HSI-4

1749 Words
Mag'isang naglalakad si Anastasia sa dalampasigan nang makita nya si Danielle na masayang nakikipag'usap sa isang lalaki habang nililinisan nito ang loob ng isang de motor na bangka. Pamilyar ang lalaking yun sa kanya. Hm, tama.! Ito yung lalaking kausap nito kahapon nang pababa sya ng hagdan para kumain ng hapunan. Bigla na lamang tumaas ang kanyang kilay nang makita nyang ginulo ng lalaki ang buhok ng dalaga. "What are you two doing.? Hindi naman siguro kayo sinu'swelduhan rito para mag'kwentuhan lang ano.?" Mataray nyang sabi nang makalapit sya sa pwesto ng mga ito. Usually wala syang paki'alam sa mga empleyado nila, pero pagdating sa dalaga ay naiinis syang makita itong masaya na nakikipag'usap sa iba. Natigil sa pagtatawanan ang dalawa at tumingin sa kanya. Pero biglang nagbawi ng tingin ang lalaki ng taasan nya ito ng kilay, samantalang si Danielle naman ay nakangiti lang na tumingin sa kanya. "Good morning ma'am Anastasia. Kumusta po ang tulog nyo.?" Nakangiting tanong ng dalaga na mas lalong ikinataas ng kilay nya. "Paki'alam mo ba.?" Nakairap nyang sagot rito. "Wala naman po Ma'am. Gusto lang po namin na maging maayos ang bakasyon mo rito habang nandito ka." Nakangiti paring sagot ni Danielle sa kaharap. "Magiging maayos lang ang bakasyon ko rito kung hindi ko makikita iyang pagmumukha mo.!" Mataray na sagot ni Anastasia na tinawanan lang ng huli. "Pasensya na ma'am, pero kailangan mo munang pagtiisan ang magandang mukha kong ito habang nandito ka. Dahil sa ayaw at sa gusto mo Ma'am, makikita mo talaga ako dito sa resort---araw-araw." Natatawang sagot ni Danielle na ikina'ikot ng mata ng dalaga. "Tsk.! Conceited." Komento nito bago iwan ang dalawa at nagmartsa na pauwi sa loob ng resort. Napatitig na lamang si Danielle sa likuran ni Anastasia, muntikan pa syang mapasipol ng dumapo ang kanyang paningin sa pang'upo ng dalaga. "Type mo no.?" Nanunuksong tanong ni Renzo sa kaibigan ng mapansin nya kung paano ito tumingin sa huli. Hindi naman kasi sekreto ang pagiging lesbian ni Danielle. Alam yun ng mga tao sa resort kaya nga maraming lalaki ang nanghihinayang sa kanya pero mas dumami naman ang mga babaeng nagkakagusto rito. Pero syempre hindi iyon alam ng huli dahil may pagka'halaman nga ito at manhid-manhidan sa lahat ng bagay. "Sino naman ang hindi magkakagusto sakanya diba.? Maganda na nga at matalino, sexy pa.! Yun nga lang masyadong mataray at maldita kaya minus points yun sa akin. Nakaka'turn off ang mga babaeng may dalawang sungay." Natatawang sagot nito sa kaibigan kaya pati ito ay natawa rin. "Wala kanang pag'asa dun Elle.! Bukod sa straight ito na mas straight pa dyan sa maikli mong buhok ay may boyfriend din ito. Kaya ilibing mo na lamang dito sa buhangin ang pagkagusto mo sa kanya." Pang'aasar ni Renzo na ikina'ikot ng mata ng dalaga. "Ang sabi ko gusto ko sya, I mean yung gusto na hindi katulad ng iniisip mo. Tsaka hindi ko naman atang sinabing ipagpipilitan ko ang sarili ko sakanya." Poker face na sagot ni Danielle dahilan para matawa na naman ang kausap. Mahinang ginulo ng lalaki ang buhok nya. Medyo pikunin pa naman ang kaibigan nyang ito at hindi namamansin kapag masama ang loob nya sa isang tao. "Itigil mo na nga iyan.! Ang mabuti pa tapusin mo na iyang ginagawa mo dyan. Babalik na rin ako sa loob ng resort baka may ipag'uutos si lola Beth sa akin." Akma na sanang aalis ang dalaga nang tuksuhin na naman sya ng kaibigan. "Gusto mo lang makita si Miss Anastasia eh.! Ikaw ha.! Pasimple ka rin minsan eh noh." "Sira'ulo.!" Sigaw ni Danielle at tuluyan na ngang lumayo sa baliw nyang kaibigan na tawa parin ng tawa hanggang ngayon. "Apo pwede bang samahan mo muna ako.? Pupunta ako ng palengke para mamimili ng mga gulay at isda. Sigurado akong presko pa ngayon ang mga binibenta nila doon." Sabi ni Elizabeth habang kumakain sila ng kanyang malditang apo. "Ayoko La. Siguradong maputik na naman ang lugar na iyon, saka ayokong mangamoy isda." Maarteng sagot ni Anastasia pagkatapos uminom ng tubig. "Apo pagbigyan mo na ang lola mo. Saka paminsan-minsan ka lang naman magawi rito kaya dapat ay ini'enjoy mo ang bakasyon mo dito sa lugar natin. Hindi iyang nagmumukmok ka lang dito sa loob ng resort." "Pero La. Kailangan ko ba talagang sumama sa palengke.? Alam mo namang hindi ako pumupunta sa mga ganyang lugar. Nakakasuka.! Eww." Umakto pang nandidiri ang dalaga. Napa'iling na lamang ang matanda dahil sa inasta ng kanyang apo. "Oh sige, kung ayaw mo huwag na lang." Lungkot-lungkutang sabi ng matanda kaya biglang naalarma si Anastasia. Alam naman nyang naglalambing lang ang kanyang lola pero ayaw nya talagang nagpupupunta sa mga ganoong lugar. "Fine, sasama na ako." Napipilitan nya pang sabi sa matanda. "Great.! Isasama na din natin si Danielle dahil sya ang magiging driver natin." Masayang sabi ni Elizabeth na sya namang pagdating ni Danielle sa kanilang pwesto. "May kailangan po kayo sa akin.?" Magalang nitong tanong sa matanda. "Ah yes iha.! Gusto ko sanang ikaw ang magmaneho ng kotse dahil pupunta kami ngayon ng aking apo sa palengke." "Sige po. Ok lang po sa akin." Nakangiting sabi ng dalaga pero agad sumingit si Anastasia. "No need. Ako na ang magmamaneho La. I can drive by myself." Seryosong sabi nito bago inirapan ang huli nang magawi ang tingin nya rito. "Hindi apo. Si Danielle ang magmamaneho at huwag kanang makipagtalo pa sa akin." Madiin nang sabi ng matanda kaya napaikot na lamang ng mata ang dalaga. Samantalang nangingiti naman ng palihim si Danielle dahil sa inasta ng kaharap. "Hindi kaba sasama sa amin papasok sa loob apo.?" Tanong ni Elizabeth sa kanyang apo pagkarating nila sa labas ng palengke. Oo, talagang sumama sya rito kahit pa naiinis sya dahil si Danielle ang nagmamaneho ng kotse. "Hindi na La, dito lang ako sa loob ng kotse. Hihintayin na lang kita rito." Walang ganang sagot ni Anastasia. "Ok sige." Sabi na lamang ng matanda bago sila pumasok ni Danielle sa loob ng palengke. Naiinip na lamang na naglalaro sa kanyang cellphone si Anastasia habang nakabukas ang pinto ng kotse nang may mga kalalakihan ang lumapit sa kanyang pwesto. Malalaki ang pangangatawan ng tatlo at iba rin kung tumingin sa kanya dahilan para kabahan sya ng kunti.  "Hi Miss. Mukhang bago ka lang dito ah. May ipaglilingkod ba kami sa isang dyosang katulad mo.?" Nakangising tanong ng isang lalaki dahilan para tumaas ang kilay ni Anastasia. Oo.! Tinaasan nya talaga ng kilay ang mga ito kahit pa na natatakot sya sa pagmumukha ng mga lalaki. "Get lost idiots.!" Mataray nyang sigaw sa mga ito. Akma na sana nyang isasara ang pintuan ng kotse nang pigilan sya ng isa sa mga ito. "Wow pre.! Umi'english si ganda.! Mukhang poriner ang nasa harapan natin ngayon ah.!" Tumatawang sabi ng isa pang lalaki habang pinapasadahan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Hindi nya maiwasang 'di makaramdam lalo ng kaba dahil sa klase ng tingin na ipinupukol ng mga ito sa kanya. Nagsisisi na sya ngayon kung bakit hindi pa sya sumama kanina sa kanyang lola papasok sa loob. Mukhang kinarma ata sya dahil sa kanyang ka'artehan. "Oo nga pre. Saka tingnan nyo naman.! Mukhang mayaman." Sabi naman ng isa at akma na sana syang hahawakan sa balikat nang may tumikhim ng malakas mula sa likuran ng mga ito. Pakiramdam nya ay nabunutan sya ng tinik sa dibdib ng makita kung sino ito. Dali-dali syang lumabas ng kotse at nagtago sa likuran ni Danielle. "Oh ikaw pala 'yan Dani.! Mukhang kilala ka ata ni Miss Ganda ah." Puna ng isa sa tatlong lalaki nang mabilis na lumipat ang dalaga sa likuran ni Danielle habang mahigpit itong nakakapit sa damit ng huli. "Oo, at kayo naman mukhang nagkakasiyahan rito." Seryosong sabi ng dalaga sa tatlo. Kilala sya ng mga ito dahil sa ugali nyang palakaibigan at pagiging matulungin sa mga tao rito sa kanilang lugar. Saka natulungan na din kasi nya ang isa sa mga ito noong mangailangan ito ng pera dahil nagkasakit ang ina nito at kailangang ipagamot. "Uh, hindi naman Dani. Akala kasi namin isa sya sa mga tauhan ni Ronaldo na nag'eespeya rito sa lugar namin." Paliwanag ng isa habang nagkakamot sa kanyang batok. Ang tinutukoy nito ay ang mayor sa kanilang lugar na gustong magpa'demolished sa palengke at gustong umangkin ng mga lupang kinatatayuan ng iilang bahay malapit sa palengke para pagtayuan ng casino. "Kahit na.! Dapat hindi ganyan ang pagtrato nyo sa mga babae. Tingnan nyo nga sya. Takot na takot sa inyo." Naiinis na sabi ni Danielle sa tatlo. Hindi naman talaga masasama ang mga ito, kaya lamang simula ng magpadala ng mga espeya ang mayor para manmanan ang kanilang kilos ay lagi na nilang tinatakot ang mga bagong salta na sa tingin nila ay kalaban. "Pasensya na talaga Dani. Pasensya na rin Miss." Hinging paumanhin ng tatlo. Hindi parin umiimik si Anastasia. Nanatili lamang itong nakatago sa likuran ng dalaga, kulang na nga lang ay sumiksik ito sa huli. "Sige na, bumalik na kayo sa trabaho nyo. Ako na ang bahala sa kanya." Mahinahon nang sabi ni Danielle. Pero bago pa makalayo ang mga ito sa kanilang dalawa ni Anastasia ay binigyan pa sya ng mga ito ng nanunuksong tingin at pilyang ngiti na ikina'iling na lamang nya. "Pasensya kana sa mga iyon ma'am, may saltik lang talaga sa utak ang mga iyon kaya kung sino-sino na lang ang pinaghihinalaan." Natatawang sabi ng dalaga pagkatapos humarap kay Anastasia na mukhang hindi pa maka'move on sa nangyari. "Oh sya, pumasok kana po sa loob ng sasakyan ma'am. Paparating na si lola Beth at huwag kang mag'alala dahil sinamahan sya ng mga kakilala namin sa loob ng palengke. Pinuntahan lang talaga kita dito dahil baka mapano po kayo." Nahihiyang sabi ni Danielle habang nakahawak ito sa kanyang batok. And for the first time. Napangiti si Anastasia nang makita ang reaksyon ng kaharap pero agad din nya itong sinupil para hindi makita ng huli. "Ganun ba.? Um, thanks." Seryoso nyang sagot rito kaya todo ngiti naman ang huli. Simula ng dumating sya sa resort at makilala si Danielle ay hindi nya pa ito nakitang nakasimangot. Parang wala itong problema sa buhay dahil lagi lang itong masayang tingnan. Palagi din itong nakangiti sa mga katrabaho nya pati nga rin sakanya, kahit pa palagi nya itong sinusungitan at iniirapan. 'Tsk.! What a jolly personality.' Naiiling na lamang na sabi ni Anastasia sa kanyang isipan habang seryoso lang na nakatingin kay Danielle na panay kausap sa kanya. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD