Part 9

1000 Words
Nakarating na sa Starbucks sina Randy at Cassie, duon na nagkwento si Cassie kay Randy "Ikaw ba naniniwala na wala lang yun?" ani ni Cassie "Sa totoo lang, hindi ko alam eh, hindi ka naman siguro lolokohin ni Boss Aldo" "Pero bakit sila magkayakap?" "Baka naman may problema lang si Natalie, baka kinocomfort lang siya ni Boss" "Wala ba siyang ibang kaibigan at kailangan si Aldo pa ang magcomfort sa kanya?" "Wag ka na masyadong mag-isip Cassie, mas mabuti pa paniwalaan mo na lang si Boss" "Ewan ko Randy" ani ni Cassie, hinawakan naman ni Randy ang kamay niya at tinitigan siya "Kapag talagang niloko ka ni Boss Aldo, andito lang ako ha? Pwede mo akong lapitan" Ngumiti naman si Cassie "Maraming Salamat" nang may biglang lumapit sa kanila at hinawakan si Cassie sa braso patayo "Umuwi na tayo" ani ni Aldo "Boss, nasasaktan siya" ani ni Randy "So you think kaya ko talaga siyang saktan?" "Oo, ngayon pa lang sinasaktan mo na siya, at saka wala kaming ginagawang masama para magreact ka ng ganyan" "Wag kang makialam sa away mag-asawa" ani ulit ni Aldo sabay hatak kay Cassie palabas at pinasakay na ito ng kotse, saka pinaandar ni Aldo ang kotse "Sinusundan mo ba ako?" ani ni Cassie "Oo sinundan kita kasi nag-aalala ako sayo, kanina ko pa kayo tinitingnan, at mukhang wala akong dapat ipag-alala, mukhang okay na okay ka naman" "Wala kaming ginagawang masama" "Wala rin akong ginagawang masama, pero kailangan talaga sumama ka kay Randy?" "Eh ano naman kung sumama ako sa kanya? Asawa ba kita?" "Ah ganun? Ibang klase ka rin ano?" ani ni Aldo, niliko nito ang kotse at nagpunta sila sa condo, hatak hatak pa rin ni Aldo si Cassie dahil ayaw nitong sumama sa kanya "Pwede ba Aldo? Bakit tayo nagpunta dito?" "Para mag-usap, ayokong malaman ng mga bata na nag-aaway tayong dalawa" Hindi naman kumibo si Cassie at naupo na lamang sa sofa, hindi rin kumibo si Aldo, panay ang hinga niya ng malalim bago nagsalita muli "Okay, about Natalie, nagpunta siya sa opisina dahil tinatanong niya ako kung bakit hindi siya ang minahal ko, bakit ikaw sa dinami dami ng tao sa mundo, I told her na siguro we are not meant for each other, umiyak siya, naawa ako kaya inalo ko siya, yun lang yun" "Ibang klase, napakabait mo naman sa kanya, eto ah, nung nasa convention ka nakita niya rin ako sa mall nung namimili ako ng pang decoration sa kwarto ng mga anak ko, ang sabi niya magsisisi ako dahil binalikan kita, may iba ka raw na ugali" "Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" "Binalewala ko yun dahil alam ko naman na hindi ka ganun, hindi ko na lang siya pinansin, alam ko naman na hindi mo ako magagawang saktan pero... " iyak na ani ni Cassie, nilapitan siya ni Aldo saka siya niyakap "I'm so sorry Mahal, nabigla lang ako kanina sa coffee shop, mahal na mahal kita" sabay halik sa noo ni Cassie "Aldo, pwede ba akong makiusap?" "Ano yun?" "Wag ka nang lalapit kay Natalie, she likes you at gusto ka niyang agawin sa akin" "Wag ka na ring lalapit kay Randy" "Kaibigan ko si Randy and he doesn't like me, magkaiba sila ni Natalie, nagseselos ka lang kay Randy dahil gusto ko siya dati, pero hindi mo siya karibal, mahal kita" Hinawakan ni Aldo si Cassie sa magkabilang pisngi at hinalikan ito sa labi pababa sa leeg, tila nadadala na rin si Cassie sa ginagawa ni Aldo "Mahal na mahal kita" ani ni Aldo habang halik halik si Cassie sa may leeg at kapa ang langit nito "Mahal sandali" ani ni Cassie, huminto si Aldo sa ginagawa "Mahal, malaki na kasi ang tiyan ko, sorry" Ngumiti si Aldo "I understand" napayuko si Cassie at kita niyang bumukol ang harapan ni Aldo, napangiti siya at hinaplos yun "Sorry Baby Aldo" Natawa si Aldo "Ang salbahe naman nitong Mommy ko" sabay halik ulit sa labi ni Cassie "Bati na tayo ha?" "Sige bati na tayo" "Promise, para sayo hindi ko na lalapitan si Natalie" "Promise ha?" habang haplos pa rin ang harapan ni Aldo "Oo naman, pero ayaw mong tanggalin ang kamay mo dyan, lalo mo akong pinahihirapan, matagal pa ipagtitiis ko" "Hmm, pagbibigyan kita" sabay halik sa labi ni Aldo "Pero mag excuse ka kay Kambal, at saka last na to" "I love you asawa ko" "I love you too asawa ko" "Wag mo na ulit sasabihing hindi kita asawa, dahil sa puso ko, ikaw ang asawa ko" Tumulo ang luha ni Cassie "Sige asawa ko" ani ni Cassie, binuhat siya ni Aldo papuntang kwarto at pinagbigyan nila ang gusto nilang mangyari sa pagitan nila. Habang nag-aayos na sila ay muling niyakap ni Aldo si Cassie at hinalikan ito sa balikat "Uwi na tayo, magdala tayo ng food, icelebrate natin yung gender reveal ni dalawang piso" "Alam mo, ang saya ko kasi boy and girl ang magiging baby natin" "Oo nga, ang galing ko noh?" Natawa si Cassie "Ang yabang mo nanaman" "Seryoso ko, may aaminin ako sayo" ani ni Aldo habang titig na titig sa mata ni Cassie "Ano yun?" "Mahal kita, mahal na mahal kita, mas mahal pa kita kesa minahal ko si Rina nuon, kaya nasasaktan ako pag nararamdaman kong wala kang tiwala sa akin" Hinaplos ni Cassie sa pisngi si Aldo "Mahal rin kita, ikaw lang ang lalaking minahal ko, not even Randy, ikaw lang Aldo Dela Costa" Niyakap ni Aldo nang mahigpit si Cassie, maya maya ay umalis na sila at bumili muna ng pizza at lasagna, pag uwi nila ay nagtakbuhan ang kambal sa kanila "Mommy, Daddy" "Sus, ang mga anak ko, may dala kaming merienda" ani ni Aldo "Mommy bakit ka umalis ka kanina?" ani ni Sam "Ha? Ahm, kasi pupuntahan ko sana yung friend ko kaso wala pala siya" "Mommy nakaisip na kami ng name nila dalawang piso" ani naman ni Phil "Ah talaga?" nakangiting ani ni Cassie, pati si Aldo ay napangiti sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD