“That w***e!” galit na bigkas ni Amanda. Nilingon niya ang anak niyang si Izrael at sinampal ito ulit.
“Don’t you dare embarrass me again. You are just my son. Pareho lang kayo ng ama mo. Mga walang silbi!”
“Tita, huwag mo namang ganiyanin si, Izrael,” sabat ni Trix. She scoffed at him.
“And then what? Hayaang maging sunod-sunuran siya sa kapatid kong tanga? Pare-pareho lang kayo. Gamitin niyo ang mga utak niyo,” sagot nito.
“Hindi mo talaga kayang pigilan ang sarili mo kapag galit ka. Puwera na lang kung may camera. Huwag mo namang pilipitin si Izra. Anak mo siya at hindi basta tao lang,” sabat ni Trina.
“Isa ka pa Trina. Manang-mana ka sa ina mong bobo,” anito. Natawa naman nang pagak ang dalaga sa narinig.
“My mother is a doctor. Hindi siya bobo at lalong malaki ang contribution niya sa bansa. Kung ako sa ‘yo tanungin mo muna ang sarili mo kung sino ang totoong bobo. Knowing how scandalous you are buti na lang iyon lang ang natanggap mo kay, Yoa,” wika nito.
Amanda gasped in shock.
“At marunong ka na ring sumagot-sagot sa ‘kin ha?” aniya at nilapitan ito. Akmang sasampalin niya ang pamangkin nang may magsalita sa likuran nila.
“What is it this time Amanda?”
Natigilan naman ito at kaagad na inayos ang buhok ni Trina. Napairap naman ang huli sa labis na pagkadismaya sa tiyahin niyang bruhilda.
“Wala Papa, inaayos ko lang ang buhok ng pamangkin kong maganda,” sagot nito. Natawa naman si Trina.
“Grandpa you know the truth. Ginagawa ka lang niyang tanga. Anyway, mauuna na ako. Alam ko na rin naman kung ano ang resulta ng meeting niyo kanina. Babalitaan ko na lang si mommy. I bet she would be happy knowing that Yoa is your successor and not Timotheo,” aniya at umalis na.
Kunot na kunot naman ang noo ni Amanda habang tinitingnan ang ama niya.
“Papa, what do you mean? Timotheo is your legitimate son. Yoa was just your bastard, how could you? Sa tingin mo ba matutuwa si Tim kapag nalaman niya ‘to ha? He’s stupid. Walang-wala siya sa abilidad ni, Tim. They’re both running for Governor pero sa ipinapakita mo ngayon halatang you’re being biased. Anak mo rin si Tim,” giit nito. Tiningnan lamang siya ng ama niya at inilingan.
“Sa tingin mo ba talaga may pag-asa ang kapatid mo kay, Yoa? Hindi mo ba talaga kilala si Yoaquin? Amanda, hindi puro emosiyon ang dapat pinapahari. Anak ko rin naman si Yoa. Sa ibang babae nga pero kita mo naman sa kaniya na manang-mana sa akin. Walang kapares ang galing niya sa politika at negosyo. Kahit saan mo ilagay ay kayang-kaya niya. Hindi naman sa minamaliit ko ang kapatid mo pero iyon naman ang totoo. Oo nga’t magaling si Timotheo pero mas magaling si Yoa. Kung saan ako makakabenepisyo dapat lang na doon ako. I don’t care kung anak ko ba o hindi,” wika nito.
“What? Look Pa, I don’t care if you support his candidacy. But the corporation, how could you? Nakasalalay roon ang future natin. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa kapatid kong hilaw. Ni hindi nga sure kung sa ‘yo talaga iyan eh. Tim deserves the CEO position. Bakit mo ba ‘to ginagawa?”
Masamang tiningnan naman ng matanda si Amanda.
“Are you questioning my decisions right now? Amanda naiintindihan kong mahalaga sa ‘yo ang kapatid mo. But business is business. I don’t care kung anak ko pa siya. Kung sino ang mas makapagbibigay ng yaman sa ‘kin—kung kanino ako makikinabang doon ako. In business, there’s no family consideration, got that?” anito.
Hindi naman na nakapagsalita pa si Amanda. Kita niya kasi ang pagkapikon sa mukha ng ama.
Tiningnan naman ng matanda ang binatang si Izrael. Ngumiti ito nang tipid at makikitaan naman ng pagkatakot sa mukha si Izra.
“Busy ba ang schedule mo? I heard marami kang projects ngayon,” anito.
“O-Opo,” nahihintakutang sagot nito. Nginisihan naman ito ng matanda.
“That’s what I’m saying. Sinabi ko naman sa ‘yo ‘di ba? Kung makikinig ka lang sa ‘kin lahat ng gusto mong kasikatan ay mapapasaiyo. Sumunod ka lang sa lahat ng iuutos ko,” anito. Tumango lamang si Izrael. Makikita rin ang pagkunot ng noo ni Trix na tahimik lang sa gilid.
“See? Palagi ko iyang sinasabihan si Izrael na makinig lang sa inyo. Alam ko naman na hindi mo hahayaan ang apo mo na mapariwara. Hindi katulad ng isa riyan na nalulong na sa bisyo at puro kahalayan sa buhay ang alam,” parinig ni Amanda.
“At least I’m happy. My parents did not force me to do things against my will. Hindi kasi kami hinahawakan sa leeg ng parents namin,” nakangiting sagot ni Trix. Kaagad na napasinghap naman si Amanda. Kita ang pagkainsulto sa mukha nito.
“Are you saying na kino-control ko ang buhay ni, Izra?”
“I did not say anything nor mentioned your name,” sagot naman ng binata.
“I am just doing my role as a mother to him. Alam ko kung ano ang kailangan ni, Izrael and you don’t have the rights to question it,” asik nito.
Nagkibit-balikat naman si Trix at tumayo na.
“Lo, I have to go. May race pa akong a-attend-an mamaya. It will be aired later sa sports channel. I will win it for myself of course,” anito at nilapitan si Izra.
“Gusto mo bang sumama? Just to unwind a little bit,” aniya rito. Kita naman ang tila pag-aalangan ng binata.
“Sige na, tara na minsan lang naman,” pamimilit ni Trix.
Tiningnan pa ni Izra ang ina niya at kita ang pagtaas ng kilay rito. Indikasiyon na hindi ito papayag.
“Tita, baka nakakalimutan mong celebrity ang anak mo. He needs public exposure at para malaman din ng iba na he’s a supportive cousin. Lalong babango ang image niya at ng pamilya natin. They would think that we’re perfect,” anito pero mapapansin ang disgusto sa tono. Tumango naman ang lolo nila.
“Go now,” anito. Kita naman ang saya sa mukha ni Izra.
“Pero—”
“Amanda, sinasakal mo na ang anak mo. Bigyan mo naman ng kalayaan paminsan-minsan,” anito. Wala namang nagawa ang babae.
Nang makalabas ay tiningnan ni Trix ang pinsan.
“Are you okay?” tanong niya rito. Tiningnan lamang siya nito. Malamig ang mga mata at kita ang galit sa mukha.
“Inom tayo,” saad ni Trix. Hindi naman ito humindi. Umalis naman sila kaagad.
----------------------------------------------
“Adriana? Halika na kakain na.”
“Lalabas na,” sagot niya. Inayos niya ang damit at lumabas na ng kaniyang kuwarto at bumaba papuntang kusina. Natigilan naman siya nang makita ang step-father niya na nakaupo.
“Wala si mama?” tanong niya kay Bulma.
“She’s out,” tipid na sagot ni Yoa. Kunwari lang naman na si Bulma ang tinatanong niya kahit alam niyang hindi nito masasagot. Good thing at nagpresinta na rin si Yoa na sumagot. Nagsimula na silang kumain at sobrang tahimik. Pakiramdam ni Adriana ay binibilang ang bawat subo niya. Para siyang mabibingi sa sobrang katahimikan.
“How’s your school?” tanong nito.
“O-Okay lang,” sagot niya. Tumango naman ito.
“I want you to know that you can’t have any special relationship with your opposite hangga’t hindi ka nakakapagtapos ng pag-aaral. Naiintindihan mo ba?” wika nito. Natigil naman sa pagnguya ang dalaga at tiningnan ito.
“Puwede kang makipag-kaibigan. But always know that as long as you’re living in my house, eat what I eat, and breathe the same air as mine, I am the boss. Makikinig ka sa ‘kin. You will not go astray, Adriana. Don’t take this too personal. I was just after your welfare as your step-father,” anito.
“Hindi mo na po kailangang sabihin sa ‘kin ‘yan. Alam ko kung ano ang nais ko sa buhay. Hindi pa ako handa sa akung ano mang relasiyon ang tinutukoy niyo,” sagot niya rito.
“Good,” sagot nito.
“And stop using that po in me. It annoys me a lot baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko’t masakal n akita,” malditong saad nito. Napalunok naman ang dalaga. Kita s amukha nito ang takot.
“P-Pasensiya na, pinalaki lang akong magalang sa ampunan,” pabalang niyang sagot.
“You being respectful is not the issue here. Pakibagayan lang ng gamit mo ng po sa kausap mo. Am I that old to you?” tanong nito sa kaniya. Tiningnan naman niya ang amain na nakatitig din pala sa kaniya. Kahit saang anggulo tingnan napakaguwapo nito. Walang imperfection na makikita sa mukha nito.
“What? Are you done staring? Are you certain now that I look young?” tanong nito sa kaniya. Nahihiyang umiwas naman siya ng tingin dito at uminom ng tubig. Nakakahiya mukhang napansin pa nito ang pagtitig niya nang matagal.