Sa mansion naman nina Aldo, nag-uusap sina Sam at Phil sa may pool
"Ibati na natin si Daddy Sam" ani ni Phil "Di ba sabi ni Mommy wag tayong magagalit kay Daddy"
"Sige Phil, baka pag binati na natin si Daddy magbati na rin sila ni Mommy"
Siya namang lapit ni Aldo sa mga anak, naupo siya sa may stool at kinandong ang dalawa "Mga anak, sorry ha? Sorry kung nararanasan niyo to"
"Daddy, bakit mo kasi yun ginawa?" ani ni Sam
"Anak, wala akong ginagawang masama, hindi ko kiniss si Tita Natalie, siya ang gumawa nun sa akin, at hindi ko alam na gagawin niya yun kaya nagulat ako at hindi na ako nakaiwas"
"Totoo po Daddy?"
"Yes anak, isang beses lang naglie si Daddy, yung tungkol kay Mommy Rina lang, and I'm so sorry for that"
"Daddy, gusto ko po na bumalik na sina Mommy Cassie dito, gusto namin makasama sina Baby Zoey at Baby Andrei"
"I promise, gagawin ko ang lahat para bumalik sila dito" ani ni Aldo, sabay halik sa pisngi ng dalawang anak, niyakap naman siya ng mga ito
Lumipas pa ang mga araw at linggo, one month na nina Baby Zoey at Baby Andrei, nagpunta naman sina Sam at Phil sa condo, may dala silang cake, ice cream, balloon at pizza, pumasok sila sa kwarto dala dala ang balloons
"Happy Birthday" ani ng dalawa nang makita ang mga kapatid
"Wow may balloon silang dala" ani ni Cassie, humalik naman ang kambal sa kanya "Kamusta naman ang Ate at Kuya ko?"
"Okay naman po"
"S-Sino ang kasama niyo?"
"Mommy, kasama namin si Daddy, pero hinatid niya lang kami hanggang sa may door"
Napayuko si Cassie, nakaramdam rin siya ng awa kay Aldo "Dito muna kayo ha?" ani ni Cassie at lumabas, nakita niya ang iba pang dalang pagkain nina Sam at Phil, inaayos ito nina Manang Rosa at Yaya Ruth
"Andyan si Aldo kanina" ani ni Manang "Hinatid lang sina Sam at Phil"
Tinawagan ni Cassie si Aldo sa phone "H-hello" ani ni Aldo
"G-Gusto mo bang makita sina Baby Zoey at Baby Andrei?"
"Oo, pwede ba?"
"Sige, bumalik ka dito" ani ni Cassie sabay off ng phone, maya maya lang ay andyan na si Aldo, napangiti si Manang Rosa, pumasok si Aldo sa kwarto, tumakbo naman sina Sam at Phil sa kanya
"Daddy" ani ng dalawa, niyakap naman ni Aldo ang mga anak, napatingin siya kay Cassie pero hindi siya tinitingnan nito, sa halip ay lumabas ito ng kwarto at iniwan sila sa loob, nilapitan ni Aldo ang mga anak, hindi niya napigilan na tumulo ang luha nang makita ang mga ito
"Ang cute nila noh Daddy?" ani ni Sam
"Oo Ate, ang cute nila"
"Sino ang kamukha nila?" ani ni Phil
"Wala pa eh, pag medyo big na sila malalaman na natin kung sino ang kamukha nila"
Nagpunta sa may kusina si Cassie, nilapitan naman siya ni Manang Rosa
"Salamat Cassie, pinayagan mo si Aldo makita ang mga anak niyo"
"May karapatan naman po talaga siya, at saka nakahanda na rin po ako na kausapin siya, kung paano po ang magiging set up namin para sa mga bata"
"Pag-usapan niyo rin sana ang tungkol sa inyo"
Hindi naman na kumibo pa si Cassie, maya maya ay naglabasan ang mag-ama, karga ni Aldo si Baby Zoey at Baby Andrei, pinabayaan lamang sila ni Cassie, nagpicturan pa sila, maya maya ay nakatulog sina Sam at Phil sa kwarto nila, si Baby Zoey at Baby Andrei naman ay pinasok na ulit ni Aldo sa kwarto, andun din si Cassie, inayos naman niya ang mga anak at pinadede na, hindi pa rin niya tinitingnan si Aldo
"Ahm Cassie, iiwan ko muna sina Sam at Phil, saka mauuna na ako"
"Mag-usap tayo Aldo, tungkol sa set up ng mga bata" ani ni Cassie pero hindi pa rin niya tinitingnan si Aldo
"S-sige"
"Payag na akong dalawin mo sila, pero dalaw lang, wag kang matutulog dito, pero sina Sam at Phil pwede sila dito, at saka baka pwede pag bumalik na si Manang sa mansion, bigyan mo pa kami ng isa pang makakasama dito, balak ko kasing maghanap ng trabaho"
"Hindi mo naman kailangang maghanap ng trabaho" ani ni Aldo hindi na rin siya makatingin kay Cassie "Ako ang bahala sa inyo"
"Mga anak mo lang ang obligasyon mo, wala kang obligasyon sa akin, kung hindi ako magtatrabaho, paano naman ang mga pangangailangan ko?"
"Ako na nga bahala, mas kailangan ka ng mga bata, mas magandang andyan ka habang lumalaki sila, ayokong magaya sila kina Sam at Phil na halos Yaya na lang ang nagpalaki, wala ka nang dapat alalahanin, every month magbibigay ako ng allowance para sa inyo, lahat ng bills ako na rin ang bahala"
"S-Sige kung yan ang gusto mo, pero hanggang dalaw pa rin ang pwede mong gawin"
"Naiintindihan ko Cassie"
"Mabuti na yung malinaw"
"Cassie, pag-usapan natin ang nangyari please"
"Hindi na kailangan Aldo, tapos na yun, siguro nga masyado lang tayong naoverwhelmed sa feelings natin noon, masyadong mabilis ang nangyari, dapat mas kinilala muna natin ang isat-isa, yung mga sikreto mo nuon natanggap ko, pero ito mahirap para sa akin, masyadong masakit"
"Hindi ako ang humalik kay Natalie, siya, at hindi na ako nakaiwas"
Nailing si Cassie "Eh paano pala kung hindi dumating sina Sam at Phil? Baka higit pa sa halik ang nangyari sa inyo"
"Hindi siyempre, hindi ko siya papatulan"
"Talaga lang ah?"
"Oo, kung yung ilang taon nga natiis ko na wala akong s*x life"
Hindi na nakakibo si Cassie, gusto niyang matuwa sa sinabi ni Aldo, pero masakit pa rin para sa kanya ang nangyari
"O paano? Kailan mo susunduin sina Sam at Phil?"
"Baka sa Monday na lang, pagkagaling ko sa opisina, wala naman silang pasok sa Monday"
"Sige ako na ang bahala sa kanila"
"Sige uuwi na ako" ani ni Aldo sabay labas ng kwarto, napatingin si Cassie sa may pinto at tumulo ang luha niya, mahal na mahal pa rin niya si Aldo, alam niya yun sa sarili niya, napatingin siya sa mga anak, ayaw rin naman niyang ipagdamot na makilala ng mga ito ang ama.
Lumipas pa ang nga oras, nakauwi na si Aldo sa bahay niya, pagpasok niya ay nakita niya si Natalie
"What are you doing here?" ani ni Aldo
"Dinadamayan ka, nabalitaan ko kasi na wala na dito ang Cassie na yun"
"Hindi kita kailangan"
Nilapitan siya ni Natalie "You need me"
"What makes you think of that?"
"Lalaki ka, babae ako, at alam ko ang pangangailangan mo, kaya kong ibigay yun sayo, gaya dati"
"Anong pinagsasabi mo? Yung isang beses na nangyari sa atin nuon ay isang pagkakamali, nangungulila ako sa pag-alis ni Rina at lasing ako, hindi ko na gagawin ngayon yun, mas iniisip ko kung paano ko maibabalik ang tiwala at pagmamahal ni Cassie sa akin, kaya pwede umalis ka na"
"One day, tayong dalawa pa rin in the end" ani ni Natalie sabay talikod kay Aldo.