Part 14

1055 Words
Kinabukasan, maagang nagising si Cassie, inilabas niya sa may garden ang kambal para maarawan, maya maya ay lumapit si Aldo sa kanila "Cassie, magbreakfast na tayo, pabantayan muna natin sa Yaya yang mga cute na cute na baby na yan" ani ni Aldo "Sila Sam at Phil? Nakababa na?" "Pababa na yun" Maya maya ay nakababa na sina Sam at Phil, pinuntahan nila sa may garden sina Aldo at Cassie "Good Morning Mommy, Good Morning Daddy" ani ng dalawa "Good Morning" ani ni Cassie, lumapit ang dalawa sa kanya at kumiss tapos ay kay Aldo at kumiss, saka nilapitan ang mga kapatid na nakatingin sa kanila "O lika na magbreakfast na tayo" ani ni Aldo "Daddy kakain din sila baby?" ani ni Phil "Hindi pa anak, milk lang sila" ani ni Aldo sabay tingin kay Yaya Ruth "Ruth ikaw muna sa kanila ha? Kakain lang kami" "Sige Sir, no problem po" Sabay-sabay na silang nagpunta sa dining para magbreakfast "Mamaya baka malate si Daddy ng uwi ha? May meeting ako" ani ni Aldo, pero ang totoo pinaparinig niya lang kay Cassie "Pag dinner time wala pa ako, magdinner na kayo, andito naman si Mommy Cassie" "Yes Daddy" ani ng kambal "Uuwi kami agad agad, kasi andito mga baby piso namin" nakangiting ani ni Sam Ngumiti si Cassie "Sige Ate, aantayin nila kayo" "Mommy pwede po ako pahelp sa project ko sa school later?" ani ni Phil "Sure Kuya" "Ako rin po Mommy" ani naman ni Sam "Sure Ate" "Ang sarap ng may Mommy sa bahay" ani naman ni Phil, napatingin si Cassie sa bata at ngumiti, tumingin rin si Phil sa kanya "I love you Mommy" "I love you too Kuya Phil" "I love you Mommy" ani rin ni Sam "I love you too Ate Sam" Napatingin naman ang kambal kay Aldo na humihigop ng kape "Why?" "Daddy hindi ka ba mag-a-I love you kay Mommy?" ani ni Sam Namula ang pisngi ni Cassie, naibaba naman ni Aldo ang tasa niya "Alam niyo, bilisan niyo na, baka malate kayo sa school" "Okay po Daddy" ani naman ni Phil Maya maya ay nasa may pinto na sila, humalik ang kambal kina Aldo at Cassie at sumakay na sa kotse, isang Yaya na lang ang kasama nila, si Yaya Daisy, humarap naman si Aldo kay Cassie nang makaalis ang kotse ng mga anak "Ahm Cassie alis na rin ako ah" "S-Sige" ani ni Cassie, papunta na sa kotse niya si Aldo nang tawagin siya ni Cassie "Aldo" Lumingon naman si Aldo "Bakit?" "Mag-iingat ka" Ngumiti naman si Aldo "Salamat, basta pag may kailangan ka, wag kang mahihiyang magsabi" "Oo" ani ni Cassie, ilang saglit lang umalis na si Aldo at saka pumasok sa loob si Cassie at pinuntahan ang mga anak, pag lapit niya ay gising ang mga bata at nagdadaldal "Hala Mam Cassie, ang mga anak mo o, may gustong sabihin" "Inaway mo siguro, nagsusumbong" nakangiting ani ni Cassie "Hindi po ah" Natawa si Cassie "Joke lang, iakyat na natin sila para mapaliguan" "Sige po, lika na mga bachuching" ani ni Yaya Ruth, binuhat ni Cassie si Baby Andrei at binuhat ni Yaya Ruth si Baby Zoey. Lumipas pa ang mga oras, nasa sala sila Cassie kasama ang mga anak na nasa stroller "Ayaw niyong magsitulog ahh, inaantay niyo sila Ate at Kuya?" ani ni Cassie, sagot naman ang mga baby, natutuwa naman si Cassie kasi nagreresponse na ang mga anak niya kahit paano, maya maya ay nagring ang landline nila, sinagot ito ni Cassie "Hello" "Hello po, andyan po si Sir Dela Costa?" ani ng lalaking nasa kabilang linya "Wala po, sino po sila?" "Mam, kasi po andito nanaman si Mam Natalie, nagpipilit pumasok, eh pinaban na po siya ni Sir Dela Costa sa village" Napataas ang kilay ni Cassie "Wag niyo siyang papasukin Kuya, may sayad yan, nanggugulo siya dito" "Ah sige po, sino po pala sila?" "Mrs. Dela Costa" "Sige po Mam" at binaba na nito ang phone "Mam pasensiya na po, hindi po talaga kayo pwedeng pumasok, ako naman ang mawawalan ng trabaho pag pinapasok ko kayo" "Hindi pwedeng hindi mo ako papasukin, dadalawin ko lang ang mga bata, pinapadalaw sila ng Mommy nila sa akin" "Pasensiya na po talaga" "Sino ba ang nakausap mo?" "Eh Mrs. Dela Costa po, andun pala ang Mommy nila eh, gusto niyo lang ata talagang manggulo eh" "Mrs. Dela Costa?" "Opo, yun po ang sabi ng nakausap ko" "Letse ka!" ani ni Natalie at iniatras na ang kotse niya at huminto ulit "Mrs. Dela Costa? Bumalik ba si Rina?" kunot noong ani ni Natalie sa sarili "Sino yun Cassie?" ani ni Manang Rosa pagkababa niya ng phone "Sa may guard po, pilit po na pumapasok si Natalie" "Naku napakakulit talaga nun, pinaban na siya ni Aldo dito sa village, pabalik balik pa rin" "Sinabi ko nga po sa guard na wag papasukin kasi may sayad yun at nanggugulo lang dito" Natawa naman si Manang Rosa "Loka ka talaga" Napangiti rin si Cassie, siya namang pasok nina Sam at Phil sa pinto "Mommy" ani ng dalawa, sabay halik sa pisngi ni Cassie "Baby" ani nila sa mga kapatid, kakawag kawag naman ang kambal nang makita ang mga Ate at Kuya nila "Iba talaga ang saya pag may bata, lalo apat sila" ani ni Manang Rosa "Opo nga po, at saka parang mas masaya nga po sina Baby Zoey at Baby Andrei pag nakikita ang mga Ate at Kuya nila, tingnan niyo po, may boses na, may gustong sabihin" "Oo nga eh, nakakatuwa silang tingnan" "Opo nga po" "Kamusta kayo ni Aldo?" "Hmm, napagkasunduan po namin na maging magkaibigan para sa mga anak namin, susubukan namin na maging okay kahit as a friend lang" "Wala na ba talagang pag-asa na magkaayos kayo gaya ng dati?" "Hindi ko po alam Manang, sa ngayon po, mas okay kami sa ganito, magkaibigan lang" Tinawagan naman ni Natalie si Aldo "Ano?!" ani ni Aldo "Dumating ba si Rina?" "No, bakit mo naman tinatanong?" "Sino naman ang sinasabi ng guard sa village na nakausap niyang Mrs. Dela Costa sa bahay niyo?" Pagkarinig sa sinabi ni Natalie ay inoff ni Aldo ang phone at napangiti "Mrs. Dela Costa, Mrs. Cassandra Santos Dela Costa, I swear Cassie, I will win you back, gagawin ko ang lahat, para ikaw pa rin ang Mrs. Dela Costa ko"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD