Lumipas pa ang mga araw, isang araw ng sabado, habang nag aalmusal sila ay may binalita si Aldo
"Kids, may darating tayong bisita"
"Talaga po Daddy?" ani ni Sam
"Opo"
"Sino po?"
"Si Mommy Rina, three days from now darating na siya" ani ni Aldo, napatingin naman si Cassie sa kanya
"Kasama niya si Daddy George?"
"Hindi ata, susunod na lang ata siya, mauuna lang si Mommy Rina"
"Yehey!" ani ng kambal
"Ahm Aldo" ani ni Cassie, tumingin naman si Aldo sa kanya "Alam niya na ba?"
"Ang alin?"
"Yung tungkol sa sitwasyon natin"
"Let's talk about it later"
Maya maya ay umakyat na ang mga bata sa kwarto nila, nagpunta naman sa garden sina Aldo at Cassie
"Ahm Cassie, regarding dun sa tanong mo kanina, wala pang alam si Rina"
"Paano kaya yun?"
"Wala namang problema dun, pagdating niya sasabihin ko, yung totoong sitwasyon natin"
Napayuko si Cassie, gusto sana niyang marinig kay Aldo na magkunwari silang okay pero iba ang plano nito "S-Sige, ikaw ang bahala"
"Susunduin na lang namin siya nina Sam at Phil, alam naman ni Rina na nanganak ka na, kinakamusta niya nga sila Baby Zoey at Baby Andrei"
"Sige, hindi na kami sasama"
"Pero kung gusto niyong sumama, okay lang naman"
"Hindi na, okay na yun"
"Okay"
Dumating ang araw ng pagdating ni Rina, sinundo siya nina Aldo, Sam at Phil ng 6pm sa NAIA, humalik at yumakap ang mga anak sa kanya nang makita siya
"How are you kids?"
"We are okay Mommy" ani ni Sam
"May mga pasalubong ako sa inyo pati na rin kina Baby Zoey at Andrei"
"Talaga po?" ani ni Phil
"Yes cutie pie" ani ni Rina at tumingin kay Aldo "Kamusta?"
"Ayos naman" nakangiting ani ni Aldo
"Si Cassie?"
"Nasa bahay eh, dun ka na lang niya aantayin"
"Okay, ano? Let's go?"
"Sige lika na" ani ni Aldo, kinuha na nito ang mga dala ni Rina, si Rina naman ay hawak sa magkabilang kamay ang mga anak.
Maya maya ay nakarating na sila sa mansion, nasa may sala naman sila Cassie kasama ang mga anak na nasa stroller
"Cassie" masayang ani ni Rina sabay yakap sa kanya
"Rina, kamusta?"
"Ayos naman" ani nito sabay tingin sa mga baby "Hala, ang kucute, parang sila Sam at Phil din nung baby sila" ani pa nito "Hello babies, ako si Tita Rina" sabay halik sa pisngi ng mga ito "Ang babango kakagigil" at muling hinalikan ang mga ito at saka tinitigan ang mga baby
"Mommy Rina, asan na yung pasalubong sa kanila?" ani ni Phil
"Sus excited naman ang Kuya, andun pa sa mga gamit ko, mamaya ilalabas ko lahat okay?"
"Okay po"
"O lika na, kain na muna tayo" ani ni Aldo, at inalalayan pa nitong makatayo si Rina hanggang makarating sa dining, para namang may kumurot sa puso ni Cassie nang makita ang eksenang yun, habang kumakain ay maraming kwento si Rina, pangiti ngiti lang si Cassie, napapansin niya kasing titig na titig si Aldo dito habang nagkukuwento ito, pati mga bata ay parang tuwang tuwa na andun ang tunay na ina, pakiramdam niya ay naa-out of place na siya, maya maya ay nagpaalam na siya
"Ahm, excuse lang ah, mauna na ako sa taas, milk time na nina Baby Zoey at Baby Andrei eh saka para makatulog na rin sila"
"Ah ganun ba?" ani ni Rina
"Oo eh, ako talaga ang nagpapadede sa kanila"
"O sige, mamaya kwentuhan tayo ah"
"Oo naman, sige ah" ani ni Cassie saka tumayo at tumalikod siya, sa totoo lang ayaw niya ng nararamdaman, nagseselos nanaman siya kay Rina, ngayon pa talaga na wala na siyang karapatan pang magselos, pagkatapos nilang kumain ay umakyat na sila sa taas at nagpunta sa kwarto ni Phil, nilabas na ni Rina ang mga pasalubong para sa lahat, tuwang tuwa naman ang mga anak, maya maya ay lumabas siya sa kwarto ng anak, nakita naman niya si Aldo
"Aldo, si Cassie?"
"Baka nasa room pa nila baby"
"May problema ba? Para kasing may iba"
"Hmm, yes, tara muna sa baba, ieexplain ko sayo"
"Okay"
Nagpunta sila sa may garden at nagkape, dun kinwento ni Aldo ang nangyari
"My God Aldo, ano ba yan?" ani ni Rina
"Main concern ko ang anak ko, ayokong malayo sila sa akin"
"How about Cassie?"
"I still love her, I really do, pero anong gagawin ko? Sinunod ko lang ang gusto niya"
"Hay naku, dapat ipaglaban mo ang nararamdaman mo"
"Akala mo ba hindi ko ginawa? Ginawa ko, pero natakot akong tuluyan siyang umalis at dalhin ang mga bata"
"Alam mo, bukas na bukas din pupuntahan ko yang si Natalie, kakausapin ko siya"
"Wag na Rina, ayoko na rin ng gulo, baka lalo lang siyang manggulo sa amin"
"Ano ba naman yan Aldo, naiirita tuloy ako"
Napangiti si Aldo "Sorry"
"Ewan ko sayo" sagot ni Rina, yun ang narinig ni Cassie, nagsorry si Aldo kay Rina at hindi niya alam kung bakit, biglang tumulo ang luha niya, pabalik na siya sa taas, nasa may gitnang hagdan na siya nang tawagin siya ni Rina
"Cassie"
Lumingon siya dito at ngumiti saka bumaba ulit "Rina"
"Ibibigay ko sana ang pasalubong ko sa inyo nila baby"
"Ahh sige salamat"
"Wait ha? Kukunin ko lang sa kwarto" ani ni Rina saka tumalikod para magpunta sa guest room, naiwan naman sila ni Aldo
"Tulog na sila baby?" ani ni Aldo
"O-Oo"
"Nasabi ko na pala kay Rina ang tungkol sa atin" ani ni Aldo, tumango tango lang si Cassie, maya maya ay nakabalik na si Rina at may dalang 3 malalaking paper bag
"Ang dami naman niyan" ani ni Cassie
"Siyempre naman, sana magkasya sa kanila yung mga damit"
"Tingnan natin, gusto mo isukat sa kanila? Kaya lang tulog na sila eh"
"Sige bukas na lang, at saka bukas na lang din tayo magkwentuhan, tatawag kasi si George maya maya"
"Sige Rina, salamat ulit, akyat na ako" ani ni Cassie
"Okay goodnight" ani ni Rina at nagbeso sila
"Goodnight" at saka umakyat si Cassie sa taas, napatingin naman si Rina kay Aldo
"Ikaw talaga, ayusin mo yan, sinasabi ko sayo" ani ni Rina, tumawa naman si Aldo, kitang kita ni Cassie nang hampasin ni Rina sa braso si Aldo at hinawakan nito ang kamay ni Rina
"Gagawin ko ang lahat to win her back, ako ang bahala, pinagbibigyan ko lang siya ngayon"
Pumasok si Cassie sa kwarto nila ng mga anak at dun siya naiyak, nasasaktan nanaman siya.