HSI-5

1695 Words
Anastasia Pov Pabagsak akong sumandal sa swivel chair na nandito sa kwarto ko nang makita ang mga profiles ng mga taong mag'aaply bilang personal driver ko. Kahapon lang ito na'esend ni Abi sa sss ko at ngayon ko lang din natingnan. Mukhang sasakit lang ata ang ulo ko ng makita ang mga ito.  Paano ba naman kasi.! Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha ng mga ito ay halatang hindi na mapagkakatiwalaan. Yeah, I may be a judgemental person sometimes but I trust my instinct, kaya alam kong katulad lang ito ng mga nakaraang driver ko, masisisante rin sila kalaunan. *Tok tok tok* "Nandyan na.!" Sigaw ko sa taong kumakatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay agad bumungad sa harapan ko ang pagmumukha ni Danielle. Guess what.? Nakangiti na naman ito sa akin. "What.?" I hissed at naka'cross arms na tumingin sa kanya. "Kakain na." Nakangiti paring sabi nito. Seryoso.? Hindi ba marunong sumimangot ang isang ito.? Tatlong araw na akong nandito sa Batangas at ganyan parin ang aura nya. Lagi itong nakangiti kaya kung titingnan mo ito aakalain mong nanalo sa lotto. "Ok. Alis na.! Chupi.!" Pagtataboy ko rito. "Ang sungit mo." Natatawang komento nito na ikinataas naman ng kilay ko. "Ang pangit mo." Balik kong sabi. Bigla na lamang akong napatayo ng tuwid ng lumabi ito sa harapan ko. "Ikaw lang ang nagsasabi ng ganyan sa akin. Hindi naman ako pangit ah.!" Pagmamaktol nito na parang bata bago ako iwang nakatulala rito. What the hell.?! Ano bang nangyayari sa leche kong puso.?! Ba't ang bilis na naman ng pintig.? Oh gosh.! I need to see a doctor.! Baka mamatay ako nito kapag nagtagal ang ganito kong pakiramdam. "Apo anong nangyari sayo.? Ba't namumula ka.? May sakit kaba.?" Nag'aalalang tanong sa akin ni Lola pagkababa ko. "Po.? Um, baka naiinitan lang po ako." Palusot ko dahil kahit na ako ay hindi alam kung ba't namumula itong leche kong mukha.! "Akala ko ano na. Sige na kumain na tayo. Oo nga pala apo, talaga bang bukas kana uuwi ng Manila.? Baka naman pwedeng mag'extend kapa dito ng mga ilang araw. Abay.! Tatlong araw mo pa lang rito eh uuwi kana agad.?" Sabi nito dahilan para mapabuntong hininga ako. How I wish na pwede akong magtagal rito, kaya lang marami pa akong gagawin pagbalik ko ng trabaho. Hindi naman kasi pwedeng magpabaya na lamang ako kesyo ako ang anak ng may'ari ng kompanya. "Marami akong gagawin sa office La. Pasalamat na nga lang ako dahil walang masyadong gagawin sa office ngayon kaya nakakapagpahinga pa ako ng ilang araw." Sagot ko rito kaya napatingin ito sa gawi ko na may pag'aalala sa mukha. "Apo huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo, naiintindihan kong medyo nape'pressure ka dahil sa responsibilidad na inatang sa iyo ng iyong ama. Pero huwag mong kalimutang mahalaga pa ring maalagaan natin ng maayos ang ating sarili." Nag'aalalang sabi ni Lola dahilan para mapangiti ako. Ang lola ko talaga.! Masyadong maalalahanin. "Of course La. I will. Saka kailangan ko ring umuwi agad bukas dahil ako ang magi'interview sa mga aplikante na nag'apply bilang personal driver ko. Baka lang naman may mapili ako sa kanila." Sabi ko bago uminom ng tubig. "Bakit hindi na lang si Danielle ang kunin mo.?" Masayang suhestyon nito dahilan para bigla akong mabulunan ng tubig na iniinom ko. "Wh--what.? Lola naman.! Ba't sya pa ang naisip nyo sa dinami-rami ng mga lalaki rito sa resort na marunong magmaneho." Inis kong sabi habang pinupunasan ang bibig ko. "Ba't naman hindi.? Kung mayroon man akong mas pinagkakatiwalaan rito ay sya na yun, saka panatag ang loob ko kung sya ang magiging personal driver mo dahil bukod sa magaling magmaneho ang batang iyon eh maingat pa." May pagmamalaking sabi ni lola. Hindi ko na talaga maintindihan ang lola kong ito. Gusto ko nang isipin na mas gusto pa nya maging apo ang Danielle na iyon kesa sa akin. "Ba't ba ang laki ng tiwala mo sa babaeng yun La.? Knowing na dalawang buwan mo pa lang syang nakilala." Nagtataka na talaga ako. Like seriously.? Baka naman ginayuma ng babaeng yun ang mga tao rito including my lola.? Oh gosh.! Baka nga.! "Hay naku apo, nag'iisip kana naman ng masama kay Danielle." Komento nito na ikinakunot ng noo ko. "Hala.! Manghuhula kana pala ngayon La.?" Gulat kong tanong na tinawanan nya lang. "Silly iha. Of course not.! Nakikita ko lang kasi sa expression ng mukha mo. Saka hindi naman kasi batayan ang tagal ng panahon na nakilala mo ang isang tao para masabi mong may tiwala ka sa isang tao. Ang totoo nyan apo, mararamdaman mo iyan kahit pa sa maikling panahon na nakasama mo ang isang tao, katulad na lamang ni Danielle. Alam kong mabuti syang tao at mapagkakatiwalaan." Paliwanag nito habang nakangiti. "Ewan ko La, and I don't think it's a good idea na sya ang gagawin kong personal driver. Alam mo namang hindi kami magkasundo non." "May I remind you iha. Ikaw ang palaging nagtataray at naiinis sakanya, hindi sya." "Seriously La.? Ako ba talaga ang apo nyo o sya.? Mukha kasing pinagtatanggol mo pa ang babaeng yun laban sa akin eh." Nakasimangot kong sabi pero tinawanan lang ako nito. "Ayoko lang na maging unfair ka sakanya apo." Mahinahong sagot nito. "Fine.! Sya na ang kukunin ko but please lola, ayokong may marinig na salita sa inyo kapag nasisante ko sya. You know me very well La, kaya huwag lang syang magkamali na gumawa ng katangahan dahil sisiguraduhin kong maghahanap sya agad ng bagong trabaho." Mataray kong sabi at pansin ko ang tuwa sa mukha ni lola. Tsk.! "Great.! Sigurado akong hindi ka magsisisi na sya ang kinuha mo apo." "Yeah yeah. I can't wait to see rin po kung ano ang magiging reaksyon nyo kapag pumalpak ang Danielle na iyon." Nakangisi kong sagot sa kanya. "Oh no sweetie.! I am very much sure na sya ang magiging best personal driver mo." Natatawang saad nito. Ang weird din minsan ng lola kong ito. Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil ngayon na ang uwi ko sa Manila. "Bumisita ka ulit dito kapag hindi ka busy huh apo, at syempre dapat kasama mo rin si Danielle." Nakangiting sabi ni lola habang naglalakad kami papalapit sa kotse, kung saan naghihintay si Danielle habang nakasandal sa pintuan ng kotse ko. "Hay naku La.! Nagdududa na talaga ako sayo huh. Mukhang ampon lang talaga ata ako eh." Pabiro kong sabi habang patagilid na yumakap sa kanya. "Hahaha. Silly you. Alam mong hindi 'yan totoo. You will always be my favorite granddaughter." "Eh ako lang naman talaga ang apo nyong babae eh." Nakanguso kong sabi. May narinig akong mahinang tawa sa tabi namin. Paglingon ko ay si Danielle lang pala na mukhang pinipilit pa na huwag tumawa ng malakas. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng kotse. "Pagpasensyahan mo na lang itong apo ko Dani, naglalambing lang ang baby namin." Natatawang sabi ni lola dahilan para uminit ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya. "Oh sya.! Humayo na kayo para makapag pahinga ka ng maaga apo lalo pa't may trabaho kana naman bukas. Saka Danielle, ikaw na ang bahala rito sa apo ko huh. Huwag mo syang papabayaan." Bilin ni lola dahilan para mapa'ikot ako ng mata. "Huwag po kayong mag'alala lola Beth. Hindi ko po sya pababayaan at araw-araw ko po syang kukulitin." Sagot naman ng huli kaya agad ko itong pinaningkitan ng mata. "Subukan mo lang na pestihin ako araw-araw.! May kalalagyan ka sa akin." Mataray kong sagot rito at inirapan sya pero ang loka-loka tinawanan lang ang sinabi ko. "Tama na 'yan girls.! Sige na apo, umalis na kayo. Huwag mong masyadong bigyan ng sakit ng ulo si Danielle, ok.?" "Lola.!" Inis kong sigaw pero tumawa lang ito at humalik na sa pisngi ko na ginawa ko rin pabalik sa kanya bago ako pumasok sa back seat ng kotse. "Take care of yourself lola. I promise babalik ulit ako rito kapag hindi ako masyadong busy." Sabi ko habang nakadungaw sa bintana ng kotse. "I will sweetie, and take care of yourself too. Don't work too much okay.?" Tumango lang ako rito bago tuluyang paandarin ni Danielle ang kotse. Pansin ko ang pagkaway sa kanya nong lalaki na lagi nyang kausap dito habang papalabas kami ng resort. "Ayos lang po ba kayo ma'am.?" Tanong nitong madaldal kong driver habang papalayo kami sa lugar. "I'm fine." Maikli kong sagot sakanya dahil ayokong makausap sya ng matagal. Para kasing tumatambol ng malakas ang puso ko kapag kausap ko ang babaeng ito. Simula talaga ng makilala ko ito sa resort hindi na nawawala ang kaba ko.! Feeling ko lagi akong may hypertension kapag malapit sya sa akin. Kunti na lang talaga iisipin kong may sa mangkukulam ang babaeng ito. Siguro kinulam nya ako dahil lagi ko syang tinatarayan.! Pero imposible naman ata yun. Hindi na uso ang mga ganoong bagay sa panahon ngayon. Kung ano-ano na lang talaga ang naiisip ko dahil sa babaeng ito. Mangkukulam talaga.? Hahaha. Nababaliw na talaga ako. "Mas bagay po sa inyo ang nakangiti ma'am Anastasia. Mas lalo ka pong gumaganda, dalasan mo po ang pagngiti ma'am." Rinig kong sabi ni Danielle na nagpabalik sa katinuan ko. Pero agad ko ring naramdaman ang pag'iinit ng magkabila kong pisngi ng mapagtanto ang sinabi nya. Sa totoo lang marami ng pumupuri at nagsasabi sa akin kung gaano ako kaganda pero ipinag'sawalang bahala ko lang. Pero ba't ganun.? Pagdating sa kanya ay parang ang gaan sa pakiramdam and I felt my heart flutter because of what she said. Oh gosh.! What happened to me.?! Ba't ganito ang nararamdaman ko.? "Shut up.! Hindi kita kinakausap.!" Mataray kong sabi para pagtakpan ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko na ulit narinig na nagsalita ito kaya ipinikit ko na lamang ang aking mata at natulog sandali na may ngiti sa labi. Pansamantala kong nalimutan ang inis ko sa boyfriend kong hindi pa tumatawag sa akin simula nang dumating ako sa Batangas. First anniversary namin noong isang araw pero wala man lang itong paramdam sa akin. Hay, sana lang talaga mali ang hinala ng mga kaibigan ko sa iyo Jeremy. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD