"So care to tell me about this Danielle girl my dear lola. Ba't parang hindi ko ata alam ang tungkol sa kanya.? At kanina naman pagdating ko rito may nakasalubong akong babae sa taas. Mukhang bago lang sya dito sa resort." Sunod-sunod na tanong ni Anastasia habang inalalayan ang kanyang lola habang naglalakad sila sa dalampasigan.
"Hm, yung babaeng nakasalubong mo kanina ay si Danielle yun. Actually apo, dalawang buwan na syang nakatira dito sa resort, kinupkop ko muna sya dahil wala pa syang maalala sa ngayon. Hindi naman siguro pwedeng pabayaan ko na lamang sya diba.?" Panimula ng matanda na ikina'kunot ng noo ng kanyang apo.
"What do you mean na wala pa syang maalala.? Saka saan nyo ba nakilala ang babaeng yun.?"
Huminto muna ang mga ito sa paglalakad. Masyadong maraming tanong ang dalaga na syang ikinangiti ng matanda. Mukhang interesado ang kanyang apo tungkol kay Danielle.
"Ganito kasi 'yan apo. Alam mo naman sigurong mahilig akong maglakad-lakad sa gilid ng dagat kapag madaling araw diba.? Lalo na nong mawala ang lolo mo." Panimula ng matanda na mas lalong ipinagtaka ng apo.
"Uh, yeah. Pero ano ang kinalaman doon ni Danielle.?"
"Well, nakita kong palutang-lutang sa dagat ang katawan nya noong naglalakad ako rito. Akala ko isang bagay lang pero habang tinitigan ko ito ng matagal, doon ko napagtanto na isa ngang bulto ng tao ang lumulutang." Panimula ng matanda kaya pakiramdam nya'y nanlaki ang mata nya ngayon dahil sa nalaman. "Agad kong tinawag ang mga empleyado nating lalaki rito para kunin si Danielle. Akala ko patay na ito pero sa awa ng dyos ay pumipintig pa naman ang pulso nito kaya agad namin syang isinugod sa hospital. Sabi naman ng doktor ay maayos ang lagay nito pero kailangan lang na salinan ng dugo dahil sa sugat na natamo nito sa tagiliran. Mabuti na lang may wallet ito sa bulsa ng pantalon na suot nito kaya doon ko nalaman ang buo nyang pangalan. Yun nga lang pagkagising nito matapos ang isang linggong pagka'confine sa hospital ay wala naman itong maalala kahit pangalan nya. Doon ko napagdesisyunan na kupkupin muna sya dahil mahihirapan din naman syang umuwi sa kanila kung sakali dahil nga sa may temporary amnesia ito." Paliwanag ng matanda.
"Teka, ang ibig mo bang sabihin La, nagpatira ka ng isang tao sa puder mo na hindi mo naman kilala.? Oh my gosh.! What if masama pala syang tao.? What if isa syang kriminal o di kaya'y magnanakaw.?!" Exaggerated na sabi ni Anastasia kaya ang matanda naman ngayon ang napakunot ang noo.
"Apo magtigil ka nga dyan.! Nakakahiya dun sa tao dahil pinag'iisipan mo ng hindi maganda. Saka mabait at masayahin naman si Danielle eh, napatunayan ko iyon sa dalawang buwan nyang pamamalagi rito. Masipag syang tao, nagtatrabaho sya ng maigi rito para makabawi sa naitulong ko sa kanya na hindi naman kailangan, kaya huwag kang ganyan." Pagtatanggol ng matanda sa dalaga.
"Lola kahit na.! Paano kung pinakikisamahan lang nya kayo para any time ay magawa nya ang masama nyang balak.?" Pagpupumilit pa rin ni Anastasia.
"Apo ikaw lang naman ang nag'iisip ng masama sa kanya. Bakit hindi mo na lang sya kilalanin.? O di kaya'y kaibiganin mo para naman mawala iyang mga hinala mo sa kanya at para na rin may kaibigan sya dito bukod sa mga empleyado natin." Suhestyon ng matanda na ikinatirik ng mata ng kanyang apo.
"I don't care kung may kaibigan man sya dito o wala. Basta wala akong tiwala dyan sa bago nyong apo-apohan." Naka'ingos na sabi ng dalaga.
"Asus.! Nagseselos na naman itong apo ko. Halika nga rito." Natatawang sabi ng matanda bago niyakap ang nag'iinarte nyang apo.
"Eh kasi naman La, mas gusto nyo pa atang maging apo yung Danielle na iyon kesa sa akin." Nakangusong sagot ni Anastasia.
Ganito ang isang Anastasia Hilton Fox pagdating sa kanyang pamilya, malambing ito sa kanila lalo na sa ina at lola nito. Pero pagdating sa ibang tao bukod lang sa mga kaibigan nya ay para itong dragon na kulang na lamang ay bumuga ng apoy.
"Alam mong hindi iyan totoo apo. Saka ba't hindi mo na lang gayahin ang kuya Patrick mo.?Masaya nyang kinaibigan si Danielle nung pumunta sila dito last month kasama ang fiancee nya." Sabi ni Elizabeth na ikinagulat ni Anastasia.
"What.?! So you mean alam na ni kuya Patrick ang tungkol rito.? Tapos wala man lang sinabi ang kumag na iyon.? Pati si Sierra wala man lang nabanggit tungkol dito.!" Naniningkit ang matang sabi nito.
"Huwag kang magalit sa kuya at sa kaibigan mo. Sinabi ko kasi sakanila na huwag munang ipagsabi sa inyo, dahil katulad mo ay alam kung tatalakan na naman ako ng iyong ama kapag nalaman nitong may pinatuloy ako rito na hindi ko kilala ng lubusan. Alam mo namang mas O'A pang mag'alala ang ama mo." Pabirong sabi ng matanda dahilan para matawa ang dalaga.
Oo nga naman. Kung may namana man sya sa kanyang ama bukod sa pagiging magaling sa paghawak ng kompanya, yun ay ang pagiging over reacting nito. Yun nga lang hindi ito katulad nya na madaling manghusga sa kapwa. Oo na.! Sya na ang judgemental.
So what.? Hindi na madaling magtiwala sa panahon ngayon noh.!
"Oh sya apo. Bumalik na tayo sa bahay para makapagpahinga kana." Kapagkuwan ay sabi ng matanda na agad namang sinunod ng huli dahil kailangan nga nyang matulog lalo pa't maaga syang gumising kanina para makapunta rito.
Pagdating nila sa loob ng bahay dito sa resort ay agad syang nagtungo sa kanyang kwarto at naglinis ng katawan bago natulog.
Nagising lamang sya dahil sa malakas na katok sa kanyang pinto kaya naiinis nyang pinagbuksan ang taong kumakatok sa labas.
"Ano bang kailangan mo.?! Hindi mo ba alam na natutulog ako rito.?!" Sigaw nya sa kaharap habang kinukusot ang kanyang mata kaya hindi nya alam kung sino ito.
"Pasensya na po Ma'am pero kailangan nyo na daw pong kumain ng hapunan sabi ni lola Beth." Malumanay na sagot ng kanyang kaharap dahilan para tuluyan ng magising ang diwa nya dahil sa malamyos na boses nito.
Pero agad ding napataas ang kanyang kilay ng mapagtanto kung sino ang kaharap nya. Ewan nya ba kung bakit naiinis sya sa babaeng ito.
"Oo na.! Susunod na ako." Mataray nyang sagot kay Danielle na malapad paring nakangiti sa kanya na mukhang lalo lang ata nyang ikina'inis.
"Can you just please stop smiling.?! Para kang clown tingnan. Ang pangit mo.!" Sigaw nya rito bago pagsarhan ng pinto.
Samantalang napakunot naman ng noo si Danielle habang papalayo sa silid ng dalaga. Hindi naman sya manhid para hindi nya maramdaman na hindi sya nito gustong makita at makasama. Kung hindi lang dahil sa matandang nagkupkop sa kanya ay nungka kung kakausapin nya ito. Hindi naman kasi sya yung tipong pinagduduldulan ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya.
"Uy Renzo.! Halika nga rito." Tawag nya sa lalaking empleyado rin sa resort na ito. Isa ito sa malapit nyang kaibigan dito sa resort simula nang mapadpad sya rito.
"Ano yun Elle.?" Tanong nito pagkalapit sa kanya. Ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganoong nickname. Yung iba kasi kung hindi Danielle ay Dani lang ang itatawag sa kanya.
"Magsabi ka nga ng totoo sa akin. Sa tingin mo ba pangit talaga ako.?" Seryoso nyang tanong na ikinatigil ng huli, pero maya-maya lang ay pansin nya ang pamumula ng pisngi nito.
'Anong nangyari sa lalaking ito.?' Kunot noong tanong ni Danielle sa kanyang sarili habang nakatitig kay Renzo.
"Uh, hindi Elle. Ang totoo nyan maganda ka naman talaga, kaya nga maraming nagkakagusto sayo rito na mga lalaki pati din mga babae." Pag'amin ng huli dahilan para mas lalong kumunot ang noo ng dalaga.
"Pinagloloko mo ba ako Renzo.?! Anong marami pinagsasabi mo dyan.? Eh nasabihan na nga akong pangit nung apo ni lola Beth." Poker nyang sabi dahilan para humagalpak ng tawa ang kaharap.
"Seryoso.?! Hahaha. Pucha.! Ang hard non Elle." Tumatawang sabi ng binata kaya nakatanggap sya ng batok mula sa huli.
"Leche ka rin eh no.? Kita mo ngang nilalait na ang kaibigan mo rito tuwang tuwa kapa dyan.!" Na'aasar na sabi ng dalaga sa kaibigan.
"Eh kasi naman Elle, lahat yata ng tao rito nagkakagusto sayo tapos nasabihan kang lang na pangit ni Miss Anastasia.?" Tumatawa paring sagot ni Renzo na halos hindi na matapos tapos ang sasabihin dahil sa pagtawa.
"Tsk.! Eh di sya na ang maganda.!" Naiinis na sabi ni Danielle.
Hindi pa nga masyadong magaling ang pakiramdam nya dahil sa lecheng trangkaso, mukhang madadagdagan pa ata yun dahil sa ugali ng apo ni Elizabeth Fox.
"Of course I am.!" Rinig nilang sabi ng isang tao sa kanilang likuran dahilan para matigil sa pagtawa si Renzo at manigas naman sa kinatatayuan nya si Danielle.
"Alam kong maganda ako kaya huwag mo nang ipangalandakan pa." Muling sabi ni Anastasia na mukhang nagbubuhat pa ata ng sariling bangko.
Sabay na napalingon sa kanyang likuran ang dalawa at ang mataray na mukha ni Anastasia ang bumungad sa kanila habang naka'cross arms ito.
Doon lamang natitigan ni Danielle ang huli at tama nga naman ang sinabi nito. She's beautiful at halatang anak mayaman dahil sa kinis at puti ng balat nito na maihahambing mo sa perlas. Wala ka ring makikitang pores o pimples man lang sa mukha nito, pansin din nyang maalaga ito sa katawan dahil sa hubog nito.
Natigil lamang sya sa pag'iisip ng banggain sya nito sa balikat.
"Stop staring at me idiot.!" Mataray na sabi ni Anastasia bago sila lagpasan.
'Maganda nga---pero mukhang pangit naman ang ugali.' Naiiling na lamang na sabi ni Danielle sa sarili habang nakatingin sa pigura ng dalaga na papunta na ngayon sa hapag'kainan.
_____