Kinagabihan, sabay sabay na silang naghapunan, tuwang tuwa ang kambal na nagkukwento sa ama nila, nakikinig naman si Aldo
"Alam mo Daddy, pogi si Daddy George" ani ni Sam
"Ah ganun? Mas pogi pa sa akin?" ani ni Aldo
"Siyempre mas pogi ka Daddy, ikaw ang pinakapogi"
"Mabuti alam mo, akala ko magkakamali ka ng sagot, itatapon kita sa labas" natatawang ani ni Aldo, nagtawanan rin ang mga kasama "At saka Samantha, pwede ba? Baby pa rin kita, pero marunong ka nang tumingin ng pogi, may crush ka na ba?"
"Wala po Daddy"
"Subukan mo lang magkacrush, ibibitin kita sa puno" ani ni Aldo, napatingin naman si Sam kay Cassie
"Sige na Nak, kain ka na, nagjojoke lang si Daddy" ani ni Cassie
"Anong?" ani ni Aldo, hindi na niya naituloy ang pambubully sa anak dahil tiningnan na siya ni Cassie, mangiyak ngiyak naman si Sam kasi pakiramdam niya galit ang Daddy niya sa kanya, napansin yun ni Aldo "Samantha, come here" ani ni Aldo, lumapit naman ang bata, hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at hinalikan sa lips saka ngumiti "I love you my baby girl"
"I love you too Daddy, wala po akong crush"
Niyakap naman ni Aldo ang anak "Okay Nak, basta aral muna ha? Baby ka pa"
"Yes Daddy"
"O sige eat ka na" ani ni Aldo at bumalik na si Sam sa pagkain
"May dala si Daddy ng Blueberry Cheesecake" ani ni Cassie
"Yehey" ani ng kambal
"O sige kain na muna kayo tapos mamaya magdedessert tayo"
Pagkatapos nilang kumain ay pinatulog na ni Cassie ang kambal, nauna na niyang pinatulog si Phil sunod si Sam
"Mommy sa weekend po pupunta tayo sa condo?"
"Yes Nak, pagkagaling niyo sa school sa friday, didiretso na tayo sa condo, tapos si Daddy susunod na lang siya"
"Excited na po ako"
"Hmm, ikaw talaga" sabay pisil sa ilong nito "Matulog ka na, wag kang masyadong maexcite, baka pagdating dun maghanap kayo ng Yaya ha?"
"Hindi po Mommy, basta andun tayong lahat masaya po yun"
"O sige na nak, sleep na ang Ate namin" ani ni Cassie saka kinumutan ang bata at hinalikan sa pisngi, binantayan niya muna ito saglit saka iniwan nang makatulog na, pagpasok niya sa kwarto ay nakahiga na si Aldo at nanonood ng tv, tumabi na siya dito
"Ikaw talaga, ang bully mo" ani ni Cassie
"Bakit?" natatawang ani ni Aldo
"Pinagtripan mo nanaman si Sam"
"Pinoprotektahan ko lang siya, baby girl ko yun eh"
"Andun na ako, pero tingin mo ba may crush na siya?"
"Joke lang yun"
"Naku ikaw talaga, baka ibully mo rin ang mga anak ko ah"
"Hindi naman" nangingiting ani ni Aldo
"Alam mo hindi ko akalaing ganyan ka, bully ka pala"
"Halika nga dito" ani ni Aldo sabay yakap kay Cassie "Ang daldal mo Mahal, nabitin ka ba sa dessert kanina?"
"Hindi noh" sagot ni Cassie sabay yakap rin kay Aldo "Mahal, sa friday didiretso na kami sa condo, pero maggogrocery muna kami"
"O sige, kaya niyo ba maggrocery?"
"Oo, magpapahatid muna kami sa driver sa grocery tapos sa condo"
"Ah okay sige, nasa iyo na yung credit card diba?"
"Oo, yun na gagamitin ko ha?"
"Oo naman, matagal ko nang pinagagamit yun sayo eh"
"Pag nagutom ang kambal sa labas na kami kakain"
"Oo, wag mong gugutumin ang mga yun, masamang nagugutom ang dalawang yun" natatawang ani ni Aldo
"Bakit naman?"
"Nagiging tyanak kasi sila"
"Grabe ang bully mo talaga Mahal"
"Oist, sabi mo kanina namiss mo ako"
"Ikaw rin sabi mo namiss mo ako"
"Oo miss na miss kita" sabay yakap kay Cassie at halik sa labi nito "Sarap mo talaga"
"Ano?"
"Sarap mo talagang ikiss"
"Oo naman"
"At saka masarap ka talaga" nakangiting ani ni Aldo sabay halik sa leeg ni Cassie
"Hmm, totoo Mahal?"
"Oo naman"
"Mahal mo ako?"
"Pinakamamahal ko"
"Mahal din kita"
"Alam ko"
"Wow ah"
"Siyempre alam ko yun, kaya nga magkakababy na tayo eh, basta ako ang bahala sa inyo Mahal ko"
"Ako naman ang bahala sayo"
"Totoo?"
"Oo" sagot ni Cassie, niyakap naman siya ng mahigpit ni Aldo
"Akin ka lang Cassie ko"
"Ikaw rin, Akin ka lang ha? Walang iba?"
"Walang iba" nakangiting ani ni Aldo at muling hinalikan si Cassie sa labi.
Lumipas pa ang mga araw, dumating ang araw ng biyernes, pagkasundo ni Cassie sa kambal ay dumiretso na sila sa grocery at namili at kumain muna sila bago nagpahatid sa condo, inayos naman ni Cassie ang mga pinamili at pumasok naman sa kwarto sina Phil at Sam
"Sam, parang ang saya nito, tayo tayo lang" ani ni Phil
"Kaya nga eh"
"Sana dito na lang tayo"
"Pwede ba yun?"
"Ewan ko kay Daddy"
"Ako kahit saan, basta kasama si Daddy at Mommy Cassie saka sila dalawang piso"
"Ako din Sam"
Napangiti naman si Cassie nang marinig ang pag-uusap ng dalawa, pumasok siya sa loob ng kwarto
"O kids, sleep muna kayo" ani ni Cassie
"Mommy, can we eat spaghetti for merienda?" ani ni Sam
"Okay sige, magluluto si Mommy ng spaghetti for my Ate and Kuya, pero sleep muna kayo"
"Yes Mommy, thank you, We love you" ani ng kambal
"I love you both" ani naman ni Cassie, pinahiga na niya ang dalawa at hinalikan sa pisngi, maya maya ay lumabas na siya at nagprepare na siya para sa lulutuing spaghetti.
Kinagabihan ay nag uwi ng roasted chicken si Aldo para sa hapunan, at nagluto naman mixed veggies si Cassie
"Mommy, bukas spaghetti ulit ang breakfast ko" ani ni Phil
"Ako din" ani naman ni Sam
"Sige, may sauce pa naman tayo, pasta na lang lulutuin ko bukas"
"Aba nagspaghetti si Mommy kanina ah" ani ni Aldo
"Oo nagrequest kasi sila"
"Daya naman" nakangiting ani ni Aldo
"Gusto mo ba Mahal?"
"Hindi na Mahal, bukas na lang"
"Sige Mahal ko"
"Gawa rin tayo garlic bread bukas"
"Sige"
"Maggagawa rin kami ng juice bukas" ani ni Sam
"Wow naman, talaga Ate?" ani ni Aldo
"Yes Daddy, bumili kami ng Tang kanina"
"O sige, magtimpla ka ng Tang bukas ha?"
"Yes Daddy" nakangiting ani ni Sam
"Sino maghuhugas ng pinagkainan natin later?" tanong ni Aldo, nagkatinginan ang kambal
"Me Daddy" ani ni Phil
Napangiti naman si Aldo at Cassie "Wag na Nak, si Mommy na" ani ni Cassie
"Hehelp na lang kita Mommy"
"Sure ka?"
"Opo" ani ni Phil sabay tingin kay Sam "Ikaw Sam?"
"Magtitimpla ako ng Tang bukas, iisipin ko maigi ko paano yun magiging masarap"
Natawa naman si Aldo at nailing "O sige bukas pag-uusapan natin yan, kung paano tayo magtutulong tulong household chores okay?"
"Yes Daddy" ani ng kambal.