Pagkatapos mag-almusal ay pinatulog na ni Cassie ang mga anak at muling bumaba, nadatnan niyang nag-uusap sina Aldo, Rina at George
"Mahal, aalis daw sina Rina at George" ani ni Aldo pagkakita kay Cassie "Hihiramin nila yung van, sabi ko isama na si Mang Nestor, tapos isasama rin nila Sam at Phil"
"Oo, mamasyal lang kami" ani naman ni Rina "Gusto nga namin isama sina Baby Zoey at Baby Andrei ayaw naman ng Daddy" ani pa nito sabay irap kay Aldo, napangiti naman si Aldo
"Wag na kasi, masyado pa kasing maliit yung dalawa, makakaistorbo pa ang mga yun sa inyo, basta mag-enjoy lang kayo"
"Oo nga" ani naman ni Cassie "Alagain pa masyado sina baby"
Siya namang baba nina Sam at Phil na nakabihis na "Wow!" ani ni Rina "Mga anak ko ba to?"
"Siyempre sa Daddy mana" ani naman ni Aldo
"Ang yabang mo" ani ni Rina saka tumingin sa mga anak "Kids kiss na kayo kay Mommy Cassie aalis na tayo, wag na kayo kumiss sa Daddy niyo" natatawang ani nito, lumapit naman ang bata kay Cassie at kumiss sa lips
"O behave kayo dun ah" ani ni Cassie
"Yes Mommy" at saka lumapit kay Aldo at humalik din
"Sige see you later" ani naman ni Rina saka bumeso kina Aldo at Cassie, bumeso rin si George kay Cassie at tumango kay Aldo saka lumabas ng bahay
"Alam mo Mahal, mabubugbog ko talaga tong si George eh" ani ni Aldo sabay hapit sa bewang ni Cassie
"Bakit naman?"
"Bebeso pa eh"
Napangiti si Cassie "Hmmm, nagseselos ka lang kasi hindi ka bineso"
"Suntukin ko nguso niya" natatawang ani ni Aldo "Joke lang, okay yan si George, sabi niya sa akin I can't wait to marry my Rina"
"Talaga?"
"Oo, sabi ko rin naman I can't wait to marry my Mahal"
"Loko ka talaga, minsan mapagpatol ka rin eh"
"Totoo naman ah, bukas tatawagan ko si Attorney at ipafollow up ko ang annulment namin ni Rina"
"Ikaw ang bahala, Mahal, akyat na tayo"
"Mahal naman, tanghaling tapat sobra naman pagkasabik mo sa akin" ngingiti ngiting ani ni Aldo
"Mahal, umakyat na tayo sa taas kasi baka biglang magising yung dalawa dun, grabe ka, ang advance ng isip mo"
"Weh?"
"Oo nga" natatawang ani ni Cassie "Ikaw ata ang nasasabik sa akin eh" bulong ni Cassie habang titig na titig kay Aldo
"Eh ano? Totoo namang nasasabik ako sa Mahal ko"
"Mamayang gabi na" sabay kindat kay Aldo
"Okay fine"
"Teka pala Aldo Dela Costa, ang sabi mo sa akin may nililigawan ka"
"Hoy Cassandra kelan ko sinabi yun?" ani ni Aldo habang nakapamewang
"Nung party nila kambal, diba tinanong kita kung may nililigawan ka, sabi mo pa ako ang unang makakaalam kapag sinagot ka nun, grabe ka ang sakit kaya nun"
Napangiti si Aldo at niyakap si Cassie "Wala akong nililigawan, isa lang ang mahal na mahal ko, si Cassandra Santos, kilala mo yun?"
"Maganda yun?" nakangiting ani ni Cassie
"Sus hindi lang maganda sexy pa"
Napangiti si Cassie "Nekekeenesh ka" ani niya sabay tapik sa dibdib nito, tawang tawa naman si Aldo
"Lika na nga, puntahan na natin yung mga anak natin" ani ni Aldo, sabay hatak sa kamay ni Cassie at umakyat na sila sa taas.
Lumipas pa ang mga araw, isang tanghali, kinausap ni Aldo si Rina at George sa opisina
"Bakit?" ani ni Rina
"Malapit na kasi ang birthday ni Cassie, gusto ko sana bigyan siya ng intimate party, tayo tayo lang saka ilang kaibigan"
"Sige tutulong kami, right Hon?" ani niya kay George
"Yeah, we will help" ani naman ni George
"Sige salamat, pero secret lang natin ah, gusto ko surprise ko yun sa kanya, actually wala akong binabanggit tungkol sa birthday niya, hahayaan kong isipin niya na nakalimutan ko yun"
"Sige, pero saan ka magpaparty?" ani ni Rina
"Sa hotel na lang siguro"
"Paano mo siya dadalhin dun?"
"Yun na nga, ikaw na sana ang bahala kung paano siya madadala sa hotel kung okay lang"
"Sige ako na ang bahala dun"
"Thank you Rina, Thank you George"
Lumipas pa ang mga araw, walang kamalay malay si Cassie na may surprise si Aldo sa kanya, dumating ang araw ng birthday niya, parang gusto niyang magtampo kasi naisip niyang hindi ito naalala ni Aldo, pumasok pa ito sa opisina, hapon na, habang nasa may garden siya kasama ang mga anak ay nilapitan siya ni Rina
"Cassie"
"Uy bakit?"
"Alam mo may nabili akong dress, mini baby pink dress"
"O tapos?"
"Hindi kasya"
"Ha? Hindi mo ba sinukat?"
"Sa online ko nabili eh"
"Parepair mo na lang"
"Baka mabago ang style eh"
"O paano yun?"
"Isukat mo, baka kasya sayo"
"Ha? Ayoko"
"Eto naman sige na, sayang kasi kung hindi magagamit, pag nagkasya sayo, iyo na yun, gift ko na sayo"
"Naku"
"Dali na kasi, wait" at saka ito pumasok sa loob, paglabas ay kasama na ang mga Yaya "Kayo na muna ang bahala kina bunso, may gagawin lang kami ni Cassie" ani ni Rina
"Okay po" ani ni Yaya Ruth, hinatak naman ni Rina ang kamay ni Cassie at pumasok sila sa kwarto nila Rina
"O eto, dali isukat mo" ani ni Rina
"Ikaw talaga"
"Dali na kasi, alam mo magtatampo na talaga ako sayo"
"Oo na sige na" ani ni Cassie, hinubad na niya ang damit at sinuot ang dress na bigay ni Rina, kasyang kasya ito kay Cassie
"Wow, kasyang kasya sayo" ani ni Rina, pinaikot pa niya si Cassie "Ang ganda mo, may shoes pa yan"
"Ha?"
"Isukat mo na titingnan ko kung bagay" sinunod naman ni Cassie si Rina "Ang ganda, bagay na bagay sayo, lika dali" hinatak niya ulit sa kamay si Cassie at pinaupo sa harapan ng salamin
"Anong gagawin mo?"
"Aayusan kita, para pag dumating si Aldo lalo siyang maiinlove sayo, yung tipong mababaliw na sa pagmamahal sayo"
Natawa si Cassie "Para kang sira"
"Sige na" pangungulit ni Rina, minake-upan niya nga si Cassie, yung no make up look, at drunk blush na very light, inayos niya rin ang buhok nito "Oh my, ang ganda mo"
"Mas maganda ka pa rin"
"Hindi ah, maganda ka, okay, maganda tayo in our own way, pero iba ang dating mo, parang ngayon ka pa lang nagdadalaga" ani ni Rina
"Debutante?" natatawang ani ni Cassie, siya namang ring ng phone ni Rina
"Hello George.... what? What happen?" ani ni Rina, napatayo rin Cassie at lumapit kay Rina "Okay okay, just relax, take care of my kids please" at inoff na nito ang phone
"Anong nangyari?"
"Nahuli raw si George ng traffic enforcer, sabi ko kasi isama na si Mang Nestor, pang US lang ang drivers license niya eh, eto pa ha, mukhang may balak ang enforcer na huthutan si George"
"Ha?"
"Cassie please samahan mo naman ko, sige na please" iyak na ani ni Rina
"S-Sige, tatawagan ko rin si Aldo"
"Sige ikaw na ang bahala" at saka sila lumabas "Naku wala pala si Mang Nestor, may emergency"
"Paano yan?"
"Magbubook na lang ako, lika na, antayin na lang natin sa may gate" at nagpunta na sila sa may gate, ang totoo, umalis na si Mang Nestor kasama ang mga Yaya, si Manang Rosa at sina Baby Zoey at Baby Andrei, at talagang magbubook lang sila ng kotse papuntang hotel, lahat ito ay palabas lang, si Cassie naman ay tawag nang tawag kay Aldo pero hindi sumasagot, naiinis na nga siya kasi baka kung ano ang mangyari kay Sam at Phil, maya maya ay dumating na ang kotse at umalis na sila.