Part 5

1034 Words
Lumipas pa ang mga araw, weekend nanaman, nag aayos naman si Cassie ng mga gamit ni Aldo na dadalhin nito sa convention "Mahal, wag mo akong mamimiss ha?" ani ni Aldo saka niyakap si Cassie "Mamimiss kita eh" "Wag nga" "Bakit ikaw hindi mo ako mamimiss?" "Mamimiss kita ng sobra, pero ayokong mamiss mo ako kasi baka malungkot ka, at saka dito mo na patulungin ang kambal para may kasama ka" malungkot naman na tumango si Cassie "Alam mo Mahal kung pwede ko lang kayong isama, isasama ko kayo" "Hmm, okay lang Mahal ko, wag kang mag-alala sa amin ng mga bata" Hinawakan ni Aldo sa magkabilang pisngi si Cassie "Pag nagkaproblema itawag mo agad sa akin ah?" "Oo, at saka ikaw rin, mag-iingat ka ha?" "Oo naman" "Baka makakita ka dun ng maganda at sexy" "Naku, alam mo Mahal, hindi ako tumitingin sa panlabas, kung maganda at sexy ang gusto ko, eh di sana si Brenda matagal ko nang tinalo" "So hindi ako maganda at sexy" "No" "Ha?" "I mean, hindi yun ang una kong nagustuhan sayo, bonus na lang yun" Lumabi si Cassie, hinalikan naman siya sa pisngi ni Aldo at niyakap "Umayos ka" ani ni Cassie "Sus ang misis kong matampuhin, yan ang mamimiss ko sayo eh" "Siguro ang pangit ko na sa paningin mo, mukha na akong butete" "Mahal, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa akin" "Promise?" "Yes, of course" Ngumiti si Cassie "Kiss mo ako" at saka ngumuso, napangiti si Aldo at hinalikan sa labi si Cassie, matagal at halos ayaw na nilang maghiwalay, niyakap ni Aldo ng mahigpit si Cassie "I love you so much, I can't wait to marry you and call you my Mrs. Dela Costa" "Magiging Mrs. Dela Costa pa ba ako?" "Yes, of course, you will be my Mrs. Dela Costa" "Mahal na mahal kita" "Mahal na mahal rin kita" ani ni Aldo Lumipas pa ang mga oras, nagsuswimming ang kambal nang lapitan ito ni Cassie "Kids, lika na, sobrang init na" "Yes Mommy" ani ng dalawa at umahon na, pinunasan na ito ng mga Yaya at binihisan na "Mommy, can we go to the mall?" ani ni Sam "Sige na po Mommy" ani naman ni Phil "Okay, after your siesta, pupunta tayo sa mall" "Yehey thank you" ani ng dalawa sabay yakap sa kanya "O lika na maglunch na tayo, after lunch, siesta then papasyal ko ang Ate at Kuya namin" Nananghalian na nga sila, at pinagsiesta muna ang mga bata, pagkagising ng mga ito at ipinasyal na ni Cassie ang mga bata kasama si Yaya Daisy at Mang Nestor, iniwanan na lang niya ng pera si Mang Nestor para may pangkain ito, naglaro ang mga bata sa Kidzoona kasama si Yaya Daisy, si Cassie naman ay nagpunta muna sa Dept. Store para tumingin ng pang decorate sa baby room ng mga anak niya Habang nag iikot ay may lumapit sa kanya "Oh well, Hi" ani ni Natalie, nilingon ito ni Cassie "Hi Natalie" "Mukhang malaki na ang tiyan mo ah" "5 months na kasi and twins rin kasi" "Wow, doble pala ang hawak mo kay Aldo" "Alam mo Natalie ayoko ng gulo" "Bakit Cassie? May nanggugulo ba?" "Ikaw, bakit kailangan mo pa akong lapitan?" "Para balaan ka" "Balaan?" "Balaan ka na hindi magtatagal si Aldo sayo, hindi mo pa siya ganun kakilala, hindi ka pa ba natuto kay Rina? After manganak at lumaki ng kaunti ang mga bata ay iniwan niya ang mga ito, it's because of Aldo, iba ang ugali ni Aldo, okay siya ngayon because you are pregnant, pero pagkapanganak mo, makikilala mo kung sino talaga siya" "So, sinisiraan mo si Aldo sa akin?" "Hindi paninira yun Cassie, nagsasabi lang ako ng totoo, nasa iyo yun" ani ni Natalie sabay talikod, iiling iling naman si Cassie, binayaran na niya ang pinamili at binalikan na ang kambal, after nilang kumain ay umuwi na sila, alas nuwebe nasa bahay na sila, umakyat na ang mga bata sa taas, si Cassie naman ay pumunta sa kusina para uminom "O kakain ba kayo?" ani ni Manang "Hindi na po Manang tapos na po kaming kumain" ani ni Cassie "O bakit parang malalim ang iniisip mo?" "Manang, nakita ko si Natalie sa Mall kanina, may sinabi siya tungkol kay Aldo" "Ano naman yun?" "May ibang ugali raw si Aldo kaya iniwan ni Rina" Napangiti si Manang Rosa "Hindi yun totoo, mabait na tao si Aldo, kahit itanong mo kay Rina, desisyon niya ang iwan ang pamilya niya, diba nga gusto niyang balikan ang mga ito? Alam mo yun diba? Alam mo Cassie, naninira lang si Natalie dahil matagal na niyang gusto si Aldo" "Sabagay nga po Manang, hindi naman po siguro nananakit si Aldo" "No, kahit kailan hindi niya pinagbuhatan ng kamay si Rina nuon, gusto mo kayo ni Rina ang mag-usap" "Wag na po, nakakahiya po" "Ako na halos ang nagpalaki kay Aldo, kaya alam kong mabuting tao siya" Ngumiti si Cassie "Sige po Manang, akyat na rin po ako" "O sige magpahinga ka na" ani ni Manang, at tumalikod na si Cassie Pagkaakyat sa kwarto nila ni Aldo ay nagfreshen up na si Cassie, tulog na ang mga bata sa kama, nagbibihis na siya nang magring ang phone niya, si Aldo "Hi Mahal" ani ni Cassie "O nagising ba kita Mahal?" "Hindi Mahal, kamusta?" "Eto, katatapos lang ng convention, Kayo? Kamusta kayo?" "Pinasyal ko ang mga bata sa mall, nagrequest kasi, kasama si Yaya Daisy, kakauwi lang namin, ang traffic kasi, saka past 4pm na kami nakaalis" "Ahh okay, asan ang kambal?" "Tulog na" "Sa kwarto natin?" "Oo, sa kwarto natin" "Mabuti, o siya Mahal, maaga ulit kami bukas eh, pero uuwi na rin ako bukas kaya lang baka madaling araw na ako makarating, depende kung anong oras matatapos ang convention" "O sige Mahal, magpahinga ka na" "Ikaw rin magpahinga ka na, si dalawang piso sigurado pagod na rin sila" "Oo nga eh, nagwawala na sila" natatawang ani ni Cassie "I love you Mahal ko, goodnight" "I love you too Mahal ko, goodnight" "Bye, see you tomorrow" "Bye" at inoff na nila ang phone, napatingin si Cassie kina Sam at Phil at napangiti, tumabi na siya sa dalawa at natulog na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD