Part 15

921 Words
Kinahapunan, pagkatapos magsiesta ay tinulungan ni Cassie sina Sam at Phil sa project nito "Ano ba ang kailangan niyo?" ani ni Cassie "Mommy, we need illustration board tapos magdidikit kami ng family picture tapos lalagyan ng design saka kung ano ang masasabi mo tungkol sa family" ani ni Phil "Ah okay" "Mommy, di ba po may family picture tayo sa album ni Daddy, nung Christmas Party?" Naalala ni Cassie ang sinasabi ni Phil, paano niya makakalimutan ang event na yun, dun nagsimula ang lahat, bigla siyang nailing "Anak, hindi natin pwedeng galawin yun, ganito na lang magdedesign muna tayo ng illustration board tapos ilalagay natin yung description, then tatawag ako kay Daddy para magprint siya ng picture, kasi wala naman tayong photo paper dito eh" "Sige po Mommy" "O siya mag-isip na kayo ng design, tatawagan ko lang si Daddy" ani ni Cassie saka siya tumayo at tinawagan si Aldo "Hello" ani ni Aldo "Hello Aldo" "O Bakit?" "Busy ka?" "Hindi naman" "Need kasi nina kambal ng family picture, gusto nila yung picture nung Christmas Party, eh wala namang photo paper dito kaya hindi kami makapagprint" "O sige, ako na lang ang magdadala mamaya" "Okay sige thank you" "Okay bye" ani ni Aldo sabay off ng phone "I love you Mahal ko" ani niya saka siya nailing Lumipas pa ang mga oras, nakauwi na si Aldo, naabutan niya naman ang mga panganay at si Cassie sa kwarto ni Sam "Daddy" ani ng dalawa saka tumakbo sa kaniya para humalik "O mga anak, eto na yung picture" sabay abot "Very Good ka Daddy" ani ni Sam pagkakita sa picture "Talaga?" "Opo" saka lumapit kay Cassie "Mommy eto po ilalagay ko" sabay abot ng picture, nabigla si Cassie nang makita ang picture, eto kasi yung picture na kasama siya sa dapat na family picture ng mag-aama, napatingin siya kay Aldo at napatingin ulit sa kambal "Okay sige, ididikit natin, wait lang" ani ni Cassie saka tumayo at lumapit kay Aldo, nagpunta sila sa may pinto "Bakit yun ang pinrint mo?" "Family Picture nga eh" ani ni Aldo, inirapan naman siya ni Cassie "Cassie, bago ka magalit, listen to me, yun ang pinrint ko para sa mga bata, baka pag wala ka dun sa picture, magtatanong nanaman sila, baka magtampo nanaman, we all know na tinuring ka na nilang ina, at kahit wala na tayo, Mommy pa rin ang tawag nila sayo, Mommy pa rin ang turing nila sayo" Hindi na nakakibo si Cassie, pero medyo may kurot siyang naramdaman nang sabihin ni Aldo ang salitang "kahit wala na tayo", sa tingin niya mukhang tanggap na rin nito na wala na talaga sila "Sige, babalikan ko lang yung dalawa" ani ni Cassie saka binalikan sina Sam at Phil, lumabas naman ng kwarto si Aldo Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, okay naman ang pagsasama nila sa mansion, nakakapagbiruan na rin sila Aldo at Cassie, mas okay na ang relationship nila ngayon, six months na rin sina Baby Zoey at Baby Andrei, may mga alam na rin itong tricks na turo ng mga Ate at Kuya nila, naghanda sila sa bahay, may tarpaulin, balloons, cake, ice cream, spaghetti, hotdogs at fried chicken, nag invite rin sila ng ibang classmate sina Sam at Phil, dumating din si Marj kasama ang anak "Girl, ang bongga ah" ani ni Marj "Si Aldo kasi ang may gusto, kalahating taon na raw kasi" nakangiting ani ni Cassie "Okay na kayo?" "Magkaibigan na lang kami" "Ha?" "Oo" "Pero dito ka pa rin nakatira" "Wala naman kasi kaming pupuntahan na mag-iina, natrauma kasi ako sa condo, at saka mamimiss nila Sam at Phil ang mga kapatid nila, saka mamimiss ko rin sila" "Sila lang?" nakangiting ani ni Marj "O-Oo" "Hmm, umamin ka nga, wala ka nang nararamdaman para kay Boss?" "Hindi naman mawawala yun basta basta, mahal ko pa rin siya, mahal na mahal pa rin, pero hanggang dun na lang talaga kami, mahirap kasi pag tiwala na ang nawala" "Baka nagsasabi naman kasi ng totoo si Boss" "Ewan ko girl, sana nga totoo yun, pero kahit totoo, parang nakatanim na yun sa utak ko eh" "Pwede namang magmove on noh" "Makakamove on rin ako" "Kailan? Pag may mahal nang iba si Boss? Pag hindi na kayo pwede ng mga anak mo dito kasi may pakakasalan na siyang iba?" Napatingin si Cassie kay Marj at biglang tumulo ang luha "Ayokong mangyari yun Marj, pero nasasaktan pa rin ako" "Ssshh, wag ka nang umiyak, baka akalain nila Boss inaaway kita" ani ni Marj, pinunasan naman ni Cassie ang luha Natapos na ang araw at unti unti na silang nagliligpit nang lapitan ni Cassie si Aldo na nakaupo sa may sofa, naupo siya sa may katabing upuan nito "Aldo" ani ni Cassie "Uy, bakit?" "Salamat ah" "Saan?" "Sa paparty mo para kina kambal" "Siyempre naman, mga anak ko rin sila" "Salamat pa rin" "Okay" "Ahm Aldo may itatanong ako" ani ni Cassie, kinakabahan talaga siya sa totoo lang "Ano yun?" "Ahm, may nililigawan ka na bang iba?" "Bakit mo naitanong?" "Ahm, wala lang, naisip ko kasi, hindi naman malabong mangyari yun diba?" "Oo, yaan mo, malalaman mo rin" nakangiting ani ni Aldo "Pag kami na, ikaw ang unang makakaalam" Kiming ngumiti si Cassie saka tumayo "Sige, titingnan ko muna ang mga bata" ani niya sabay talikod dahil tutulo na ang luha niya, nasasaktan siya sa nalamang may nililigawan nang iba si Aldo, ang bilis nitong nakamove on nagmamadali siyang umakyat at pumasok sa kwarto ng mga anak at dun binuhos ang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD