Part 6

1122 Words
Kinabukasan, tinawagan ni Aldo si Cassie after lunch "Mahal ko" ani ni Cassie "Mahal, hanggang 7pm pa raw ang convention, pero uuwi ako ah" "Sige Mahal ko, aantayin kita" "Miss na kita" "Namiss na rin kita" "Ang kambal dun mo na sa kwarto nila patulugin ha?" "Oo Mahal ko" "O siya sige na, papasok na kami sa loob, I love you" "I love you too Mahal, bye" "Bye" Lumipas pa ang mga oras, gabi na, nagtext si Aldo mga bandang 7:30 at sinabing paalis na siya ng hotel, pinahiga naman ni Cassie ang kambal at pinatulog na, mga bandang 10pm bumaba si Cassie at nasalubong si Manang Rosa "O Cassie, gabi na, bat hindi ka pa matulog?" "Inaantay ko po si Aldo" "Ah, ako na lang" "Manang, kayo na po ang matulog, okay lang po ako" "Samahan na kita, dun na tayo sa kitchen, timplahan kita ng gatas mo" "Ay oo nga po pala" "Naku naman, wag mong kakalimutan ang gatas mo, kailangan mo yan at ng baby mo" "Opo Manang" "Lika na" ani ni Manang, at nagpunta na sila sa Kitchen, nagtimpla naman si Manang ng kape para sa kanya, nagkwentuhan sila habang inaantay si Aldo, mga bandang 11:30pm nakarinig sila ng sasakyan sa labas, nagpunta na sila sa may sala at lumabas, napangiti si Cassie nang makita si Aldo na papasok na sa loob dala ang bag niya "Mahal" ani ni Aldo, binitawan nito ang bag at niyakap si Cassie "Gutom ka ba?" "Hindi Mahal, kumain naman kami bago kami pinauwi" "O Aldo, akyat ko na ang bag mo" ani ni Manang "Wag na Manang, ako na po" "O siya sige, matutulog na ako" "Sige po Manang" ani ni Aldo "Sige po Manang, salamat, goodnight" ani ni Cassie "Sige goodnight" at tumalikod na si Manang "Lika na Mahal, akyat na tayo, para makapagrest ka na" ani ni Cassie "Sige Mahal" ani ni Aldo, binitbit niya ang bag niya at inakbayan si Cassie saka umakyat sa taas "Mahal, kamusta ang convention?" ani ni Cassie nang makahiga na sila "Okay naman Mahal, bukas tanghali na siguro ako papasok, magpapahinga muna ako" "Eh wag ka nang pumasok para makapahinga ka Mahal" "Hmm, sige basta dito ka lang sa tabi ko" ani ni Aldo sabay yakap kay Cassie at halik sa pisngi nito "Sige, aalagaan ko ang Baby Aldo ko" "Dede ako Mommy" "Naku ah" natatawang ani ni Cassie "Sabi mo Baby mo ako, anong klaseng mommy ka, ayaw mo padedehin ang baby mo" "Ang pilyo" ani ni Cassie sabay pisil sa ilong ni Aldo, niyakap naman lalo ni Aldo si Cassie, nagkwentuhan pa sila tungkol sa nangyari sa convention, maya maya ay tulog na sila parehas Kinabukasan nasa baba na ang kambal para mag-almusal, nakaschool uniform na rin ang mga ito "Yaya Daisy si Mommy po?" ani ni Sam "Baka tulog pa sila Sam" "Bakit po tulog pa?" Siya namang labas ni Manang Rosa "Inantay kasi ni Mommy niyo si Daddy niyo kagabi" ani ni Manang "Andyan na po si Daddy?" ani ni Phil "Oo, kaya lang baka puyat si Daddy at pagod kaya hindi pa sila bumababa ni Mommy" "Mamaya pag uwi namin gising na po sila?" "Oo naman" nakangiting ani ni Manang "O dali na at baka malate kayo sa school niyo" "Manang what's our baon?" ani ni Sam "Chicken Sandwich, apple and juice" "Wow Chicken Sandwich" "Opo, si Mommy Cassie niyo ang gumawa ng Chicken Spread" "May cheese po?" "Opo meron, nilagyan rin niya" "Yehey" ani ni kambal "O dali na kain na ng kain" "Yes Manang thank you" ani ng dalawa Maya maya ay umalis na ang kambal para pumasok sa school, siya rin namang baba nina Cassie at Aldo "O Aldo" ani ni Manang "Hindi ka papasok sa opisina?" "Magpahinga raw po muna ako sabi ng Mommy ko" nakangiting ani ni Aldo "Oo nga naman tama naman talaga ang mommy mo" nakangiting ani ni Manang "O teka, pahahainan ko kayo ng almusal" "Ah Manang wag na, naglilihi nanaman ang mommy ko, gusto raw po kumain ng Jollibee" "Binuking mo pa ako" ani ni Cassie "O tama, pagbigyan mo yan si buntis, buti nga hindi naghahanap ng weirdong pagkain yan" "Hindi nga siya naghahanap Manang, pero may weirdo namang ginagawa" ani ni Aldo, kinurot tuloy siya ni Cassie sa tagiliran "Aray!" "Daldal mo pa, naiinis na ako" Niyakap naman ni Aldo si Cassie at hinalikan sa noo "O siya sige, alis po muna kami, pakakainin ko lang tong si buntis" "O siya sige" natatawang ani ni Manang Ilang saglit lang ay bumabiyahe na sila papunta sa Jollibee, meron naman nito sa labas ng village, pagdating dun ay naupo na si Cassie at si Aldo ang umorder, maya maya ay andyan na si Aldo, kinuha agad ni Cassie ang jolly hotdog at nilagyan ng hot sauce, nilagyan niya pa ng fries sa ibabaw saka kinagat, napapapikit pa ito habang kumakagat "Sarap Mahal?" ani ni Aldo "Oo Mahal, masarap" "O dalawa yang binili ko sayo ah, may peach mango pie pa" "Uubusin ko yan, pero wag mo naman ako ichismis" Natawa si Aldo "Kanino naman kita ichichismis Mahal?" "Kay Manang, nakakahiya kasi" "Ano ka ba? Para na nating Nanay yung si Manang, nahihiya ka pa, at saka okay lang yun, naiintindihan nun ang sitwasyon mo" "Hm? Paano?" "Alam mo yang si Manang, dati nasa amin na yan, bata pa ako, sumama yan sa boyfriend niya para makipag live in, nabuntis si Manang, siguro two months pa lang ata yun, nalaman niya nagloloko yung lalaki, sa sobrang sama ng loob, nakunan, ayun nakarating kina Papa at Mama kaya kinuha nila ulit si Manang, yun hindi na ulit nagkalove life si Manang" "Ganun?" "Oo, at saka mula nung mawala sina Mama at Papa, si Manang na halos ang nagpalaki sa akin, wala kasi kaming ibang kamag anak, meron isa, kapatid ni Papa, pero nasa Davao yun, walang pakialam yun, si Uncle Levi, happy go lucky, at wala na rin akong balita sa kanya" "So si Manang talaga ang nakasama mo?" "Oo, kasi nawala sila Mama at Papa, 12 pa lang ako nun, ang naghahandle ng savings ko yung abogado, si Tito Bernard, tapos nung nag 21 na ako, ibinigay na sa akin lahat, naging ninong pa nga namin si Tito Bernard nuon sa kasal, kaya lang two years ago inatake si Tito, wala na siya" "Ang bata mo rin palang naulila, ako naman si Tita Melba na ang nagtaguyod sa akin nung maulila ako" "Hmm, Mahal, tawagan mo kaya si Tita Melba para makabakasyon naman sila ni Tito Mario sa atin" "Okay lang sayo?" "Oo naman, para makilala ko rin sila" "Sige Mahal, sasabihin ko kay Tita" nakangiting ani ni Cassie, mamaya ay tatawagan niya agad ang tiyahin para imbitahin ito sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD