“Adriana, sama ka sa ‘min ha,” ani Mia nang makaupo na siya sa upuan niya. “Saan?” tanong niya rito. Ngumisi naman ito sa kaniya. “Birthday ko sa Friday. Pero weekend na ako magce-celebrate dahil sobrang kunti lang ng oras. May party sa bahay kaya pumunta ka. Magtatampo ako kung aayaw ka,” sambit nito. Natigilan naman si Adriana. “Mia, hindi ako sigurado eh. Magpapaalam muna ako kay, Yoa. Alam mo naman ‘di ba?” aniya rito. Kaagad na bumusangot naman ito. “Oo nga pala. Isa pa mukhang pinag-iinitan pa siya ng mga kalaban niya ngayon. Sige lang, sana payagan ka. Paniguradong mag-e-enjoy ka sa party,” aniya pa. “Susubukan kong makapunta,” saad niya rito. “Fingers crossed, sana payagan ka,” wika nito. Ngumiti lamang siya nang tipid. Ang totoo ay gusto niya talagang pumunta. Hindi niy

