Lumipas pa ang mga araw, pagkatapos maihatid ni Cassie sina Sam at Phil sa school ay nagpaluto siya ng bagoong kay Manang Rosa habang nagbabalat ng manggang kalabaw, maya maya ay tapos na ang bagoong at binigay ni Manang kay Cassie habang nasa dining ito
"O buntis, ang bagoong mo"
"Wow thank you po Manang, hmmm, ang bango, kain po tayo"
"Naku ayoko, baka antukin ako"
"Ganun ba yun?"
"Oo ganun daw yun"
"Bahala ka, ang sarap kaya" sabay kagat sa manggang may bagoong "Hmmm sarap"
"Naku dun na nga ako sa kusina, tutulo lang laway ko sayo" natatawang ani ni Manang Rosa saka tinalikuran si Cassie na sarap na sarap sa pagkain ng mangga at bagoong, pagkatapos kumain ay niligpit na niya ang pinagkainan at umakyat sa taas, nag ayos siya sa kwarto nang nagring ang phone niya, si Rina tumatawag, sinagot niya ito
"Hi Rina" sagot niya
"Hi Cassie, kamusta?"
"Eto, okay naman, nasa school pa ang mga bata eh"
"Ay ganun ba? Sige tatawag ulit ako later, eh ikaw? Kamusta ka na?"
"Eto, katatapos ko lang kumain ng mangga at bagoong"
"Nakakainis ka, nangangasim tuloy ako" natatawang ani ni Rina
"Sorry, wala kasing bagoong dyan eh"
"Oo nga"
"Gusto mo padalhan ka namin"
"Hindi na, titiisin ko na lang hanggang makabalik ako ulit"
"Uuwi ka?"
"Medyo matagal pa, may aayusin pa kasi si George"
"Si George? Isasama mo siya?"
"Oo para makilala niya rin kayo"
"Sinagot mo na siya?"
"Oo bakit? Alangan namang kayo lang ang happy"
"Well Congrats"
"Thanks"
"Kamusta na pala yung processing ng annulment?"
"Wala pang result eh"
"Hays, matagal kasi talaga sa Pilipinas, di bale manganak ka muna kay Baby Piso"
"Ooopps, Dalawang piso sila"
"Weh? Hindi nga?" natatawang ani ni Rina
"Oo nga"
"Ang tindi naman talaga ng kamandag nitong si Aldo oo, nakakadalawang kambal na siya ha"
"Oo nga eh, bilib na bilib sa sarili"
"Siraulo talaga yun, o siya paano? Magluluto muna ako, darating kasi si George, mamaya tatawag ulit ako ha?"
"Oo sige, antayin namin"
"Bye"
"Bye"
Lumipas pa ang mga oras, sabay sabay na nananghalian sina Cassie, Sam at Phil
"Mommy totoo po, tatawag mamaya si Mommy Rina?" ani ni Sam
"Opo, ipapakilala raw sa inyo si Daddy George"
"Daddy George?"
"Oo, siya ang bagong love ni Mommy Rina"
"Excited ako" ani ni Phil
"Bakit naman?" ani ni Sam
"Wala lang, gusto ko makita si Daddy George"
"Naku mamaya makikilala niyo siya, kaya kumain na kayo, tapos aantayin na natin ang tawag ni Mommy sa taas, okay ba yun?"
"Opo" ani ng kambal
"Kain ng kain ha? Gusto ko busog lagi si Kuya at Ate"
"Opo Mommy" ani ni Sam
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat na sila sa kwarto, nagkukwentuhan sila nang tumawag si Rina thru skype
"Mommy Rina!" ani ng kambal
"Kamusta na mga babies ko?"
"Okay po Mommy" ani ni Phil
"May papakilala si Mommy Rina sa inyo" ani ni Rina at pinausod si George sa tabi niya "This is your Tito George"
"Mommy, Daddy rin namin siya?" ani ni Sam
Nagkatinginan naman sina Rina at George "Yes Kids, you can call me Daddy George" ani ni George
"Hello Daddy George" ani ng kambal
"You are so adorable" nakangiting ani nito
"Thank you"
"Where's Mommy Cassie?" ani ni Rina saka lang humarap sa camera si Cassie
"George, She is Cassie, Aldo's future wife"
"Hi Cassie" ani ni George
"Hi George"
"Soon, you will meet Aldo" ani naman ni Rina
"Yeah, I also want to meet him"
"Ahm, Is George a Filipino?" ani ni Cassie
"Yes, actually he was born in the Philippines, when he was seven years old, they went here in the US"
"Oh okay"
"I can understand tagalog but I am having a hard time to speak, but I am learning" ani ni George
"That's good" nakangiting ani ni Cassie, marami pa silang napagkwentuhan, mukha namang mabait si George at gwapo rin, after almost one hour ay nagpaalam na sina Rina at George, pinahiga naman ni Cassie ang kambal para makapagsiyesta
"Mommy, uuwi raw sila Mommy Rina at Daddy George dito" ani ni Phil
"Oo nga Nak, excited ba kayo?"
"Opo"
"O sige, sleep muna ha? Medyo matagal pa yun eh, may aayusin pa raw si Daddy George niyo"
"Sige Mommy sleep muna kami"
"Naunahan ka na nga ni Sam o, tulog na siya"
"Antukin naman siya eh" natatawang ani ni Phil
"Ikaw talaga, sige na sleep ka muna"
"Okay Mommy, I love you"
"I love you too" sabay halik sa noo nito, tumayo siya para ayusin ang damit nila ni Aldo nang magring ang phone niya
"Hi Mahal" ani ni Cassie
"Mahal, anong ginagawa mo?"
"Nag-aayos ng mga damit natin, tinupi ko tapos ilalagay ko na sa closet"
"Mahal, hayaan mo na sa kanila yan, trabaho yan ng mga maid"
"Yaan mo na Mahal, naiinip ako eh"
"Okay sige, eh ang kambal nasaan?"
"Ayun kakatulog lang, katatawag lang kasi ng Mommy Rina nila"
"Ah okay"
"Pinakilala si George, si Daddy George"
"Wow, talaga lang ah" natatawang ani ni Aldo
"Oo, at saka baka umuwi raw sila sa Pilipinas, pero matagal pa raw kasi may aayusin pa si George"
"Ah ayus lang, sabihin niya lang kung kailan, para maayos natin ang guest room"
"Oo nga Mahal"
"O Mahal, ano ang gusto niyong pasalubong?"
"Mahal, gusto ko ng Blueberry Cheesecake"
"Sus naglilihi nanaman ang misis ko, o sige bibili ako"
"Thank you, I love you"
"I love you more Mahal ko"
"Uwi ka agad ha?"
"Oo naman, miss na kita eh"
"Ako rin miss na kita"
"Talaga?"
"Oo miss na miss"
"Patunayan mo sa akin mamaya yan ah"
"Ihhhh, pilyo ka talaga" tili kinikilig na ani ni Cassie, tawa naman ng tawa si Aldo "Sige na babye na"
"Okay, bye Mahal ko"
"Bye, ingat ka pag uwi Mahal"