Kinabukasan, habang pinapaarawan ni Cassie ang mga anak ay nilapitan siya ni Rina
"Hi Cassie"
"Uy, Hi" sagot ni Cassie, naupo ito sa may tabi niya at tinitigan siya "B-Bakit?"
"Nalulungkot kasi ako"
"Bakit naman?"
"Because of you and Aldo"
"Ha?"
"Bakit kasi naghiwalay kayo? Natalie is crazy, matagal na niyang gusto si Aldo, at spoiled brat kasi yun, gusto niya lahat nakukuha niya"
Nailing si Cassie at napangiti "Rina, sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sayo"
"Alam mo bang mahal na mahal ka ni Aldo? Mahal ka rin ng mga anak ko, nakita ko yun, kaya nga nagdesisyon akong pumirma sa annulment papers kasi alam kong hindi mo ituturing na iba ang mga anak ko, tapos ganito ang mangyayari"
"Rina, hindi naman nagbago ang pagmamahal ko kina Sam at Phil"
"Eh kay Aldo?"
Napatingin siya kay Rina "Mahal ko pa rin si Aldo, pero siguro hindi pa ito ang time para sa amin, maigi na rin na ganito muna kami"
"Hay naku ewan ko sa inyo" ani ni Rina sabay irap sa kanya, napangiti naman si Cassie
"Kung kami, kami pa rin kahit anong mangyari"
Napatingin naman si Rina sa mga baby, nakatingin rin sa kanya si Baby Zoey at ngumiti, napangiti rin siya at binuhat ang baby
"Hi baby, you know me? I'm your Tita Rina" ani niya, tinawanan naman siya ng baby "Aba tinatawanan mo lang ang beauty ni Tita Rina ah"
"Naku ganyan yan pag kinakausap"
"Alam mo, wag kang magagalit ha? Mas kahawig sila ni Aldo, parang si Sam at Phil, pero nakuha nila ang mata mo"
"Alam ko naman yun, mas kamukha sila ng Daddy nila"
"Oo nga eh, di bale na at buti gwapo ang Daddy nila" natatawang ani ni Rina "Ang bungisngis" ani nito kay Baby Zoey
"Si George nga pala?"
"Next week darating siya, at sana pag dumating siya okay na kayo ni Aldo"
Napangiti si Cassie at nailing "Ikaw talaga"
"Basta" ani ni Rina
Lumipas pa ang mga araw, napapansin ni Cassie na laging magkausap sina Aldo at Rina, pagkagaling ni Aldo sa opisina, sisilipin lang nito ang mga anak at halos buong magdamag silang nag-uusap sa may garden, tawanan ng tawanan, minsan ay nagbubulungan at magtatawanan, laging sinusubaybayan ni Cassie ang dalawa at nasasaktan talaga siya, hindi na rin siya masyadong pinapansin ni Aldo mula nang dumating si Rina
"Sabagay mag-asawa pa rin sila, hindi pa nga nagagrant yung annulment nila eh, baka hindi na nga yun magrant" ani ni Cassie sa sarili at biglang tumulo ang luha niya, kundi lang siya nahihiya kay Rina, tatawagan niya si Tita Melba para masundo sila ng mga anak niya at dun na lang sila sa Davao.
Isang gabi, bumaba si Cassie para maglagay ng mainit na tubig sa feeding bottle ng mga anak, nakita niyang nag-uusap ang dalawa sa may garden, hindi niya sana papansinin ang dalawa nang tawagin siya ni Rina
"Cassie! Lika muna dito"
Lumapit naman siya habang hawak ang apat na bote ng mga anak "Bakit?"
"Tulog naman na sila baby, kwentuhan muna tayo"
"Ha? Baka kasi bigla silang umiyak wala silang kasama sa taas, maglalagay lang ako ng mainit na tubig"
"Tulungan mo naman siya Aldo" ani ni Rina
"Naku hindi na" tanggi naman ni Cassie
"Eh wag na raw eh" ani ni Aldo
"S-Sige" ani ni Cassie at tumalikod na sa dalawa
"Ikaw talaga" ani naman ni Rina kay Aldo, ngumiti lang si Aldo sa kanya
Lumipas pa ang mga araw, araw ng dating ni George, umaga naman ang arrival nito kaya si Aldo at Rina lang ang susundo dito, bago mananghali ay nakabalik na sila sa mansion, paakyat naman si Cassie nang dumating sila, nakablouse at shorts lang ito
"Cassie" ani ni Rina "I would like you to meet George"
Lumapit si Cassie "Hi George" nakangiting ani ni Cassie
"Hi Cassie, you're really beautiful in person" ani ni George
"T-Thank you" ani ni Cassie "The kids are still in school"
"Yeah, it's okay, by the way, are you sure you just gave birth six months ago?"
"Yeah, why?"
"You look really good and sexy"
"Oh thank you"
"Ahm, George, I think we need to go to our room now" ani naman ni Rina
"Yeah okay"
"Aldo, magrerest lang kami ha?" ani ni Rina
"Sige, take a rest" ani ni Aldo, tinanguan naman ni Rina si Cassie at tumalikod na ang dalawa
Tumingin naman si Cassie kay Aldo "Akyat muna ako"
"Cassie wait"
"Bakit?"
"Magpalit ka mamayang lunch, magpants ka please"
"Ha?"
"Oo, baka sa sobrang paghanga sayo ni George magselos si Rina" ani ni Aldo sabay talikod sa kanya at dumiretso ito sa opisina. Kunot noong naupo si Aldo sa swivel chair niya "Mabubugbog ko pa tong si George eh, subukan lang niya" ani niya sa sarili
Oras ng tanghalian, nagpants nga si Cassie, tahimik lang si Cassie habang nagkukwentuhan sila, ang mga bata ay nakikinig lang din
"Ahm Cassie" ani ni George "Why are you so quiet?"
"Ha? Ahm, the truth is I'm not feeling well"
"Bakit?" ani naman ni Aldo kay Cassie
"Masakit ang ulo ko kanina pa" sagot ni Cassie, hinawakan naman siya sa leeg ni Aldo
"Mainit ka, ano bang nararamdaman mo bukod sa sakit ng ulo?"
Hindi naman napigilan ni Cassie ang maluha nang tanungin siya ni Aldo, ngayon niya lang ulit naramdaman na concern ito sa kanya "Yun lang"
"Shhh, okay ka na ba? Done ka nang kumain?"
"Oo"
"Ahh wait lang ah, ihahatid ko lang sa kwarto si Cassie" ani ni Aldo sa mga kasama at tumayo na sila, alalay naman niya ito habang naglalakad hanggang makarating sa taas "Dun ka muna sa kwarto ko, baka mahawa pa sila baby"
"Paano sila baby?"
"Kami na ang bahala kina baby, magpahinga ka na lang okay?" ani ni Aldo, tumango lang si Cassie, inihatid na niya ito sa kwarto niya at pinahiga, kumuha siya ng gamot at pinainom dito "Magpahinga ka, sabi ko sayo magsasabi ka pag may kailangan ka, kung hindi ka pa tinanong ni George"
"Sorry"
"Sige na okay na yun, magpahinga ka muna dito, ako na ang bahala" kinumutan niya pa si Cassie at hinalikan sa noo, parehas silang nagkagulatan, maya maya ay nagkatinginan silang dalawa "Sorry"
"Okay lang"
"Magrest kang maigi, wag ka nang masyadong mag-isip, sige na ipikit mo na ang mga mata mo" ganun nga ang ginawa ni Cassie, maya maya ay nakatulog na talaga siya, hindi naman umalis sa tabi niya si Aldo at nakatitig pa rin ito sa kanya "Mahal ko, miss na miss na kita, sana mapatawad mo na ako, ayokong mawala ka sa akin ng tuluyan" ani ni Aldo sabay halik ulit sa noo ni Cassie, ilang saglit lang ay lumabas na siya ng kwarto at pinuntahan naman ang mga anak kasama si Yaya Ruth
"Ruth, ikaw na muna ang bahala sa kanila, may sakit kasi si Ma'am Cassie mo"
"Sige po Sir"
"Mamaya papaakyatin ko si Daisy para matulungan ka"
"Okay po Sir"
Nakaupo naman ang mga anak sa kama at nakatingin sa kanya "Kamusta na ang mga bunso ko?"
"Dadadadadadadada" ani ng dalawa, natawa naman siya
"Ang dadaldal niyo ah, mana kayo sa Mommy niyo walang duda"
"Dadadadadadadada" ani ulit ng dalawa
"May sakit si Mommy, kaya si Daddy at mga Yaya muna ang bahala sa inyo hanggang gumaling si Mommy okay? Kiss naman si Daddy" ani pa niya, nilapit naman ng dalawa ang nguso sa kanya "Ang sarap naman ng kiss ng mga bunso ni Daddy" tapos ay tumingin kay Yaya Ruth "Sige na Ruth kumain ka muna, ako na muna ang bahala dito"
"Okay po Sir" sagot naman nito at saka lumabas ng kwarto, siya namang pasok nina Sam at Phil
"Daddy, si Mommy Cassie po?" ani ni Phil
"Kuya, nagrerest si Mommy, sick siya eh"
"Sige Daddy, kami muna ang mag-aalaga sa mga kapatid namin para makapagrest si Mommy, siguro tired na siya, niaalagaan niya sila baby tapos nihehelp niya pa kami sa mga assignments namin" ani naman ni Sam, napangiti naman si Aldo
"Ang babait ng mga panganay ko, sige pagtutulungan natin alagaan sila bunso para makapagrest at gumaling agad si Mommy Cassie okay?"
"Yes Daddy" nakangiting ani ng dalawa.