Lumipas pa ang mga araw, after one week of vacation ay bumalik na sa Davao sina Tita Melba at Tito Mario, araw rin ng ultrasound ni Cassie para malaman kung anong gender ng baby nila, napagkasunduan nila ni Aldo na sila na lang nila Sam at Phil ang pupunta sa opisina at sabay sabay silang pupunta sa ospital, kaya pagkatapos ng klase ng mga bata ay sinundo na ito ni Cassie kasama si Mang Nestor, binibihisan naman ni Cassie ang mga bata habang nasa sasakyan sila
"Mommy ngayon na natin malalaman kung boy or girl sila dalawang piso?" ani ni Sam
"Opo Ate, excited ka na?"
"Opo Mommy"
"Sana boy para may kalaro ako" ani naman ni Phil
"Sana girl" sagot naman ni Sam
"Boy!"
"Girl!"
"Ops, tama na yan, mamaya malalaman natin, at kahit ano pang gender nila kapatid niyo pa rin sila at pwede pa rin kayong maglaro ng sama sama"
"Okay po" ani naman ng dalawa
Sa opisina naman ni Aldo, may dumating siyang hindi inaasahang bisita, si Natalie
"Hi Aldo"
"O Hi Natalie, napadalaw ka"
"Wala lang, namiss kasi kita eh"
Kiming ngumiti si Aldo "Natalie, you know naman na Cassie and I are.."
"I know, at hindi ko maintindihan kung bakit, of all the people why Cassie? Why not me? Mas matagal tayong magkakilala kesa sa kanya"
"Wala naman yun sa ganun Natalie, maaaring mas matagal na tayong magkakilala but I love her"
"Bakit ba hindi mo ako natutunang mahalin Aldo?" maluha luhang ani ni Natalie, napalunok si Aldo at tumayo saka lumapit kay Natalie, magkatapat na sila ngayon na nakatayo sa tapat ng table ni Aldo
"I'm so sorry Natalie, maybe we are not meant for each other"
"No Aldo, I know we are meant to be together forever"
"Natalie, just accept it"
Biglang yumakap si Natalie sa kanya "No Aldo please", iyak na ani ni Natalie, naawa naman si Aldo at hinimas ito sa likod nang:
"Daddy!" ani ng kambal, napatingin si Aldo sa may pinto, kitang kita niya ang pagkabigla sa mukha ni Cassie, napalunok si Aldo at nanlaki ang mga mata
"M-Mahal, andito na pala kayo" sabay hiwalay kay Natalie
"Tita Natalie, why are you here?" ani ni Sam
"Nothing Baby, I just visited your Dad"
"Why are you crying?"
"O, no I'm not crying, by the way I have to go now" ani ni Natalie, pag daan niya sa tapat ni Cassie ay nagkatitigan ang dalawa, inirapan naman ni Natalie si Cassie bago tuluyang umalis, lumapit naman si Aldo sa mga bagong dating, hinalikan nito ang mga anak, nang hahalikan na niya si Cassie ay umiwas ito
"Ahm, lika na, alis na tayo?"
Habang nasa biyahe ay walang kibo si Cassie, hinawakan ni Aldo ang kamay niya habang nagdadrive pero pasimple itong binawi ni Cassie, maya maya ay nakarating na sila sa ospital at nagsimula na ang ultrasound
"Misis, Baby Girl po yung isa"
"Yehey Baby Girl" ani ni Sam
"Baby Boy po ang isa, nakakatuwa naman, tulad po ng panganay niyo"
"Tulad natin?" ani ni Phil kay Sam "Boy and Girl"
"Oo Phil, parehas tayong may kalaro" ani naman ni Sam, tumulo naman ang luha ni Cassie sa nalaman
"Mahal, natupad ang wish natin" ani ni Aldo, hindi kumibo si Cassie at tumango lang, hindi na lamang nagsalita si Aldo
Maya maya ay umalis na sila, hindi pa rin kumikibo si Cassie, at alam na alam ni Aldo ang dahilan, pag dating sa bahay ay nagpunta sa kwarto si Cassie, sinundan naman siya ni Aldo at nilock ang pinto
"Mahal" ani ni Aldo, pero hindi pa rin kumikibo si Cassie habang nakaupo sa gilid ng kama, tinabihan ito ni Aldo at iniharap sa kanya ang babae, dun niya lang nakita na umiiyak ito, niyakap niya si Cassie pero dali dali rin itong humiwalay sa kanya "Mahal, please listen to me, yung nakita mo wala lang yun"
"Wala? Bakit andun siya sa opisina mo?"
"Wala, nangungumusta lang?"
"Nangungumusta? Kailangan may yakapan at iyakan?"
"Mahal wala nga lang yun, please maniwala ka naman sa akin"
"Hindi ko alam Aldo"
"Eto nanaman tayo" ani ni Aldo sabay tayo "Ganyan ka rin kay Rina nuon, hindi mo rin ako pinaniwalaan at nilayasan mo ako, ano bang mali ko at hindi buo ang tiwala sa akin ha?"
"Dahil may nakikita ako at hindi mo ako masisisi"
"Wala nga lang yun"
"Kahit sino ang makakita sa inyo hindi maniniwala na wala lang yun"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, lagi na lang ba ganito Cassandra?"
"Hindi ko alam Aldo" ani ni Cassie, tumayo ito at kinuha ang bag niya saka pumunta sa may pinto
"Saan ka pupunta?" ani ni Aldo pero hindi sumagot si Cassie at lumabas na ng kwarto, dirediretso itong lumabas ng mansion, napasuntok naman si Aldo sa palad niya.
Nagpunta si Cassie sa bahay nina Marj pero wala ang kaibigan duon, paalis na siya nang makita siya ni Randy
"Cassie" tawag nito sa kanya, tumawid si Randy at lumapit sa kanya "Kamusta?"
"O-okay naman, wala pala sila Marj"
"Oo namasyal siguro"
"Ikaw? Mukha kang aakyat ng ligaw ah" biro ni Cassie kay Randy
"Ay sobra, hindi noh, at saka wala na yung gusto kong ligawan may iba na"
"May iba na si Brenda?"
"Hmm, oo may boyfriend nang iba"
"Teka, balita ko nagresign ka na raw, saan ka na ngayon?"
"Sa isang advertising company"
"Kaya ka ba nagresign dahil kay Brenda?"
"O-Oo"
"Mahal mo talaga siya noh?"
"Minahal ko talaga siya, pero hindi siguro kami para sa isat isa"
"Siguro nga, sabagay pag mahal natin gusto natin siya na, kaya lang hindi naman laging ganun"
"Teka, mukhang may problema si Cassandra ah"
"W-Wala ah"
"Kwentuhan muna tayo, sa Starbucks, ako ang taya"
"Libre mo?"
"Ako nga taya diba?"
"Wow ah"
"Ano? Kwentuhan mo ako, para makagaan din sa pakiramdam mo"
Ngumiti si Cassie "Sige"
"Lika na" ani ni Randy, nagpunta na sila sa may kanto at sumakay sa jeep, magkatabi sila ng upuan
"Medyo halata na ang tiyan mo ah"
"Anong medyo? Halata na talaga"
"Oo nga eh"
"Kambal ang baby ko"
"Wow, hindi nga?"
"Oo Kambal, boy and girl"
"Wow Congrats"
"Salamat" nakangiting ani ni Cassie, pero bigla rin siyang nalungkot ulit, naalala nanaman niya ang nakita kanina.