Part 11

1125 Words
Nasa labas ng Delivery Room si Aldo nang dumating ulit si Manang Rosa "Naiakyat ko na sa kwarto ang mga gamit, inayos ko pa kasi ang gamit ni Cassie kaya medyo natagalan" "Ang mga bata po?" "Umiiyak sila habang nasa biyahe, ayaw magsalita, pagdating sa bahay umakyat agad sa kwarto nila, ano bang nangyari?" ani ni Manang Rosa, ikinwento naman ni Aldo ang nangyari "Ano ba naman yan? Dapat kasi umiiwas ka na kay Natalie" "Manang, paano ko po siya ipagtatabuyan sa opisina, malay ko rin na pupunta siya" "Paano ngayon yan?" "Hindi ko po alam, ayaw na po umuwi ni Cassie sa mansion" "Saan sila pupunta?" "Uuwi raw sila sa Davao" "Paano yan?" "Hindi po ako papayag, mga anak ko rin sila, may karapatan ako" "Aldo, payo lang, maigi pang kausapin mong maigi si Cassie, dahil higit kanino man sa inyo, ang lahat ng karapatan ay nasa kanya, at saka hindi kayo kasal" "Pero ayokong malayo sila sa akin" "Kaya nga mag-usap kayo" Nang lumabas na ang doktor ni Cassie "Doc, kamusta po?" ani ni Aldo "Nakaraos na po si misis, si Baby girl po ang unang lumabas, sunod po si Baby boy" nakangiting ani ng doctor "Salamat po Doc, marami pong salamat" ani ni Aldo at tumalikod na ang doktor "Paano yan Aldo? Paano mo haharapin si Cassie?" "Bahala na Manang" "Hindi pwedeng bahala na, baka mastress siya at mabinat, baka kung anong mangyari sa kanya" "Ano po ang gagawin ko?" "Pagpahingahin mo muna siya, wag ka munang magpakita, ako muna ang bahala sa kanya" Napakamot ng ulo si Aldo at naluha "Ang unfair naman po Manang, hindi ko naman ginusto yung nangyari" Hinaplos ni Manang Rosa sa likod si Aldo "Hayaan mo munang maging okay si Cassie, sensitive kasi ang mga nanganganak, mahirap na" Dinala na si Cassie sa kwarto niya at si Manang Rosa ang naabutan niya duon "Manang, ang mga anak ko po?" "Okay naman sila Iha, mamaya dadalhin daw dito sabi ng nurse" "Sina Sam at Phil po?" "Nasa mansion, pinauwi na ng daddy nila" "S-Si A-Aldo po?" Nilapitan siya ni Manang Rosa at hinawakan sa kamay "Alam ko na ang nangyari, pinauwi ko muna si Aldo sa bahay" Tumulo ang luha ni Cassie "Bakit nagawa niya sa akin yun Manang?" "Ssshh, magpahinga ka muna, magpalakas, saka kayo mag-usap ni Aldo" "Manang ayoko na pong bumalik sa mansion" "Pero saan ka pupunta?" "Tatawagan ko si Tita Melba, dun muna kami sa kanila" "Cassie, mas mahirap yun diba? Ang mga anak mo, sobrang liit pa nila para ibiyahe, baka may hindi magandang mangyari, at saka malulungkot sina Sam at Phil kapag hindi nila makita ang mga kapatid nila" "Pero hindi ko na po kayang makasama si Aldo sa iisang bahay" "Sa condo mo, kung ayaw mo sa mansion, mas mabuti na dun ka muna, at pag okay ka na mag-usap kayo ni Aldo, para na rin sa mga bata, mahirap na lumaki ang mga bata na walang ama" "Kay Aldo pa rin ang condo" "Sayo yun, nasa pangalan mo yun" "Pero si Aldo ang nagbayad nun" "Kahit na, iyo pa rin yun, please Cassie, ako na ang nakikiusap sayo" ani ni Manang Rosa hindi naman kumibo si Cassie Lumipas pa ang ilang oras, dinala na si Baby Zoey at Baby Andrei sa kwarto ni Cassie, tumulo ang luha ni Cassie nang makita ang mga anak, maya maya ay dumating naman si Marj at Randy "Hala girl, ang kucute ng mga anak mo" ani ni Marj, ngumiti lang si Cassie "Oo nga" ani ni Randy "Salamat, andito kayo" "Eh girl, si Boss?" "Ayoko siyang pag-usapan" Hindi naman na nakakibo ang mga bisita niya, kinamusta na lamang nila ang mga baby, kinabukasan ay dumating sina Sam at Phil "Mommy" ani ng kambal "Hi Ate, Hi Kuya" ani ni Cassie, habang nakaupo siya sa kama, lumapit ang dalawa sa kanya at humalik sa pisngi "S-Sino ang kasama niyo?" "Si Yaya Daisy po saka si Mang Nestor" ani ni Sam "Ahm okay, kamusta kayo?" "Okay naman po Mommy, Mommy san mga kapatid namin?" ani ni Phil "Mamaya dadalhin sila dito kasi milk time na nila" "Aantayin namin sila ah" "Oo, antayin niyo sila" "Mommy, kailan po kayo uuwi?" ani ni Sam "Ahm Ate, sa condo kami uuwi pagkagaling dito" ani ni Cassie, napatingin naman si Manang Rosa sa kanya, maluha luha naman si Sam "Hindi namin sila makakasama?" "Don't cry Ate, makakasama niyo naman sila, every weekend punta kayo sa condo" "Kasi si Daddy bad siya eh" ani naman ni Phil, kahit masama ang loob ni Cassie ay nabigla siya sa sinabi ni Phil "Mga anak, listen to me, yes may problema kami ni Daddy, a serious problem, pero sa amin lang yun, hindi kayo kasali, hindi niyo kailangan magalit kay Daddy okay?" "Pero Mommy" "Kuya, someday somehow, lalabas din ang totoo, bakit nangyari to, and someday lahat ng pain mawawala, pero always remember that Mommy Cassie is always here for you" "Hindi mo po kami iiwan?" ani ni Sam "No Sam, maybe hindi tayo magkasama sa isang bahay pero andito lang ako lagi para sa inyo, just one call away, and gaya ng sabi ko, pwede kayo mag stay sa condo every weekend at pag walang school" "Okay Mommy" ani ng dalawa sabay yakap kay Cassie, tumulo ang luha ni Cassie nang yakapin ang dalawa, mamimiss niya talaga ang mga ito, lingid sa kaalaman nila narinig ni Aldo lahat ng pinag-usapan nila, nagpunta siya sa ospital para silipin ang mga bagong silang na anak, sisilipin niya sana si Cassie pero nakita niya na papasok na sa loob sina Sam at Phil at umalis si Yaya Daisy kaya lumapit agad siya sa may pinto, nasasaktan siya sa narinig, pero mas okay na yun na nasa condo sina Cassie kesa sa Davao. Lumipas ang ilang araw, nakauwi na si Cassie sa condo, kasama niya si Yaya Ruth at Manang Rosa "Ang sabi ni Aldo, dito muna kami ni Ruth para alalayan ka, kapag kaya mo na, babalik na ako sa mansion, si Ruth maiiwan dito para may kasama ka" "Pakisabi po kay Aldo, babayaran ko ang lahat ng nagastos niya sa akin sa ospital, pag okay na po ako, maghahanap po ako ng trabaho" "Cassie naman, hindi yun kailangan, nakahanda naman si Aldo na suportahan kayo, ang intindihin mo ang mga bata" Tumulo ang luha ni Cassie, niyakap naman siya ni Manang Rosa "Naaawa po ako sa mga anak ko Manang, hindi po ito ang pangarap ko para sa kanila, gusto ko po ng buong pamilya para sa kanila" "Tama na iha, gaya ng sabi ko, matatapos din ito, at pag kaya mo na, mag-usap kayo ni Aldo" ani ni Manang Rosa, tiningnan naman ni Cassie ang mga anak na tulog na tulog sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD