Part 18

956 Words
Kinahapunan, nagluto si Aldo ng chicken soup para kay Cassie, pag akyat niya sa taas ay gising na si Cassie, napatitig ito sa kanya, may dala kasi siyang tray "O kumain ka na, pinagluto kita ng chicken soup" nakangiting ani ni Aldo "Ikaw ang nagluto?" "Oo, ako, palagay mo naman sa akin" Ngumiti si Cassie "Salamat" "O kain ka, susubuan kita, nagsqueeze rin ako ng orange juice" "Ako na" "No, susubuan kita" ani ni Aldo, ganun nga ang ginawa ni Aldo, sinubuan niya si Cassie, sobrang saya ng puso nila, si Aldo kasi naaalagaan niya ulit si Cassie at si Cassie dahil ramdam niya ulit ang pagmamahal ni Aldo "Masarap" nakangiting ani ni Cassie "Salamat nagustuhan mo" "Busog na ako, ang dami ko nang nakain" "Hmm, ubusin mo na to please" "Ang laki kasi ng mangkok mo eh" "Sige na please" "Sige na nga" ani ni Cassie at muli siyang sinubuan ni Aldo, tapos ay pinainom ng juice "Ano? Okay ka na?" "Oo salamat" Hinaplos ni Aldo sa pisngi si Cassie "Hindi ka na masyadong mainit pero rest ka pa rin" "Okay po Doc" "Ah ganun?" nakatawang ani ni Aldo sabay tusok sa bewang ni Cassie "Ay wag!" nakatawa ring ani ni Cassie at pigil ang kamay ni Aldo "Sige na magrest ka na ulit" "Sila baby?" "Kami na ang bahala, marami kaming nag-aalaga sa baby natin" Hinawakan ni Cassie sa kamay si Aldo "Aldo, sorry ah, kung nagiging pabigat ako sayo ngayon" "Hindi ka pabigat, wag mong iisipin yun, ang payat mo paano ka magiging pabigat" Napangiti at nailing si Cassie "Ang corny ng joke" "Corny ba?" "Oo" nakangiting ani ni Cassie "Seriously, wag mo isipin yun, hindi ka pabigat kasi ma.." "Kasi?" "Kasi, ahm" tila litong ani ni Aldo "Kasi hindi naman talaga" saka ito tumayo "Magrest ka na ulit, ibababa ko lang tong mga to" saka lumabas ng kwarto "Ang tanga mo Aldo, torpe?" ani niya sa sarili saka iiling iling na bumaba Kinagabihan, pagkatapos nilang magdinner, kinuhanan ni Aldo si Cassie ng damit sa kwarto ng mga anak para makapagpalit ito "Cassie, kinuhanan kita ng pampalit mo, para makapagfreshen up ka na" "Salamat" ani ni Cassie, napatingin siya sa kinuha ni Aldo, nighties na may ternong shorts talaga ang kinuha nito, napansin naman siya ni Aldo "Bakit?" "Nighties talaga ang kinuha mo?" Napakamot ng ulo si Aldo "Hindi ba dapat, ikukuha na lang kita ng iba" "Hindi na, okay na to" ani ni Cassie sabay tayo at pumunta na siya sa banyo, kaso wala pala siyang sabon at towel, no choice siya, yung kay Aldo na lang ang ginamit niya, paglabas niya ay gamit niya rin ang towel nito na pinangtapis niya sa katawan, napatingin si Aldo sa kanya "Wala pala akong towel at sabon, kaya ito na lang ang ginamit ko, palabhan na lang natin" "Okay lang, walang problema dun" Naglakad na si Cassie sa may kama kung saan andun ang nighties niya, nakatingin naman si Aldo sa kanya kaya napatingin rin siya dito "Aldo, magbibihis sana ako" "Ah okay sige lalabas muna ako" "Pasensiya na" "Hindi, okay lang" ani ni Aldo saka ito lumabas, maya maya ay sumilip si Cassie sa may pinto pagkatapos niyang magbihis "Ahm, Aldo pwede ka nang pumasok" ani niya, nakita naman niyang papasok ang mga baby sa kwarto karga ng mga Yaya, tumulo ang luha niya dahil miss na miss na niya ang mga anak, nilapitan siya ni Aldo at pinapasok na sa loob ng kwarto at hinawakan sa pisngi "Pag okay ka na, maaalagaan mo ulit sila, kaya magpagaling ka agad" "Namimiss ko na sila Aldo" iyak na ani ni Cassie, niyakap naman siya ni Aldo "Ssshh, kaya nga magpagaling ka agad okay?" ani ni Aldo, tumango naman si Cassie, nagkatitigan silang dalawa, "I miss you" sabay tingin sa labi ng babae "I miss you too" bulong ni Cassie, bigla naman siyang hinalikan ni Aldo sa labi, tumulo ang luha niya, humiwalay si Aldo sa kanya at hinaplos sa pisngi "I love you, I love you so much" "I love you too" Naluha si Aldo sa narinig "Forgive me please, wala akong kasalanan, ikaw lang ang.." hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinalikan siya ni Cassie sa labi, hinapit naman niya ito sa bewang "Mahal na mahal pa rin kita Aldo" "Anong tawag mo sa akin?" Ngumiti si Cassie "Mahal ko" ani niya, binuhat siya ni Aldo at dinala sa kama saka hiniga, tinabihan naman siya nito at nagkumot na silang dalawa, pinaunan ni Aldo sa braso niya si Cassie "Magpahinga ka na Mahal ko" ani ni Aldo "Gusto mo talagang magpahinga na ako?" "Ayoko sana, pero ayoko namang mabinat ka" "Namiss mo ako?" "Sobra, as in sobrang miss na miss na kita, mahal na mahal kita Cassandra, lagi mong tatandaan yan ha?" "Oo Mahal ko, simula ngayon lagi na kitang paniniwalaan" "Hindi ko magagawang lokohin ka Mahal" "Kiss mo ako" Ngumiti si Aldo "Ayoko" "Bakit?" "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, baka mabinat ka" "Pag magaling na ako ikikiss mo na ako ulit?" ani ni Cassie "Hindi lang kiss ang gagawin ko sayo" "Talaga?" "Wag kang masyadong maexcite Mahal, magpahinga ka" natatawang ani ni Aldo sabay yakap ng mahigpit kay Cassie "Goodnight, I love you" "Goodnight Mahal ko, I love you so much" ani ni Aldo saka dinampian ng halik sa labi si Cassie "Pag gumaling ka, ihanda mo ang sarili mo, dahil hindi tayo matutulog" "Promise?" nakangiting ani ni Cassie "Naeexcite ka nanaman, sige na seryoso na, gusto ko na magpahinga ka para gumaling ka na" "Okay" ani ni Cassie saka ito pumikit habang nakayakap rin kay Aldo, hinalikan naman ni Aldo si Cassie sa noo at niyakap ito ng mahigpit, pinunasan niya ang luha tumulo dahil sa sobrang saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD