Kinabukasan ay maagang umalis si Adriana papuntang eskuwelahan. Kahit na inaantok pa siya pero wala siyang planong magtagal dahil ayaw niyang magkrus na naman ang landas nilang tatlo. Hangga’t maaari ay kailangan niyang umiwas. Nakangiting mukha ni Mia ang sumalubong sa kaniya sa room nila. Umupo naman siya sa tabi nito. “Saya mo ngayon ah,” aniya rito. “Siyempre success tayo kagabi eh. Ano? Labas tayo ulit mamaya?” wika nito. “Sure ka? Baka malaman na ni, Yoa na lumalabas ako dahil sunod-sunod na ‘to,” aniya. “Bakit ka ba natatakot kay, Yoa? Hindi ba wala na siyang pakialam sa ‘yo?” wika nito. Napaisip naman siya at huminga nang malalim. Naramdaman na naman niya ang pagsikip ng kaniyang puso. “Oo nga pala,” mahinang sambit niya. “Hayaan mo na ‘yan siya. Oras na rin para mag-fo

