Bumangon naman ang dalaga at huminga nang ilang beses. Bumukas ang pinto niya at nakita roon si Yoa. Mabilis na pinunasan niya ang kaniyang mata at nilapitan ito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya rito at suminghot. Tiningnan lamang siya nito. “We need to talk,” seryosong saad nito. “Para saan? Para sa ano pa?” sagot niya rito. “Please lang, kung wala kang magandang sasabihin umalis ka na. Lumabas ka na,” aniya rito. Tiningnan lamang siya ni Yoa. Pumamulsa ito at huminga nang malalim. “I’m sorry,” mahinang sambit nito. Hindi makapagsalita si Adriana at tiningnan ito. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya at halos walang lumabas na boses sa bibig niya. Iniwas niya ang tingin dito at hinayaan na ang sarili na ipakita na nasasaktan siya. Hinayaan lamang siya ni Yoa. Tiningnan

