Nakarating sila sa isang five star hotel, nagtataka naman si Cassie kung bakit dun sila nagpunta "Bakit andito tayo?" "Andito kasi sila George, imagine imbes na sa prisinto, dito dinala si George, talagang kikikilan nila ang boyfriend ko porke galing US" "Oo nga noh" ani naman ni Cassie, papasok na sila sa loob, nauuna naman maglakad si Rina sa kanya, maya maya ay may nakitang kwarto si Rina "Cassie dito" ani ni Rina at pumasok na "Hala, iniwan ako, luka luka talaga" ani naman ni Cassie, nasa may tapat na siya ng pinto at nag-iisip pa, ilang saglit lang ay tinulak niya yun, nang may biglang tumugtog ng Happy Birthday, napatakip siya ng bibig, andun sina Marj, Randy, Tita Melba, Tito Mario, ang mga bata, sina George at Rina at iba pang bisita, nakita niya naman na papalapit sa kanya si

