Part 4

1085 Words
Kinagabihan, nakatulog na ang kambal sa kwarto nila, nag aayos pa ng mga damit sina Cassie at Aldo sa kwarto nila "Mahal, sure ka ba na bibigyan mo ng responsibility si kambal?" ani ni Cassie "Oo, maganda na yun na bata pa lang sila may responsibilidad na, hindi naman mabigat, halimbawa kapag kakain na tutulong sila paghahain at pagliligpit, tapos pag gising nila aayusin nila yung mga higaan nila, tapos may magwawalis at may magpupunas" "Sure ka Mahal ah, sanay ang mga bata sa Yaya at katulong, at alam kong kaya mong ibigay sa kanila yun" "Oo alam ko, pero mas maganda rin yung natututo sila diba?" "Hmm, sabagay nga Mahal" "Ikaw, mabuti pa magpahinga ka na, bukas na natin ituloy ang pag-aayos" "Eh ikaw?" "May ichecheck pa kasi akong isang email ng isang investor, saglit lang yun tapos magrerest na rin ako" "Sure ka?" "Oo, magpahinga na kayo nila dalawang piso, pagod na rin yang mga baby ko na yan" ani ni Aldo sabay himas sa tiyan ni Cassie, ngumiti naman si Cassie at yumakap kay Aldo "Sige Mahal, mauna na akong magrest ha?" "Oo" ani ni Aldo sabay halik sa labi ni Cassie, pumunta na sa kama si Cassie at nahiga na, maya maya ay tulog na ito, si Aldo naman ay naupo sa may sofa at chineck na ang dapat niyang icheck Kinabukasan, maagang gumising si Cassie para magluto ng almusal, habang nagluluto siya ng pasta ay nagulat siya nang may kumalabit sa may pisngi ng pwet niya "Ay anak ng pasta!" gulat na ani ni Cassie, pag lingon niya, si Phil pala gising na, at tawa ng tawa "Ikaw talaga Kuya, good morning" sabay halik sa pisngi nito "Good Morning Mommy" sabay yakap sa kanya "O upo ka na sa dining, malapit nang matapos si Mommy" "Help kita?" "Wag na anak, later mo na lang help si Mommy okay?" "Okay po" ani ni Phil at pumunta na sa dining at naupo na ito, maya maya ay dumating naman si Sam at lumapit kay Cassie "Mommy, where's our Tang Orange Juice?" "Wait Ate" ani ni Cassie, kinuha niya ito sa cabinet sa taas ng lavatory at iniabot kay Sam, kumuha siya ng pitchel ng tubig sa ref at nilagay sa mesa, pumwesto naman si Sam sa upuan at tinimpla ang juice, napangiti naman si Cassie "Ang galing ng Ate namin ah, o mix mo maigi" "Yes Mommy" nakangiting ani ni Sam, maya maya ay si Aldo naman ang lumabas, sakto namang tapos nang magluto ng garlic bread si Cassie "Good Morning Daddy!" ani ng kambal "Good Morning mga anak" ani ni Aldo, lumapit ang dalawang bata sa kanya at humalik sa pisngi, nilapitan naman ni Aldo si Cassie at hinalikan sa labi "Good Morning Mahal ko" "Good Morning Mahal, kain na tayo" "Wow, ang sarap naman ng almusal natin?" "Request nila Ate at Kuya yan eh?" "Yes Mommy" ani ni Phil "Hungry na ako" "Naku kawawa naman ang Kuya ko, sige kain na tayo" at nagsimula na silang kumain, ganadong ganado naman na kumain ang apat "Ang sarap pala nito, salted egg with tomatoes" ani ni Sam, nagsangag rin kasi si Cassie at ngcrave kasi siya sa salted egg "Nagustuhan mo Ate?" ani ni Cassie "Opo, tikman niyo na po yung nitimpla kong juice" ani ng bata "O siya sige, tikman na natin ang juice ni Ate Sam" ani ni Aldo, nagsalin naman ng juice si Cassie sa mga baso at uminom na sila "Wow, masarap ang juice ni Sam" ani ni Phil "Oo nga ah, masarap nga" ani ni Aldo, ngiting ngiti naman si Sam sa narinig "Eh di laging si Ate ang magtitimpla ng Juice natin?" ani ni Cassie "Sure Mommy" sagot ng bata, nagkwentuhan sila habang nag aalmusal, pagkatapos kumain ay si Aldo at Phil naman ang naghugas ng pinagkainan, si Cassie naman ang nagwalis at si Sam ang nagpunas, maya maya ay tapos na sila at naupo sila sa sofa "Uhm, napagod ba ang mga Ate at Kuya ko?" ani ni Aldo "Hindi po, okay lang" "Hmm, ang babait ah, di bale may reward kayo" "Talaga po?" ani ni Sam "Opo, may swimming pool sa baba, mamaya magsuswimming kayo, tapos maglalunch tayo sa Chinese Restaurant sa baba rin" "Yehey!" ani ng dalawa "Ano? Lika na, magswimming na tayo" "Kayo na lang" ani ni Cassie "Ang daya naman ni Mommy" nakasimangot na ani ni Sam Napabuntunghininga si Cassie "O siya sige, sasama na ako" ani niya, bigla namang yumakap ang bata sa kanya "Thank you, lika na Mommy" "Okay fine" Maya maya ay nakababa na sila at nagswimming na, marunong na rin lumangoy ang kambal, alalay naman ni Aldo si Cassie sa may pool, nakatayo sila sa may gilid "Dito ka lang Mahal ko, yaan mo, pag lumabas na ang mga anak natin, tuturuan kitang lumangoy" ani ni Aldo Yumakap naman si Cassie kay Aldo "Mahal" "O Bakit?" "Wala lang" "Sus ang misis ko" sabay halik sa balikat ni Cassie "I love you" "I love you so much" sabay halik sa pisngi nito, hinalikan rin siya ni Cassie sa pisngi at sinandal ang ulo nito sa leeg niya, nanatili naman niya itong yakap habang nakatingin sa mga anak na naglalaro sa pool. Lumipas pa ang weekend, Sunday night pabalik na sila sa mansion, si Aldo ang nagmamaneho ng kotse at katabi si Cassie habang nasa likod naman ang kambal "Mommy, next week sa condo po ulit tayo?" ani ni Sam Napatingin naman si Cassie kay Aldo "Let's see anak, kasi may convention ako this weekend, ayoko namang maiwan kayo sa condo ng kayo kayo lang, pwede kayo magpunta dun pero siguro isama niyo na lang si Manang at isang Yaya" "Eh di kami na lang tatlo" ani ni Phil "Naku baka mapagod si Mommy Cassie sa inyo, as I said, pwede kayo magstay dun this weekend as long as kasama si Manang at isang Yaya" "Kaya naman namin Mahal" ani ni Cassie "Mahal, mahirap na, buntis ka, anong magagawa ng dalawang bata if magka emergency?" "Okay sige" "Naiintindihan mo naman diba?" "Oo Mahal, no worries" ani ni Cassie sabay himas sa pisngi ni Aldo "Nagluto raw si Manang ng Beef Caldereta" "Wow" ani ng kambal "Daddy buy tayo ng macaroni salad" ani ni Sam "Sure baby, bibili tayo" ani ni Aldo "Ikaw Mahal? May gusto ka?" "Wala Mahal, okay na yun" "Sure ka Mahal ko?" "Oo nga Mahal, okay na yun" Ngumiti si Aldo, kinuha niya ang kamay ni Cassie at hinalikan yun, ngumiti naman si Cassie kay Aldo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD