. Lumapit ito sa kanila. Pakiramdam ni Adriana ay nilalamon na siya ng lupa. Halos bilang na lang niya ang kaniyang paghinga sa presesniya ng mga ito. Pakiramdam niya ay sobrang baba niya. “Adriana, right? Ang bastarda ng ina niyang napulot lang kung saan-saan ng kapatid kong istupido,” sambit nito. Napalunok naman si Adriana. Nasasaktan siya sa narinig pero hindi niya rin naman maibuka ang bibig para ipagtanggol ang ina niya. “Sana naman alam ng ina mo kung sino ang ama mo. Knowing a lot of men f****d her baka hindi niya alam kung kaninong semen ka galing,” anito. Natahimik naman ang ibang kasama nila. “A-Ano po ang ibig niyong sabihin?” mahinang tanong niya. Ni hindi niya kayang tingnan ito nang deritso. “Bobo ka ba? You know what I mean.” “Mom,” sabat nu’ng Izrael. Tumawa naman ang ina nito. “What? Hindi pa nga ako nagmamaldita sa kaniya ngayon. Alam naman natin kung gaano karumi ang ina niya.” “Wala po kayong karapatang sabihan ang ina ko ng ganiyan. Wala naman kayo sa sitwasiyon niya para i-judge siya sa mga desisyon niya sa buhay,” sagot niya. Inipon niya ang lakas niya para sagutin ito. Kita naman niya ang pagbabago ng ekspresiyon ng ginang. “You think I don’t know? Kahit sino sa pamilyang ‘to alam na alam kung gaano karumi ang ina mo. Parausan, bayaran, at marumi.” “Sumusobra na po kayo,” sabat niya. Pinipigilan niya ang sarili na huwag maiyak. “Tita, that’s enough,” pigil ni Trix. Tinikwasan lang naman ito ng kilay. “Fine! If that wench will tell Yoa later, labas na ako ha,” saad nito at nag-cellphone na. “Mana ka sa ama mo,” asik nito. Sinamaan lamang ito ng tingin ni Trix. Tiningnan naman siya ulit ni Amanda at nginitian nang matamis. “Alam ko kung ano ang karakas niyong mag-ina. Kunwari lang naman naa kukunin ka pero ang totoo ikaw rin ang gagawin niyang pain para ipakain sa kapatid kong tanga. Akala mo ba nakakatakot talaga si Yoa? That man is a hoax. Whatever happens to his life he deserves it. Lahat ng masasamang bagay including you he deserves it. Tell me, ilang lalaki na ba ang nagpakasasa sa katawan mo? I’m sure naman na magaling ka na lalo pa at professional ang ina mo,” wika nito. Naikuyom naman ni Adriana ang kamao niya. “Mom, you’re too much,” sabat ni Izrael. Kita ni Adriana ang galit sa mukha ni Amanda. Nilapitan nito ang anak at malakas na sinampal. “You don’t talk to me like that in front of this low life,” anito. Napasinghap naman si Adriana sa ginawa nito. Si Trix at Trina ay hindi na rin umeksena pa. “Huwag kang magmarunong. I can see your plans miles away. knowing Yoa wala rin namang magandang nagagawa iyon para sa pamilya. He’s a stupid man anyway kaya dapat lang na maranasan niya ang misfortune sa inyo,” galit nitong sambit. “Bakit? Dahil pinakulong ko ang asawa mo?” Kaagad na natahimik ang paligid. Maging si Amanda ay nanlalaki ang mata habang nakatayo. Sa likuran niya ay ang mahabang hagdan kung saan nakatayo si Yoa. Naglalakad ito palapit sa kanila at tumayo sa tabi ni Adriana. Kaagad na nagbago naman ang ekspresiyon ni Amanda. “I’m just curious about your step-daughter,” anito. Tinaasan naman ito ng kilay ni Yoa. “Kung hindi lang kita kilala baka naniwala na ako. Alam ko kung gaano katalas ang bawat tabas ng dila mo. Stop it already Amanda. You hated her because she’s my step-daughter. Galit ka sa mga anak sa labas kasi ganoon din ako. But what happened? I am the favorite and the greatest heir of this clan. Galit ka dahil ako na anak ng isang kabit at maruming babae ay mas may karapatan pa kaysa sa ‘yo. Kaya mo ibinubunton ang galit mo kay, Adriana. Am I right?” nanunuyang saad ni Yoa. Kita niya ang malapad na ngisi ni Amanda pero ang mga mata nito ay sobrang lamig. “That’s not true. Totoong kapatid ang tingin ko sa ’yo,” sagot nito. “Oh! Really? Huwag ka ng magsinungaling nagiging malaking joke ka sa anak mo. Huwag mo na ring subukang maging pristine and calm dahil hindi ka ganoon. You’re a war freak and scandalous. Hindi bagay, walang camera rito. Kahit gaano pa ka legitimate ang luxurious items mo umaalingasaw pa rin ang fake attitude mo. If I’m Izrael I would probably p**e to death. Alam naman natin kung anong klaseng tao ka,” wika ni Yoa at nginitian ito. Kita ni Adriana ang pagkuyom ng kamao ng ginang. “Stupid brute,” anito. Natawa naman si Yoa at namulsa. Tinapik nito ang balikat ni Izrael at inilingan. “Let’s go,” malamig nitong saad at hinawakan ang kamay ni Adriana. “Oh! Before that. This stupid brute finally has the rights to the Baltazar’s Corporation. I’m your new CEO,” saad nito at hinila na ang dalaga palabas. Rinig naman niya ang galit na hiyaw ni Amanda sa loob. Puamsok na siya sa kotse at tiningan si Yoa na tahimik lang. “Text your mother na huwag na siyang pumarito. Uuwi na tayo,” anito. Tumango naman siya at kaagad na tin-ext ang ina. Tahimik lang si Yoa at nakatoun ang tingin sa daan. Kita niya sa rearview mirror ang kilay nitong halos mag-isang linya na. Kagyat na nag-abot ang kanilang paningin doon. Umiwas naman siya at sobra ang kabang naramdaman. “Next time, if ever you’d see her again umiwas ka na lang. She has an angry tongue. Baliw na rin,” saad nito. Napakunot-noo naman si Adriana. “You would see her often, because you are part of the family now,” wika nito. Tumango naman si Adriana. “Ano ba ang sinabi niya sa ‘yo?” tanong nito. Hindi naman makapagsalita si Adriana. Rinig niya ang buntong-hininga ni Yoa. “If it’s true naman walang dahilan para magalit ka. If you feel insulted then get insulted,” wika nito. Hindi naman siya nagsalita at tumingin lang sa labas. Pagdating nila sa bahay ay nauna na siyang bumaba. “Anak,” saad ng ina niya. Tumatamlay siya dahil sa nangyari kanina. “O-Okay ka lang ba?” tanong nito. Tinitigan lang ito ni Adriana at hindi niya maintindihan kung paano natitiis ng ina niya ang ginagawa ng pamilya ni Yoa sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit nagtitiis ito. Base sa narinig niya kanina mukhang sanay na sanay si Amanda na awayin ang ina niya. Naawa siya sa ina pero hindi niya maintindihan kung bakit nagtitiis ito. Masasama ang ugali ng mga Baltazar. “Bakit anak?” tanong ng ina niya. Inilingan niya lamang ito. “Magpapahinga lang po ako sa kuwarto,” aniya at umalis na. Hindi na rin naman siya pinigilan ng ina niya. Napatingin naman si Emma kay Yoa. “Ano’ng nangyari? Inaway rin ba siya ng ate mo? Napakamaldita talaga ng Amandang iyon,” gigil nitong sambit. “What do you expect?” sambit nito. Huminga naman nang malalim si Emma. “Minsan napapaisip na rin ako na mali ang desisyon kong dalhin pa rito si Adriana,” wika nito. “Because it is,” sabat naman ni Yoa. “Gusto ko lang siyang makasama Yoa. Gusto kong kahit sa huling hininga ko ay kasama ko ang anak ko. Nakikita ko siyang nasa mabuting kalagayan,” anito. “You’re giving me headaches,” sagot ni Yoa at tinalikuran na siya. Napangiti naman nang tipid si Emma. Ramdam na ramdam na niya ang panghihina ng kaniyang katawan. “Aalis ako mamaya. Remind mo si Yana na kumain,” saad niya. Hindi naman siya nilingon ni Yoa. But she’s sure na susundin nito ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD