“Mia? Saan ka na? Lintik na. Kamuntik na akong makita ni, Yoa kanina sa labas buti nakapagtago ako kaagad,” aniya sa kaibigan habang katawagan ito sa cellphone. “Ako nga rin tinanong kung bakit ako nandito sa labas ng village niyo. Sinabi ko na lang na may dinaanan lang akong kaklase natin,” sagot nito.” Liko ka, nakikita na kita,” dagdag p nito. Patakbong nilapitan niya ang kotse nito at pumasok na sa loob. Nakahinga naman siya nang maluwag. Tiningnan niya si Mia at nginitian. First time niyang tumakas. “Ganito pala ang pakiramdam. Parang sasabog na ang puso mo sa excitement at takot,” aniya. “Congratulations girl,” ani Mia sa kaniya. Kaagad na umalis naman sila at pumunta sa isang kilalang night club. “Relax ka lang girl ha, ako na ang bahala sa ‘ting dalawa. Ako ang expert sa g

