Part 13

1055 Words
Lumipas pa ang mga araw, halos araw araw ay dumadaan si Aldo sa condo para dalawin ang mga anak, hindi pa rin siya pinapansin ni Cassie, every weekend naman ay nasa condo sina Sam at Phil, isang araw, habang nasa kwarto sila ay nagtanong si Sam kay Cassie "Mommy, galit pa rin kayo ni Daddy?" "Ahm, let's say, we're civil" "Sana Mommy, bumalik na po sa dati ang lahat" ani ni Sam, tila naawa naman si Cassie sa bata kaya niyakap niya ito, pati si Phil ay nakiyakap sa kanila. Lumipas pa ang mga araw, isang araw nagulat na lang si Cassie nang humahangos na pumasok si Ruth "O bakit?" "Mam Cassie, may sunog po sa unit sa taas" "Ha?" gulat na ani ni Cassie "Bilis, ang mga bata" dali dali silang pumasok sa loob ng kwarto para kunin ang mga bata at ilang gamit nito, nagmamadali silang lumabas ng unit, nagkakagulo na ang tao at nagkakanya kanya nang takbo, mabilis naman silang nakalabas ng building, tinawagan ni Cassie si Aldo "Hello Cassie, nasa meeting ako" "Aldo, may sunog" "Ha? Sige sige, papunta na ako" tumayo na si Aldo "Imomove na lang natin ang meeting, may emergency lang ako" sabay labas ng conference room, nagmamadali siyang pumunta sa condo, pinark na lang niya ang kotse sa tapat ng isang fast food chain at pumunta sa may building, tinatawagan niya si Cassie pero hindi na sumasagot, nang may biglang tumawag sa kanya "Aldo" Napalingon si Aldo "Cassie" nilapitan niya ito at niyakap "Kamusta?" "Natakot ako" iyak na ani ni Cassie "Ssshh, andito na ako" kinuha naman niya si Baby Andrei kay Ruth "Lika na" at inalalayan na niya ang mga ito papunta sa kotse saka sila umuwi sa mansion "Mommy" salubong sa kanila ng kambal, niyakap rin ni Cassie ang dalawa "Iakyat niyo muna sina Baby Andrei at Baby Zoey sa taas" utos ni Aldo kina Daisy at Ruth "Mommy dito na ulit kayo?" ani ni Sam, nagkatinginan naman sina Cassie at Aldo "Oo anak, dito muna sila" ani ni Aldo, siya namang labas ni Manang Rosa, nagsunuran naman ang kambal sa mga kapatid sa kwarto nito "Cassie" sabay yakap dito "Anong nangyari?" "May nasunog po na unit sa condo" "Buti okay kayo" "Opo okay naman po kami" "Cassie" ani ni Aldo "Magpahinga ka na muna, may gamit ka pa naman sa kwarto natin.. I mean sa kwarto ko, mamaya ibili na lang natin ng gamit sila baby" "S-Sige" ani ni Cassie saka tumingin kay Manang Rosa "Akyat po muna ako" saka tumalikod si Cassie Nagkatinginan naman sina Aldo at Manang Rosa "Mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit ulit kayong dalawa" ani ni Manang "Sana nga po way na po ito para maging okay kami ulit" Nakaakyat na si Cassie sa kwarto ni Aldo, tumulo ang luha niya, napaupo siya sa gilid ng kama, siya ring pasok ni Aldo sa kwarto "Cassie" ani ni Aldo, napatingin si Cassie dito "Please don't cry, andito ako, hindi ko kayo pababayaan" tumayo si Cassie at humarap kay Aldo "Thank you" "You don't have to" Tumalikod na si Cassie at nagpunta sa may closet "Kukunin ko na ang mga gamit ko at ililipat sa kwarto nila baby, dun na lang din muna ako" "Ahm, s-sige ikaw ang bahala, pero pwede ka pa rin naman dito" "Hindi na Aldo, ayokong makaistorbo sayo, at saka walang kasama sila sa baby sa kwarto" "S-sige, magpahinga ka muna, mamaya bilhan natin ng gamit sila baby, marami ata kayong naiwan sa condo" "Oo nga eh, kaunti lang ang nadala namin" "Di bale ako na bahala dun, magrest ka muna" "S-salamat ulit" at lumabas na si Cassie sa kwarto, nailing naman si Aldo Lumipas pa ang mga oras, nagpunta sa mall sina Aldo at Cassie at namili sila ng gamit ng mga baby, hindi pa rin sila nag-uusap, si Cassie ang namimili at si Aldo ang may tulak ng cart, pagkabayad nila ay bumili sila ng merienda para maiuwi sa bahay, natraffic pa sila pauwi "Grabe ang traffic, anong oras kaya tayo makakauwi nito?" ani ni Aldo, tumingin lang si Cassie sa kanya at hindi kumibo, hindi na lamang ulit nagsalita si Aldo, pasado 6pm nang makauwi sila, sinalubong sila ni Sam at Phil, yumakap ang mga ito kay Cassie "Daddy what's our merienda?" ani ni Sam "Eto anak, may dala kaming lasagna, kaya lang magdidinner na rin tayo maya maya" "Okay lang Daddy" "O siya sige kain muna kayo" ani ni Aldo saka tumingin kay Cassie "Kain muna tayo" "S-sige, busog ako" "Hindi ka pa naman kumakain mula kanina eh, sige na kain na tayo" tatanggi pa sana si Cassie nang biglang kumulo ang tiyan niya "Mommy hungry ka na" ani ni Phil Napangiti si Cassie kay Phil at tila nahihiyang tumingin kay Aldo "O-Oo nga" "Lika na Mommy eat na po tayo" ani ni Phil, sabay hatak sa kamay niya papuntang dining, sabay sabay na silang nagmerienda, maraming nakain ni Cassie, napansin yun ni Aldo pero hindi na lamang siya kumibo, at masaya siya dahil muli niyang nakasabay sa pagkain ang Mahal niya. Pagkatapos magmerienda ay umakyat na si Cassie, lumabas naman na si Yaya Ruth pagdating ni Cassie, gising ang mga anak niya nung dumating siya "Uy ang mga anak ko, kamusta na ang mga baby ko" ani niya, hinalikan niya sa tiyan ang mga anak pagkalapit niya "Hmm, mukhang kagigising niyo lang ah, hindi ba namahay ang mga bachuching ko?" "Bahay rin naman nila ito" ani ni Aldo, nagulat pa si Cassie nang marinig ang boses nito, dinala pala nito ang mga pinamili nila "Eto pala ang mga gamit nila" "Sige pakiiwan na lang dyan, ako na ang bahala, salamat" "Cassie, kung may kailangan ka sabihin mo lang, wag kang mahihiya" "S-Salamat Aldo" "Cassie, alam kong naiilang ka sa sitwasyon, at ayaw mo talaga dito kung may choice ka lang, pero Cassie, para na lang kina baby, baka pwede naman na kahit maging friends tayo" Napatingin si Cassie kay Aldo "Oo Aldo, naiilang talaga ako, pero tama ka, let's try na maging friends para kay Baby Zoey at Baby Andrei" Ngumiti si Aldo at nilahad ang kamay kay Cassie "Friends?" Inabot naman ni Cassie ang kamay kay Aldo "Friends" at saka ngumiti "O sige, see you later sa dinner?" "Sige" nakangiting ani ni Cassie, at tumalikod na si Aldo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD