Tinawagan nga ni Cassie ang Tita Melba niya, pumayag naman ito, lumipas pa ang ilang araw at sinundo na nila ang mag-asawa sa airport kasama ang mga bata, niyakap agad ni Cassie si Tita Melba nang makita nila ito
"Kamusta na Cassie?"
"Okay naman po ako Tita"
"Malaki na yan ah" nakangiting ani nito na ang tinutukoy ay ang tiyan ni Cassie
"Oo nga po, 5 months na po, going on 6 months, kambal po"
"Talaga? Nakakatuwa naman"
"Ahm Tita, si Aldo po pala"
"Hello po Tita" ani ni Aldo sabay mano dito
"Kamusta Aldo?"
"Mabuti naman po, ah Tita, ang mga anak ko po pala, sina Sam at Phil"
"Hello po GrandMa Melba" ani ng kambal sabay mano
"Ang kucute naman, pakiss naman ako" kiniss naman siya sa pisngi ng kambal
"Ahm, eto pala ang asawa ko, si Mario" pakilala naman ni Tita Melba
"Hello po Tito Mario" ani ni Cassie sabay mano dito, nagmano rin sina Aldo at ang kambal
"Kamusta kayo?" nakangiting ani ni Mario
"Mabuti naman po Tito" ani ni Aldo "Ahm, mabuti pa po umuwi na tayo sa bahay, nakapagluto na po sila ng lunch"
"Sige salamat" ani ni Tita Melba
Maya maya ay nasa mansion na sila at sabay sabay silang nanananghalian at nagkukwentuhan
"GrandMa Melba, dito po muna kayo ha?" ani ni Phil
"Hmm, gusto mo andito si GrandMa?"
"Opo"
"Ang cute ng mga apo ko, nakakagigil"
"Naku Tita, matatalino yang mga yan" ani ni Cassie
"Mukha naman, bibang biba at bibong bibo ang mga batang to eh"
"Tita, after nating kumain pwede kayong magpahinga sa guest room, andun na rin ang mga gamit niyo, bukas na rin po ang aircon"
"Ay nakakahiya naman"
"Naku Tita" ani ni Aldo "Mamaya po mag night swimming tayo tapos po mag ihaw ihaw tayo"
"Yehey!" ani ni kambal
"Ay hindi po kayo kasali" nakangiting ni Aldo
"Daddy naman eh" ani ng kambal
"O basta magsleep kayo mamaya after lunch okay?"
"Yes Daddy, lagi po kaming nag-isleep" ani ni Sam
Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na ng mga Yaya ang kambal sa mga kwarto nito, si Cassie naman ay sinamahan si Tita Melba sa guest room habang nagkukwentuhan pa sina Aldo at Tito Mario
"Mukhang masaya ang Cassandra ko ah" ani ni Tita Melba
"Oo naman Tita, andito ka eh, namiss kaya kita, siguro hindi mo ako namiss porket may lovelife ka na hindi mo ako namiss"
"Alam mo, wala ka pa ring pagbabago, napakadaldal mo pa rin"
Tumawa si Cassie at yumakap sa Tita niya "Masaya ako Tita"
"Deserve mo naman yan Cassie, kahit makulit ka mabait ka namang bata, eh kailan ba ang kasal?"
"Kapag naayos na po ang annulment nila ni Rina"
"Nakita mo na ba ang dating asawa ni Aldo?"
"Opo Tita, nagkita na po kami, actually sa akin po siya tumatawag kapag gusto niya makausap ang mga bata"
"Okay ba kayo?"
"Okay naman po Tita, at saka may boyfriend na rin po si Rina"
"Ahh mabuti naman, basta eto lang ang masasabi ko sayo Cassandra, pag inagbrayado ka ni Aldo, tawagan mo ako, kami ng Tito Mario mo"
Ngumiti si Cassie "Opo Tita" naalala niya kasi na talagang muntik na niyang tawagan ang Tita niya nuon nung una silang nagkaproblema ni Aldo, pero hindi natuloy at kay Marj siya napunta "Tita, magpahinga po muna kayo, mamaya magsuswimming daw po tayo"
"Oo nga raw"
"Pasusunurin ko na po si Tito Mario dito"
"O siya sige, magpapahinga muna kami"
"Sige Tita see you later" ani niya sa Tita sabay labas ng kwarto, nilapitan naman niya si Aldo at Tito Mario sa sala
"Tito, nasa kwarto na po si Tita"
"Ah ganun ba? Paano Aldo mamaya na ulit tayo magkwentuhan"
"Sige po Tito, magpahinga po muna kayo" ani naman ni Aldo, tumango naman si Tito Mario kay Cassie at nagpunta sa guest room
"O ikaw Mahal? Magpahinga ka muna" ani ni Cassie
"Oo pero imamarinate ko muna yung iihawin mamaya"
"Ikaw magmamarinate?"
"Oo bakit?"
"Marunong ka?"
"Oo naman, palagay mo sa akin?"
"O sige Mahal, sumunod ka na lang sa kwarto"
"O sige Mahal, magpahinga muna kayo ni dalawang piso"
Lumipas ang mga oras, nagsimula nang mag-ihaw sina Aldo at Tito Mario habang umiinom ng beer, si Cassie at Tita Melba naman ay naghihiwa ng prutas habang ang kambal ay nagsuswimming na
"Mommy" ani ni Sam
"O bakit?"
"Swim na tayo nila GrandMa"
"Later Ate, susunod kami"
"Malapit talaga sila sayo noh?"
"Naku Tita, dati nung hindi pa kami ni Aldo, sa tabi ko sila natutulog"
"Talaga?"
"Dati pa, nag-uumpisa pa lang ako, gusto na nila ako tawaging Mommy, pero talagang napamahal na sila sa akin una pa lang, malalambing naman kasi at saka kahit anak mayaman, marunong naman silang sumunod"
"Paano ba kayo naging kayo ni Aldo?"
Napangiti si Cassie "Basta Tita, personal, at yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko sa ngayon"
"Akalain mo yun, nagkagusto ang boss mo sayo, iba talaga ang ganda ng lahi natin"
"Siyempre naman Tita, tayo pa ba?" ani ni Cassie at sabay silang nagtawanan.
Maya maya ay sabay-sabay na silang lumusong sa pool, nasa gilid pa rin si Cassie nang lapitan siya ni Aldo at yakapin
"Mahal ko" ani ni Aldo "Happy ang Mommy ko?"
"Oo, thank you Baby Aldo ko" ani ni Cassie sabay halik sa labi ni Aldo
"Ang sarap naman ng kiss ng Mahal ko"
"Mahal, pag nagpa ultrasound ba ulit ako sasamahan mo ako?"
"Oo naman, sasamahan ka namin nila Ate at Kuya"
"Malalaman na natin ang gender ni dalawang piso nun"
"Oo nga, excited na ako"
"Ako rin" sabay pisil sa pisngi ni Cassie at yakap ulit dito "Masaya ako kasi masaya ang Mahal ko"
"Mahal na mahal kita Boss Aldo"
"Mahal na mahal rin kita" sabay halik sa pisngi ni Cassie, naglapitan naman ang kambal para yayain sila sa gitna ng pool, inalalayan naman ni Aldo si Cassie, tuwang tuwa silang lahat.